CHAPTER 10: DEAD OR ALIVE

596 52 2
                                    

David pov:

Pershie please gumising ka, hindi pa nga tayo nagkaka sama ng matagal mang iiwan kana agad....umiiyak na wika ko

Hindi ko alam kung bakit ganito ako maka iyak, kapag nakita mo ako aakalain mo na hindi ako lalaki dahil sa itsura ko ngayon. Sobrang gulo ng buhok habang ang sipon ko ay tumutolo sa ilong ko. Sobrang nahihiya ako dahil kung sino pa ang dapat prinoprotikhan ay siya pa ang lumalaban.

Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong kapangyarihan kung kapalit man nito ay unti-unting pagka ubos ng mga kasamahan ko. Ilang oras na kaming umiiyak dito sa gilid ng bahay nila sir. Kahit nga si sir ay hindi mapigilang umiiyak sa sinapit ni pershie.

May isa pang paraan para mabuhay ulit si pershie...wika ng hari ng mga fairy

Anong paraan? Gagawin ko lahat mabuhay lang ulit si pershie...determinadong wika ko

Subalit kailangan nating maghintay ng limang araw bago natin siya buhayin ulit.....wika ng hari

Anong mayroon sa ikalimang araw?...wika ni Stephen

Ang Blue Moon ay isang mahiwagang gabi kung saan binibigyan tayo ng pambihirang lakas. Si trexie ang bubuhay ulit kay pershie dahil isa siyang mangagamot. Hindi ordinaryong mangagamot si trexie dahil kaya niyang bumuhay ng isang Patay. Kahit na lumipas ang ilang taon ay kaya parin ni trexie buhayin Ito... Mahabang wika ng hari

Na buhayan ako bigla sa mga narinig ko sa hari. Walang katumbas ang saya ko ngayon dahil muli kung makikita ang taong hinahangaan ko.

Ngayong alam niyo na hindi pambihirang mangagamot si trexie ay kailangan niyo narin siyang protektahan dahil sa oras na malaman ng mga kalaban natin ang tungkol dito, tiyak na gagawa sila ng hakbang para kunin nila si trexie saatin....wika ng hari

Bakit naman nila kukunin si trexie?...Kuryos na wika ni Pearl

Marami pa kayong hindi sa alam sa mga nangyayari sa mundo niyo....makahulugang wika ng hari

Sabihin mo po saamin kung ano ito para malaman namin. Handa kaming makinig sayo.....wika ni Britney

Isa lang ang pwedi kung sabihin sainyo...wika ng hari

Bakit?...wika ni katelyn

Dahil naka saad din ito sa propesiya...wika ng hari

Ano bang propesiyang sinasabi mo?...naiinis na wika niAyeshia

Hindi pa ngayon ang oras para malaman ninyo, marami pa kayong pagdadaanang pagsubok...wika ng hari

Ang dahilan kung bakit kailangan nating protektahan si trexie laban sa mga kalaban at yun ay dahil may gusto silang mabuhay na nilalang na katumabas ng panginoon ang kapangyarihan....wika ulit ng hari

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ng hari, ngayon palang natatakot na akong maka sagupa ang nilalang na yun. Kahit malakas na ako wala paring makaka tumbas sa nilalang na yun dahil Kasing lakas na niya ang panginoon.

Kaya ngayon wag kayong malilingat Kay trexie dahil baka isang kurap lang natin ay nandon na siya sa mga kalaban natin....wika ng hari

May makaka talo po ba sa nilalang na yun bukod sa ating panginoon?......wika ni trexie

Oo naman...wika ng hari

Sino?......wika ni Daryle

Ang mga humawak ng mga elemanto ng hangin, lupa, tubig, apoy, kidlat, yelo at ng oras. At syempre dapat kasama nila ang diyos ng pagka buo, pagka gunaw, liwang at dilim....wika ng hari

So kayo nila Pershie,David, Stephen,Daniel, Pearl,Dustin at ang huli ay si trexie....wika ni sir

Paano naman siya matatalo Kung mabuhay man ang nilalang na yun?...wika Dustin

Pagsasama samahin ninyo ang mga kapangyarihan ninyong pito para maka buo ng malakas na kapangyarihan....wika ng hari

Nasabi kuna sainyo ang dapat ninyong malaman. Kayat pumasok na tayo sa loob baka may mangyari pa Kay pershie....wika ng hari

Binuhat ko si pershie na pa bridal style. Para lang kaming bagong kasal sa ayos namin ngayon. Sumilay sa akin labi ang maliit na ngiti sa aking sinabi.

Pagka lagay ko Kay Pershie sa higaan niya ay lumabas na ako sa kwarto niya baka hindi pa ako makapag pigil sa nararamdaman ko ngayon at masunggaban ko siya ng halik.

Aaminin ko sainyo na may pagtingin ako Kay pershie nong pinatulog ko siya para hindi niya maikalat ang tungkol saamin. Sobra akong nabighani sa taglay niyang ganda.

Mas nakompirma ko pa ang aking nararamdaman ng makita ko siyang naka suot ng maikli ng gumamit siya ng kapangyarihan na maging imbisibol. Sobrang nainis ako non ng Makita ko Kung paano siya tingnan ng mga kaklase Kung lalaki. Kung hindi lang ako nakapag pigil baka nasunog kuna sila ng buhay.

Pagbaba ko ng hagdan ay sakto naman ang pagtaas ni Stephen na may  dalang bimpo at tubig.

Saan mo yan gagamitin...wika ka ko

Kay pershie. Lilinisan ko siya dahil ayaw non na madumi siya....

Bigla nalang pumatak ang luha ni Stephen sa sinabi niya. Sila ni Pearl ang mas pinaka apektado dito dahil sila ang pinaka malapit kay pershie.

Ngiti nalang ang isinagot ko kay Stephen.

Hindi na ako makapag hintay na mabuhay muli si pershie. Sana lang totoo ang sinabi ng hari.

Stephen pov:

Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay nila sir para masaksihan ang pagdating ng Blue Moon. Excited na akong mabuhay muli si pershie at ganon din ang madagdagan ang lakas ko.

Sa nakalipas na mga araw ay ako palagi ang nagpapalit sa damit ni pershie. At iba naman ay nagpapalitan ng pagbabantay sakaniya. Pero si David palagi ko nakikita na binabantayan niya si pershie tuwing gabi. Kaya na buo ang conclusion ko na baka may gusto na si David Kay pershie. Oh my God naiisip ko palang kinikilig na ako, paano pa kaya Kapag nangyari ang iniisip ko baka namatay na ako sa kilig.

Nasira lang ang moment ko ng may humawak saaking braso at ng tingnan ko kung sino ang may ari ng kamay ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng malaman ko na kay Daniel pala Ito. First day of class crush Kuna kaagad siya dahil sa Pambihirang kagwapohan niya na kahit sino ay mahuhulog sakaniya at Isa na ako don.

Mey kelengen kebe?...pabebeng wika ko sakaniya

What?....wika niya na naka taas pa ang isang kiloy

Wala....wika ko

Crazy...Sabi niya sabag lakad niya paalis

Oo na baliw na ako sayo. Alam kung wala akong pag-asa sa kaniya dahil straight na straight siya. Bigla nalang akong nalungkot sa iniisip ko.

Guiz tatlong segundo nalang lalabas na blue moon....wika ni sir

Magbilang tayong lahat...wika ng hari

1.....sigaw naming lahat

2........

3........

Pagkatapos ng tatlo ay sumilay saamin ang kulay na blue na buwan. Sobrang nakaka mangha dahil sa kulay niya.

Nakakaramdam ako na parang mas lumalakas ang kapangyarihan kung taglay at ng tingnan ko ang iba ay ganon din sila.

Tumingin ako kay trexie na ngayon at ginagamot si pershie. Nagliliwanag ang dalawang kamay ni trexie at ilang saglit lang ay bumukas ang dalawang mata ni pershie. Sobrang saya namin dahil sa pagmulat ng mata ni pershie.

Kaagad siyang inalalayan ni David para maka tayo. Pagka tayo ni pershie ay kaagad namin siyang niyakap ng sobrang higpit. Kompleto na ulit kami

Pagkatapos ng blue moon ay bumalik na kami sa loob ng bahay ni sir dahil tinawag na kami ng Asawa niya. Habang kumakain kami ay ikinuweto namin sa kaniya ang mga nangyari. Sobrang pasalamat niya kay trexie dahil daw binuhay siya ulit.

Vote and comment ❣️🥰😇

THE EXTRAORDINARY STUDENTS (Gay×Straight)mpregTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon