CHAPTER 18: MISSING YOU

404 27 2
                                    

Stephen pov:

Namimiss kuna ang dalawang besprend ko. Kailan kaya sila babalik?. Sana naman bago kami sumabak ulit sa pangalawang misyon ay makasama muna namin ang iba pa naming mga kaklase. Nakakainis kasi si sir eh, dapat hinayaan nalang niya kaming magsama-sama ng mga kaibigan ko. Pero sa tingin ko maayos narin yun para hindi na ako mahihirapan pang mag adjust kapag nagkaroon ulit kami ng misyon.

Kumusta na kaya si Daniel, wait bakit ko ba siya iniisip, eh wala namang kami. Pero sa totoo lang may pagtingin ako kay Daniel. Ewan koba kung anong nagustuhan ko sakaniya eh ang pangit naman ng pag uugali non. Habang iniisip ko kung ano ang nagustuhan ko kay Daniel ay bigla nalang akong napatalon sa gulat dahil ginulat ako ni Britney, tapos ang Gaga tawang- tawa pa.

Epic ang mukha kanina Stephan.. wika niya habang naglalakad na kami pabalik sa room namin.

Gaga ka talaga kahit kailan Britney mabuti nalang hindi ko nagamit ang kapangyarihan ko sayo... Naka simangot na wika ko sakaniya.

Sorry na Stephan ang lalim kasi ng iniisip mo kaya ginulat kita.. wika niya

Ano kaba ayos lang yun noh...wika ko

Pagdating namin sa room na aming tinutuluyan ng aking mga kasama ay nakita namin sa loob sir Ivan, I guess another mission para saamin ulit. Hindi ko pa nga nakikita ang mga kaibigan ko aalis na kami agad. Wika ko sa aking isipan.

Kampleto na pala kayo...wika ni sir

Mission?...wika ko

Oo. Wika ni sir

Anong klaseng misyon naman yan sir? Wika ni david

Pupunta kayo sa bohol dahil tuwing gabi ay palagi nalang silang walang ilaw, at pagsapit ng umaga tiyaka nalang nila malalaman na marami na palang nawawala na mga naninirahan sa lugar ng bohol. Gustong pa imbistegahan ng ating principal kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kuryente at ang pagkawala ng mga taong naninirahan doon. Bukas na bukas din ang pag-alis niyo. Maliwanag ba?.. mahabang wika ni sir

Yes sir...sabay-sabay na wika namin.

David pov:

Kahit ilang araw palang kaming hindi nagkikita pero pakiramdam ko mahigit isang taon na, hindi niyo ako masisisi dahil medyo malapit na kami sa isat-isat ang kaso nga lang ay agad na naputol ang aming nabubuong pagkaka mabutihan ng magkahiwalay kami ng grupo. Kung alam kulang sana na ganon ang kalalabasan e di sana nagpatalo nalang ako para nakasama ko siya sa mga misyon, but it's to late.

I promise to God na liligawan kuna siya kapag nagkita na ulit kami, and I will not accept the friend zone because i really love him. Possessive na kung possessive dahil iyon talaga ang gusto kung mangyari, sana lang mahal niya rin ako ng sa ganon ay hindi na ako mahirapan pang kunin ang loob niya. Pero kahit hindi niya ako mahal hindi parin ako titigil hanggat hindi niya ako nagustuhan dahil mahal ko siya una ko palang siyang nakita ay mahal ko na siya.

Hindi ko alam kung bakit kaagad nahulog ang loob ko sakaniya, sa unang  kita ko palang sakaniya ay kaagad ng nahulog ang puso ko sakaniya. Para kasing kilala kuna siya noon pa man pero hindi ko maalala kung saan ito dahil masayadong malabo ang nakikita ko kapag kasama ko siya. Nangyari lang saakin ang ganitong bagay simula ng makita ko siya, sobrang daming alaala ang bumalik saakin pero sobrang labo nito. Dahil sa sobrang labo ay hinayaan ko nalang ang mga alaala na yun, baka kasi nong kabataan ko pa yun na alaala na nagbabalik dahil Sabi ng mom and dad ko ay nagkaroon daw ako amnesia nong bata pa ako dahil tumama daw ang ulo ko sa bato at yun ang naging dahilan para magka amnesia ako.

Pumunta na ako sa aking tinutulugan para mag ayos ng gamit na aking gagamitin papuntang bohol, napangiti nalang ako ng muling maalala na may bago kaming misyon. Another experience na naman toh para saakin.  Sobrang sayo ko dahil may bago na naman akong matututunan sa aking kakayahan.

Pershie pov

Pagsapit ng umaga ay kaagad na kaming pumasok sa portal para mas mapadali ang pagpunta namin sa Preston academy. Isa rin sa dahilan kung bakit umaga kaming umalis sa hotel ay para maabutan namin ang aming mga kaklase bago manlang silang sumalang sa bagong misyon.

Pagkatapak palang namin sa academy ay kaagad kaming tumakbo dahil sa sobrang pagka excited na makita namin ang aming mga klasmate. Pero bigo kaming makita sila dahil naka alis na daw sila papunta sa kabilang ikalawang misyon.

Ano ba naman, napagod pa tuloy kami sa kakatakbo pero wala na pala kaming madadatnan. Ibinalita nalang namin kay sir Ivan na nagtagumpay kami sa aming misyon. Pagkatapos naming sabihin sakaniya ay kaagad na kaming umalis sa opisina niya dahil kailangan namin daw na magpahinga dahil may bago na naman kaming misyon na kailangan puntahan.

Kainis naman, sign na siguro ito na hindi pa ito ang tamang oras para magkita-kita kami ng mga kaklase ko. I miss them all Lalo na si Stephen at syempre si David din. Pumunta nalang ako sa room para matulog na sa gayon ay bumalik ang dati kung lakas. Pakiramdam ko kasi naubos ang lahat ng lakas ko sa pakikipag laban sa darkians at sa stone best na yun.

Daniel pov:

Sobrang miss kuna si Stephen kaya pagkarating namin sa academy ay tumakbo din ako para maabutan siya ang kaso nga lang ay wala na sila sabi ni sir Ivan. Dahil naka alis na daw sila para sa kanilang bagong misyon. Dahil sa inis ko na hindi ko siya naabutan ay pumunta nalang ako sa room ko para matulog.

Mahal ko na talaga yata ang baklang yun dahil sobrang miss na miss kuna siya, nagbabalak na nga akong sundan siya sa bohol na sa ganon ay makasama ko siya pero hindi ko nalang gumawa dahil sigurado akong papagalitan ako ni sir Ivan kapag nalaman niyang wala ako sa grupo namin.

Maghihintay nalang ako sa muli naming pagkikita at sisiguraduhin ko na mapapasakin nadin siya, ang lakas talaga ng tama niya saakin. Sana lang hindi ako mabigo sa ikalawa kung pag-ibig.









Sorry kung ngayon lang nakapag update, busy kasi ako sa school. Don't to worry guiz tapos na Ang klase namin kaya makakapag update na ulit ako.

Vote and comment.

THE EXTRAORDINARY STUDENTS (Gay×Straight)mpregTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon