Chapter 2

1.7K 52 4
                                    

Elizabeth "Elise" Carvajal De los Rios is my half-sister. Her mother, Alexandra Carvajal, was known as the prettiest woman in the city of Calamba. She had a lot of suitors back then and most of them were from the richest families in the city. She got the looks and wits, but she wasn't born with a silver spoon. Bata pa lang raw ay ulila na ito at lumaki sa puder ng kanyang ninang. Nang namatay ito ay kinailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa upang ipagpatuloy ang buhay.

Nagkakilala raw sila ni Daddy sa after party noong i-proklama siya bilang bagong Alkalde ng siyudad. Isa raw si Alexandra sa mga naka-duty'ng waitress noong gabing iyon. Daddy was "bewitched" and a few days later, the two announced their relationship in public. Maraming nainggit. Maraming tumutol. Especially Doña Esmeralda, my father's mother. I don't know why she hated Alexandra so much. I couldn't ask my mom nor my dad because I respect their past. I respect my sister so I chose to keep my curiosity to myself.

Isang buwan lang ang itinagal ng relasyon nila. Nine months later, Alexandra left Ate Elise at the hospital before she ran away. Ipinagkatiwala niya ang kanyang anak sa Head Nurse at ito mismo ang nagdala sa sanggol kay Daddy. Until now, no one knows where she is. Even her daughter. She's so desperate to find her mother's whereabouts. I think that also explains her hatred towards my mother and I.

I couldn't really blame her. I pity her. Kaya nga kahit sumusobra na siya minsan ay hindi ako lumalaban. Hindi ko kaya lalo na't palaging sumasagi sa isip ko ang malaking pinagkaiba naming dalawa.

Unang araw ng Abril; kahit paano'y mababakas na ang unti-unting pagbangon ng mga tao. Dumagsa ang rasyon ng mga pagkain galing sa gobyerno. Ang tubig na umabot hanggang sa talampakan ay sinipsip na ng lupa. Ang mga basurang itinapon kung saan-saan na ibinalik ng kalikasan sa mga tao ay kinolekta ng mga garbage truck ng barangay. Ang katawan ng mga punong bumagsak ay pinaghati-hatian ng mga magkakapit-bahay upang may magamit na panggatong. At, kanina ay nagtanim kami ng mga panibagong binhi sa pamumuno ng Barangay Chairwoman.

"Paabot ng paintbrush, please," ani Daddy, ngunit bukod sa akin ay wala nang nakapansin sa kanyang sinabi.

Iniwan ko ang ginagawa at tinangkang abutin ang paintbrush, 'di malayo mula sa aking kinaroroonan, nang lagpasan ako ni Ate Elise. She took the paintbrush and handed it to daddy.

"Need anything else?" she asked our father while she was smirking at me.

"Salamat, anak." Nilingon siya ni Daddy at nginitian. "Sa ngayon ay wala pa naman akong ibang kailangan. Tatapusin ko muna 'to at manananghalian na tayo."

"Okay, Dad. Just call me if you need anything," wika nito at taas-noong dumaan sa gilid ko.

I swallowed the lump in my throat. Ipinirmi ko ang tingin sa pinipinturahang maliit na kahoy at binalewala ang nararamdamang guwang sa tiyan.

Hindi ako sanay mag-pintura kaya inabot ako ng siyam-siyam. Pagkatapos ay dahan-dahan kong inabot ang mga kahoy sa karpentero naming kapit-bahay na si Mang Erning. Then I sat on the fountain as I quietly watched my father along with the carpenters.

Para sa isang ancestral house, normal lang naman na makitang yari sa mga kahoy ang mga haligi nito. Ngunit nang dahil sa nagdaang bagyo, kapansin-pansin ang mga parte ng bahay na natuklap o di kaya'y nagiba. Kaya nang umuwi si Daddy pagkagaling nila ni Mommy sa Kapitolyo, 'agad niyang pinasumulan ang pag-aayos ng bahay. Sinamatala rin niya ang pagkakataon para mapinturahan ng bagong kulay ang labas ng bahay.

The two-story ancestral house was built 93 years ago. Ipinamana iyon sa mga magulang ni Daddy nang nagpakasal ang mga ito. Lola Esmeralda was an architect. When she and and Lolo Potenciano had my dad, they decided to renovate the house since it was infested by the pests. Design-wise, the house looks simple. Kaya lang nasabing "modern" dahil pinalitan ang mga bumbilya ng mga chandelier at nagpalagay si Daddy ng fountain sa gitna ng hardin. Ang mga kagamitan na lumang-luma na ay pinalitan ng mga mas matibay at makabagong disenyo na napapanahon ngayon.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon