Chapter 34

881 27 0
                                    

The rumors have worsened when someone from school saw Lizzy Cabañas waiting outside the main gate. Kumakalat ngayon sa buong campus na inaabangan niya raw ako para komprontahin. There are numerous slandering incidents that I've been facing ever since that day. My schoolmates just wouldn't stop. Even if I wanted to explain my side, they wouldn't listen and believe in me 'cause all they know is that I'm the villain in Menandro and Lizzy's love story.

"Break na, Hails. Ano'ng gusto mo? Ako na lang ang bibili," parang gusto ko na lang umiyak sa harapan ni Agassi nang narinig ko ang sinabi niya.

Lumabas na ang mga kaklase namin at kami na lang ng mga kaibigan ko ang naiwan sa classroom. Kung tutuusin, pwede naman nila akong iwan dito para makakain na. Pero napapansin kong sinasadyang magbaon ng pagkain nina Andeng para masamahan ako dahil alam nilang hindi ako bababa para pumunta sa canteen.

"Hindi ako kakain, Aga..." sagot ko gamit ang maliit na boses.

"Na naman?!" Padarag na inilapag ni Andeng sa armchair 'yung lalagyan ng packed lunch niya. "Aba, Hailey! Napupuno na 'ko, ah? Bakit kasi hindi na lang natin i-report sa Guidance's Office 'yung paninirang-puri nila sa 'yo? Hindi lang kalusugan mo ang apektado dahil halata namang napapabayaan mo na ang pag-aaral mo nang dahil sa stress!"

Iyon nga ang iniiwasan ko, eh. Ayaw kong makarating sa mga magulang ko kaya nakiusap ako kay Billie na 'wag na 'wag siyang magsusumbong. Pati si Menandro ay inaway ko kagabi dahil gusto niyang sumugod dito. Ayoko nang palakihin pa...

"Hailey, makinig ka naman kay Andeng! Ikaw lang naman ang inaalala namin," ani Charline.

Hinawakan ni Bethany ang mga balikat ko at hinarap ako sa kanya. "'Tsaka nasasaktan na rin kami! We all know the truth! Kaya lang hindi pa rin humuhupa ang mga tsismis kahit na pinagsasabihan na namin ang mga inggratang 'yon! Ang titigas ng mukha nila!"

"Trust me, mas makabubuti sa 'yo 'pag nag-report tayo. Para na rin matahimik at maparusahan ang mga naninira sa 'yo," si Roxanne.

Lunok ako ng lunok habang nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at saktong nagtama ang mga mata namin ni Agassi. He pulled me off my chair and embraced me tightly. Just like that, I burst into tears. Niyakap ko ng mahigpit ang best friend ko, 'di na alintana kung humagulhol ako ng malakas. I also heard some sobs from behind.

They once adored me, and now they ruined my reputation. I wanted to get away from their toxic mentality. I've lost my peace of mind and now my well-being is at stake. Ang hirap magpanggap na okay lang ako. Ang hirap magtapang-tapangan kahit ang totoo'y pinanghihinaan na ako ng loob. Ang hirap dahil nakikita kong nahihirapan na rin 'yung mga taong mahalaga sa akin.

My body couldn't take all the bullets; and my weak heart couldn't handle every hateful words they're throwing at me! Damn! I got it so bad!Ako ang pinakasalan, pero ako ang lumalabas na masama! And as much as I hate to admit it... these are the consequences for choosing the fastest way to get out of all the problems. It's so clear that I just created another problem...

Madalas dumadating ng alas diez ng gabi sa bahay si Menandro. At sa gabing iyon, tumambay ako sa living room at naghintay sa kanyang pagdating.

"Hi!" nagulat siya sa mukha ko pagkabukas niya ng pinto.

"You're still awake?" kunot-noo niyang tanong bago hinalikan ang pisngi ko.

Kinuha ko sa kamay niya 'yung bag. "Yup, hinintay kita. Kumain ka na?"

He locked the door. Pagkatapos ay pumihit siya sa harapan ko at hinawakan ang mga braso ko. Marahan niyang pinisil ang mga iyon habang nagtatakang nakatitig sa mukha ko.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon