Chapter 58

1K 36 1
                                    

Dedicated to: exlalia

Umaga pa lang ay nasa bahay na sina Ate Elise at Mario. Anila'y pinasunod sila nina Daddy at Mommy. Hmm, pinasunod... Pero bakit ngayon lang sila pumunta dito?

"So, kinausap mo talaga sa personal si Mayor?!" si Ate Elise habang pinapapak 'yung caramel popcorn.

I nodded and grabbed a handful of food as I leaned down the couch. "Oo, dahil mas matino siyang kausap kumpara kay Lizzy. Saka kung si Lizzy ang una kong nilapitan, wala akong mapapala! May sapak na sa utak ang gagang 'yon!"

"Pero mukhang may problema na talaga siya sa pag-iisip. Sana ipa-check na siya ni Mayor sa espesyalista bago pa lumala..." anang kapatid ko at tumayo nang nakitang tapos na magluto sina Mario at Menandro.

Sumunod ako at nauna nang tumungo sa hapag-kainan. Masarap magluto ang magkapatid na Silver Linings kaya siguradong mapaparami ang kain namin ni Ate Elise.

Pinag-usapan namin ang nalalapit na kasal habang sinasandukan ako ni Menandro ng pagkain. Nakatulis 'agad ang nguso ni Ate Elise sapagkat hayagan ang pagpapakita ni Menandro ng pagmamahal niya sa akin.

"Inggit ka lang..." Tumawa ako. "Mario, paki-sandukan nga, oh. Baka mainis si Buntis."

"Mario lang? Mag-kuya ka nga," masungit na sabi ng katabi ko.

"Okay, Kuya Menandro," I smirked at him before I poked the sausage using the fork.

Humagalpak ng tawa si Mario at naisipang gayahin ang ginawa ng kapatid. Umiling-iling naman si Wendell saka sumimsim ng mainit na kape.

"Na-set niyo na ba 'yung date ng kasal niyo, Ate? Ba't 'di mo kami ina-update nina Mommy? Saka panay ang tawag ni Tita Maggie. Alam mo namang uwing-uwi na 'yon para sa kasal mo..." sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Ate Elise wiped the grease off her mouth before she lifted her gaze at me. "I told you, saka ko lang malalaman 'yung date kapag sure na kami kung kailan uuwi si Mama. She'll be here on July 16th. Kailangan pang asikasuhin 'yung titirahan niya rito 'tsaka 'yung mismong isusuot niya sa kasal. So, para sagutin ang tanong mo, sa July 25th po kami ikakasal ng Kuya Mario mo."

Bigla akong na-excite! Finally!

"And sasamahan mo 'ko mamaya sa shop ni Kelly para magpasukat ng dress. Ikaw at si Ramona lang ang bridesmaids ko dahil ayokong mag-invite ng marami. Dadaanan na lang natin siya mamaya sa bahay," she added.

Nagtaas ng kilay si Kuya Mario. "Kayo lang? Paano 'yung isusuot naming mga lalaki?"

"Oo nga, Ate!" pag-segunda ko. Ang totoo niyan ay gusto ko lang makasama ang asawa ko.

"Bakit? Wala ba kayong mabibili sa mall?" pagtataray ni Ate Elise.

Automatic ang paglalambing ni Kuya Mario sa soon-to-be wife niya. Nagtawanan naman kaming mga audience nila.

Tumawag ako kina Daddy pagkatapos naming kumain. Ipinaalam ko sa kanila ang totoong nangyari no'ng umuwi kami dito kagabi. Nag-aalala sila para sa akin dahil baka raw balikan ako ni Lizzy para maghiganti.

"Mom, wala po kami sa teleserye. Hindi po mangyayari 'yon," I responded while I was laughing.

"Eh, nagawa ka nga niyang bilugin! We don't know what she's capable of doing, so we better watch out. Sana lang mag-public apology na siya para hindi na ma-bash ang dad mo. Kawawa naman! Hanggang ngayon wala pa ring gana kumain!"

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon