Chapter 13

655 24 0
                                        

Chapter 13: Cassius

"I'll ask you again. What are you doing here?" muli niyang tanong at unti unting humarap sa akin.

Naglakad naman ako papalapit sa kaniya.

"Nothing much. Naglakad lakad ako sa dalampasigan kanina then I saw this huge building and I got curious so I went here. Di ko naman alam na nandito ka" sagot ko sa tanong niya habang nagkukunwaring tumitingin sa paligid.

Matalim niya akong tinignan ng ilang segundo bago nagsalita.

"As you can see, this is a gymnasium. Dito gaganapin ang labanan mamayang gabi" salita niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Mamayang gabi na?" tanong ko.

"Yes. Gabi gabi itong ginaganap. Kahit sa Sylvian, gabi gabi rin. Now, Leave." sagot niya at nilagpasan ako.

Gabi gabi rin sa Sylvian High? So that means may labanan na nangyayari kada gabi sa gymnasium ng school. Kaya pala wala masyado akong nakikiyang estudyante pag gabi. We don't have cerfews. So nandun pala silang lahat sa gym at nanonood ng labanan.

When I go back there. I'll surely watch.

Tumingin ako sa likod ko at wala na doon si Shaun.

Gabi na at nasa isang cottage kaming lahat. May mga pagkaing nakahanda sa magkabilang gilid ng cottage. Kasama ko ngayon si Yugen habang kumuha siya ng dessert. Para akong wala sa sariling sumusunod lang sa kaniya kaya siya na ang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Huy, Kei! Nasaang dimension yang isipan mo ha?" nabalik ako sa huwisyo nang iwinagayway niya ang kamay niya sa harap ko.

"W-what?" tanong ko.

"Ewan ko sayo! Para kang na hypnotized." natatawa niyang saad.

Di ko nalang siya pinansin at tinignan ang plato ko. Biglang napalaki ang mata ko ng makita kung gaano karami ang nilagay niya. I looked at her with disbelief. She know's that i'm not a heavy eater!

Maang maangan siyang tumingin sa akin. Napatingin naman ako sa plato niya na kasing dami lang din tulad sa akin. Well, for her information, I'm not a heavy eater like her. Pasensya na kung di kami parehas ng metabolism.

"Sus! Kainin mo na lang yan. Ang sarap ng pagkain nila dito. Pero kung di mo na talaga kaya, ibigay mo nalang sakin ha?" aniya bago ako hinila sa isang bakanteng lamesa.

Nagsimula na kaming kumain. Wala dito ang Student Council. Sa iba ata sila kumain.

Puro kwentuhan ang bumalot sa buong cottage. May nagiinuman, at may naninigarilyo ding mga kalalakihan sa labas. Isang oras kaming nanatili ni Yugen bago bumalik sa dorm.

I took a rest for a bit. Pagkagising ko ay 10:30 na ng gabi. Wala na si Yugen sa dorm.

Sinabi ni Zachary sa lahat na 10:00pm magsisimula ang labanan. Nandoon na siguro ang lahat pati na rin si Yugen. Ang babaeng yun talaga di man lang ako hinintay.

Nag half bath muna ako bago kumuha ng jean at black hoodie sa bagahe ko. I tied my hair. Kumuha na rin ako ng mask at nagsuot ng black sneakers. Tumingin ako sa salamin para makita kung maayos na ba ako. Nang makitang okay na ay lumabas na ako ng dorm.

I made sure that I was perfectly disguised that no one can recognized me. Maliban na lang kay Yugen, of course. Ang kailangang ko lang ay hindi magsalita para hindi nila makilala ang boses ko. I need to zip my mouth for the entire night.

Dumiretso na akong naglakad patungong gym. Nasa labas pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao sa loob.

Sa labas, malapit sa pintuan ng gym ay may limang guards na nagbabantay. May dalawang malalaking chest ang nandoon. I bet those are the fighting equipments they mentioned.

Sylvian High: School for Underground  Society Where stories live. Discover now