Chapter 27

818 31 0
                                    

Mula sa kwarto ko sa second floor, I went downstairs when Billie announced that Menandro has arrived. Sinalubong ko siya sa main door at nabigla nang yakapin niya ako ng mahigpit. My brother looked away and walked back to his plates.

"I missed you..." Menandro whispered softly and hugged me tighter.

"I-I missed you, too," pumikit ako at nilanghap ang pabango niya.

He was wearing a black button-up long sleeve shirt, charcoal ripped jeans, and white canvas sneakers. Dumaan ang iritasyon sa mukha ko nang naalalang iyon din ang suot niya habang magkasama sila ni Ate Lizzy kanina.

Kinalas ko ang mga braso niya sa baywang ko. "How's your... day?"

He looked so tired and stressed. I wonder why? Mukha namang okay na okay siya kanina.

"Na-stress lang sa mga estudyante ko." He pressed his lips together. "But it's fine now," sambit niya habang tinitingnan ang mukha ko.

Marahan akong tumango. "'Buti naman."

Sa sobrang tahimik ay naririnig na namin 'yung pagkiskis ng pambura sa papel na ginuguhitan ni Billie. Binawi ni Menandro ang tingin niya sa living room at kunot-noong inabot sa akin ang malaking brown takeout bag.

"Nag-dinner na ba kayo? Bumili ako ng shawarma rice. Nakita ko kasi 'yung shared post mo kanina..." he licked his lips and nodded as if he was trying to convince himself that my post was meant for him.

Suminghap ako at umiling. "Hindi pa. Tuloy ka. Maghahain lang ako sa lamesa."

He nodded and slowly chewed his lower lip as his gaze followed me while he was walking toward Billie. Sa halip na huminto ako sa dining area, tumuloy ako sa kitchen. Inilapag ko 'yung hawak ko sa countertop at ipinatong ang aking mga kamay doon.

So, the professors didn't tell him. Mabuti naman kung ganoon. Hindi ko intensyon na ipaalam sa kanya na nagpunta ako roon. Isa pa, nakakahalata na siya at ayaw ko nang maungkat kung ano man ang nakita ko kanina. I'll just trust him even though I'm still hurting inside.

"Nakabili na ba kayo ng gift, Ate? Nakakahiya kung pupunta tayo kina Kuya Menandro nang wala man lang dala," ani Billie habang pinagsasaluhan naming tatlo 'yung pagkaing dala ni Menandro.

Nasa kabisera ako kaya huling-huli ko ang pagsulyap sa akin ni Menandro. He was watching me intently. I cocked my head to my brother's side and smirked.

"Matagal-tagal nang inasikaso ni Lola 'yung ireregalo natin kay Don Pablo." Then my gaze went back to Menandro. "Sana magustuhan ng Lolo mo. He already has everything he could ever wished for..."

"It's the thought that counts, Hailey. Hindi mahalaga kay Lolo ang mga materyal na bagay. Sapat na ang presensya ninyo at pagpapaunlak sa kanyang imbitasyon," he answered and pushed the plate full of meat and veggies beside mine.

Yumuko ako at dinagdagan ang pagkain ko. Mas kumportable na ako ngayon kaya nawala na ang pagtataka ni Menandro. Iyon nga lang ay hindi ako makasapaw sa topic nilang dalawa ni Billie. My brother was asking for an easy way to solve the equation from his quiz earlier. Hindi siya maka-move on dahil iyon lang ang nag-iisang mali niya.

"Nag-imbento ka ng formula sa derivatives?" Menandro chuckled when he heard my brother's story.

Sumimangot si Billie. "Hindi, Kuya! Mas nadadalian kasi talaga ako 'pag ikaw ang nagpapaliwanag. I'm thinking if I should drop the subject—"

Kinontra ko 'agad. "Hoy, Billie! Hindi madali ang gusto mong mangyari! Mom and Dad won't allow it."

"Talking about your own experiences?" Menandro asked, grinning widely.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon