Chapter 31

1K 36 3
                                    

End of Season One

M E N A N D R O

One on one, Cris opened another bottle of whiskey. Tahimik niyang inabot sa akin 'yung shot glass. I knew he was cheating 'cause he wanted me to get drunk so he could finally sleep. Kevin and Stefan are on my bed as they already passed out. Ngumisi ako at hinayaang gumuhit sa lalamunan ko 'yung alak.

Napamura si Cris at wala sa sariling sinagi 'yung braso ko. "Tang ina. 'Di ka ba titigil?"

I chuckled and licked my lips. Overlooking the city and the busy streets below, I watched our reflection on the glass wall in front. What time did we start? I don't know... Basta maliwanag pa 'yon. Nabibigla na lang sa sarili dahil ang tibay-tibay ko ngayon.

"Give yourself a break, dude. Babae lang 'yan..." iiling-iling niyang sinabi bago sinalinan 'yung baso ko.

Bumaba ang tingin ko sa baso at tamad na nilaro iyon. No matter how hard I try to explain that Hailey isn't like any other girls, they would never understand because they've never been... in love.

"Dude, come on!" Pabiro niya akong tinulak. I cursed when the shot glass almost slipped in my hand. I spilled some whiskey and I grabbed the box of tissue irritatingly.

Hindi niya pinansin ang iritasyon ko. "You should be fucking happy right now! Degree holder kana, Summa cum laude ka pa! Fucking jealous of you... Kami nga, masaya na sa dos. 'Tapos ikaw na halos sambahin ng mga ka-batch natin kanina, lugmok na lugmok ngayon?"

Honestly, I never really cared about it. For some people, it's something that they should be proud of or brag about. Pero ang mahalaga lang naman sa akin ay nakapagtapos na ako. I reached my dream and fulfilled my parents' last wish. There are few tiny steps left and I'll finally become a teacher—bagay na hindi nagawa ni Papa dahil sa malaking responsibilidad niya noon. Iyon ang dapat kong ipagmalaki...

"You're fucking hopeless..." ani Cris at nilingon ang pasilyong konektado sa kwarto ko. "Bakit mo nga pala hinayaang matulog 'yung dalawang itlog na 'yon sa kama mo? Those shitheads are fucking gross! Mamaya sumuka at umihi pa ang mga 'yon!"

"Don't worry, you'll clean it up," biro ko kaya nasapak niya ang hita ko.

"I thought si Hailey lang ang exemption sa kama mo..." he teased so I glared at him.

"Shut up, Cris! Iwan mo na nga ako at baka masuntok ko pa 'yang mukha mo..."

He growled and stood up. "Si Hailey lang pala 'yung password para makatulog na 'ko."

He laughed when I gave him a dirty finger. Inubos ko 'yung natitirang whiskey sa baso at pumikit ng mariin. Nagtagal iyon at nang muling dumilat ay nilibang na lang ang sarili sa pagmamasid sa view.

Move on my ass. Eh, noon pa lang ay ginulo na no'n ang sistema ko. Paano pa ngayong hulog na hulog na ako? I'm fucking screwed! Good luck talaga sa akin kung makakatiis ako.

My friends stayed for a few days in my condo. Naiwan naman ako dahil dito na ako mamamalagi sa Maynila simula ngayon.

Ilang buwan din ang iginugol ko para sa paghahanda sa LET. I was so bored because I really missed home. Hindi sapat ang pagdalaw ni Lolo at Kuya dahil panandalian lang iyon.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon