Dustin pov:
Ngayong araw ay may gagawin kayong misyon, kayong labing apat ay magsasama-sama sa misyong ito. Masyadong mahirap kasi ang misyong ito dahil kahit ang ibang mga mag-aaral sa ibat-ibang paaralan na mayroong kapangyarihan ay bigo na mapag tagumpayan ang misyong ito...wika ni sir ivan
Ano pong klaseng misyon iyan sir ivan?...wika ko
Ang misyong sinasabi ko ay ang pagkuha ng libro na pinamagatang "BOOK OF TRUTH". Malaking tulong ang librong iyan dahil kahit anong tanongin mo ay kaya niyang ibigay ang iyong kasagutan....wika ni sir ivan
Saan po namin makikita ang librong yan?...wika ni pershie
Sa bundok ng makiling, ang bundok ng makiling ay makikita sa tacloban city. Wag kayong magpadalos-dalos sa gagawin niyong aksyon dahil sobrang mapanganib ang bundok ng "MAKILING" sapagkat doon naninirahan ang mga taong ahas...wika ni sir ivan
Ang mga taong ahas ay siyang taga bantay ng bundok MAKILING kasama narin ang pag bantay nila sa libro ng katotohanan...dagdag pa ni sir ivan
Ewan ko bakit bigla nalang tumayo ang balahibo ko, ngayon lang ako natakot ng ganito. Para yatang may hindi magandang mangyayari sa misyong ito. Wag naman sana mangyari ang naiisip ko.
Kailan kami aalis?...wika ni David
Bukas na bukas din...wika ni sir ivan
Ah, sir pwedi po bang hindi ako sumama kasi maganda ako?.....wika ni pearl na nagpatawa saaming lahat.
Gaga kang bakla ka, gagawa kana ngalang ng excuse yung hindi pa kapayag-payag...wika naman ni stephen kay pearl
Miss pearl, hindi maaari na hindi ka sumama dahil malaki ang maitutulong mo sa kasamahan mo lalo nat kaya mong magpagaling ng mga sugat....wika ni sir ivan
Kasama naman na nila si stephen at tiyaka si trexie eh..sagot ni pearl
Miss pearl, isa din ito sa mga training niyo upang mahasa ang paggamit ng mga kapangyarihan niyo....wika ni sir ivan
Sir naman aya....hindi natuloy ang sasabihin sana ni pearl dahil tinakpan ni stephen ang kaniyang bibig upang dina makapag salita pa.
Sir, wag po kayong maniwala sa baliw na ito. Sasama po talaga siya saamin...wika ni stephen
Okay class, hangad ko ang tagumpay niyo. Bumalik na kayo sa mga kwarto niyo upang makapag impake na kayo...wika ni sir ivan
Pagka labas ko sa silid aralan namin ay saktong palabas narin si pearl, ang ganda niya talaga kahit kailan ang kaso nga lang parang may sayad sa utak.
Pearl..tawag sa kaniya ni Britney
Ano yun Britney? Wika ni pearl pagkalapit ni Britney saamin.
Nabasa ko kasi ang iniisip ngayon ni Dustin..panimula na wika ni Britney, bigla tuloy akong kinabahan sa sasabihin ni Britney Kay pearl. Lagot ako nito kapag nalaman niya na pinag iisipan ko siya na may sayad.
Anong nabasa mo Britney?..wika ni pearl
Tiningnan ko si Britney habang paskil ang nagmama kaawang mukha na wag ituloy ang gusto niyang sabihin kay pearl.
Sobrang ganda mo daw pearl...tumingin naman saakin si pearl at ngumiti ng napaka tamis. Ang kaso nga lang daw para kadaw may sayad sa utak. Dugtong na wika ni Britney. Ang kaninang matamis na ngiti ni pearl ay napalitan ng ngisi. Alam kuna ang kahahantungan ko ngayon.
Walang hiya ka talaga dustin papa...hindi na natapos pa ang sasabihin ni pearl ng biglang magsalita si sir ivan na nasa likod lang namin.
Mga students, ano pa ang ginagawa niyo dito diba sabi ko pumunta na kayo sa inyong mga silid upang makapag impake?...wika ni sir Ivan
Pupunta na nga kami doon sir eh...wika ni Britney, sabay hawak sa kamay ni pearl at naglakad sila palayo saamin ni sir.
Takot pala kayo Kay sir ha?.
Ikaw naman Mr Dustin ano pa ang ginagawa mo dito?...wika naman ni sir saakin, kaagad naman akong naglakad palayo sakaniya dahil sa tuno ng kaniyang pananalita. Nakakatakot kasi si sir ivan kapag seryoso siyang nagsasalita.
Ayiesha pov:
Sino pa ang wala dito?..wika ni sir ivan
Sina Pershie, David, Stephen, Daniel, Pearl, Dustin, aljon at trexie ang wala pa dito sir...wika ko
Nasaan kaya ang mga yun, sinabi ko naman sa kanila na dapat maaga palang ay nandito na sila para maka alis na kaagad kayo. Mga pasaway talaga ang mga yun...wika ni sir ivan
Nandito na po kami, sorry po sir kung ngayon lang kami nakarating, ang bagal-bagal kasing kumilos nitong mga lalaki...wika ni pearl
Bakit kami ang sinisisi niyo? Kayo ang ang nagpahintay saamin dahil walang magdadala ng mga gamit niyo....wika ni dustin
Kung hindi kulang kayo kilala baka mapag kalaman kuna kayong magka sintahan....wika ni trexie
Yukk, hinding-hindi ko yan papatulan kahit siya nalang ang lalaki na nabubuhay sa mundong ito...wika ni pearl
Hindi rin ako papatol sa pangit na yan, kung pumatol man ako sakaniya baka ginayuma lang niya ako...wika naman ni dustin.
Sa ganda kung ito gagayumahin pa kita?...naiinis na wika ni pearl
Tama na nga yan, aalis pa tayo kaya isave niyo lang yan sa pagbalik natin...awat na wika ni Pershie
Dahil kompleto na kayo, maaari na kayong pumasok sa lagusang ito. Ang lagusang ito ay magdadala sainyo papunta sa bungad ng makiling...wika ni sir ivan
Pagkalabas namin sa lagusan ay bumungad saamin ang entrance ng makiling, akala ko yung daanan ng makiling ay may mga naglalakihang mga damo yun pala naka semento ito.
Tara na mga classmates puntahan na natin ang libro ng katotohan ng sa gayon ay matapos na natin kaagad ang misyong ito... excited na wika ni pearl
Pershie pov:
Pers gusto mo ako nalang magdala ng mga gamit mo?..wika ni david
Napansin niya yata na nahihirapan na ako sa aking dalang bag, hindi naman masyadong mabigat itong bag ko sadiyang nahihirapan lang ako sa aming dinadaanan kaya feeling ko sobrang bigat ng bag ko, pano ba naman itong daanan ay pataas pala kaya nahihirapan na ako na magpatuloy pa.
Kaya ko ang bag ko david... nakangiting wika ko
Sigurado kaba?..paninigurado niya pa
Oo naman..wika ko
Besh bat hindi mo gamitin ang kapangyarihan mo upang maka lipad tayo ng sa gayon ay hindi na tayo mahirapan pang umakyat?...wika ni Stephen na nasa unahan namin ni david
Oo nga noh? Bakit ko ba yun nakalimutan...wika ko sa aking isipan
Pumikit ako upang mag concentrate ng sa ganon ay maging maayos ang pag papalabas ko ng kapangyarihan ko. Ilang saglit lang ay naramdaman kuna na hindi na ako naka apak sa semento kaya binuksan kuna ang aking mga mata.
Ngayon ko lang nagawa ito kaya namamangha ako na kaya ko palang palutangin ang mga kaklase ko, nakikita ko sa kanilang mukha ang saya ng hindi na sila naglalakad. Nabawasan yata ang kanilang pagod dahil sa mahabang nalakad na namin.
Ang saya palang lumipad..sigaw na wika ni stephen
Oo nga eh..sang-ayon ko sakaniya
Pershie ayon na yung tuktok ng makiling kung saan matatagpuan ang libro ng katotohanan...wika ni pearl na ngayon ay naka turo ang kaniyang nguso sa aming unahan.
Vote and comment ❤️
BINABASA MO ANG
THE EXTRAORDINARY STUDENTS (Gay×Straight)mpreg
FantasyDahil sa pagpasok ko sa paaralang ito ay marami ang nagbago sa aking buhay. Gusto mo bang malaman kung ano ang nagbago saakin? Halinat basihan ang kwento ko. NOT EDITED Highest Rank In Wattpad #1 - pantasya over 106 #171- school over 26,000 #112...