Chapter 25

970 30 1
                                    

Sinundo ako ni Lola Esmeralda sa Letran pagkatapos ng klase ko. We haven't had lunch yet, so she told our driver, Kuya Rudy, to find a restaurant along the way to Bay where the atelier's shop is located. May namataang seafood restaurant si Kuya Rudy kaya iyon na ang pinili ni Lola kaysa naman daw kumain kami ng fast food.

Lola Esmeralda ordered a fish and veggie combo, while Kuya Rudy and I decided to share the spicy seafood platter. 1 p.m. na at gutom na gutom na ako. Sana pala'y bumili muna ako ng kwek-kwek kay Mang Pete.

Mula sa screen ng cellphone ay inilipat ni Lola ang kanyang atensyon sa akin. Pinagalitan niya pa ako dahil nakapangalumbaba ako sa table.

"Nabanggit sa 'kin ng tito Orlando mo na balak niyang ilipat sa Letran si Ramona sa susunod na sem. Ipinapatong niya rin sa 'yo kung anu-ano ang requirements ng transferees. Give him a call, hija."

"P-Po?" Wala sa loob akong umayos sa pagkaka-upo. "Bakit daw po? Maganda naman ang school na pinapasukan ni Ramona..."

I have a hunch as to why my cousin would suddenly transfer to Letran, pero sana ay mali ako...

Lola Esmeralda flicked her hand and crossed her legs. "I didn't ask him. Isa pa, ayokong problemahin si Ramona dahil makulit ang batang iyon. Dagdag pa sa sakit ng ulo ko 'pag nagkataon. Tulungan mo na lang ang tito mo sa proseso ng paglipat ng anak niya sa Letran."

I nodded my head and bit my lower lip. Nag-iwas ako ng tingin bago sumimsim ng tubig. The news really bothered me. It's not like I'm obligated to help them, but I couldn't say no...

"Si Ate Elise po? May isusuot na ba siya?" tanong ko sa pagpapatuloy ng aming biyahe.

Umismid si Lola. "She doesn't need one. She's not invited."

"Akala ko po ba invited ang buong pamilya natin? Paano po si Ate Elise?" halos ngiwian ko na ang lola ko. Nagkatinginan pa kami ni Kuya Rudy sa rear view mirror.

Kumunot ang noo ni Lola. "Kailan ko sinabing imbitado ang buong pamilya natin, Hailey? Ikaw, ako, si Billie, at ang daddy mo lang ang dadalo."

"Lola naman!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Why would you cast my sister aside? Karapatan niya pong sumama. She belongs to this family!"

Tinakpan ni Lola Esmeralda ang kanyang mga tainga dahil parang narindi siya sa mga sinabi ko. "Basta hindi siya imbitado! I don't want to talk about this again, Hailey. 'Wag mong painitin ang ulo ko."

Umirap ako at padabog na isinandal ang likod sa upuan. Hindi ko talaga alam kung ano ang ipinuputok ng buchi ng lola ko! She obviously decided on her own. Daddy won't let that happen anyway.

Inilabas ko ang cellphone ko at nag-text kay Ate Elise.

To: Ate Elise

Ate, do you still have the copy of the measurements of your Filipiniana dress? The one that you wore when you accompanied dad to the SONA. Kelly sent it to you, right?

Naka-ilang palitan ng text na kami ni Menandro bago siya nag-reply.

From: Ate Elise

You trippin'? I'm at work. Busy ako.

Pumalatak ako kaya napatingin sa gawi ko si Lola Esmeralda. She broke eye contact first at may kasama pang irap.

To: Ate Elise

Just send it to me. I need it. ASAP.

Nag-reply lang si Ate Elise kung kailang paalis na kami sa shop ni Kelly. Patago kong ibinigay sa kanya 'yung kopya ng measurements ni Ate Elise. Siya na raw ang bahala sa design. At, habang ka-chika-han niya si Lola Esmeralda, nag-deposit ako ng 50% down payment sa kanyang bank account bilang kabayaran sa susuoting dress ng kapatid ko.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon