Epilogue

2.6K 63 18
                                    

Final Note: I just wanna use this opportunity to thank you for supporting Midnight Breeze. I'm really grateful to all of you. Sobra kong na-appreciate 'yung sweet messages at words of encouragement niyo mapa-private message o Message Board ko man 'yan.

From the bottom of my heart, MAHAL KO KAYO!

Writing the Epilogue felt bittersweet; but it's time to follow another story—the last installment of Chasing Dreams Series.

See you at Gunned Down!

—————

End of Season Two

M E N A N D R O

I looked at Cris' notebook irritably. The asshole wanted me to do his assignment in Math dahil "masama" raw ang pakiramdam niya.

Math lang sumama na pakiramdam niya?! That's bullshit.

Tinanggihan ko na siya kanina sa school, pero patago niyang ipinasok sa bag ko 'yung notebook niya kaya ngayon ko lang nakita.

As I scribbled the numbers on a piece of scratch paper, my grandfather barged in my room. He was smiling widely at me, but I just ignored him.

"Sabi ng kuya mo nakabihis kana..." wika niya habang dinudungaw 'yung sinusulat ko.

"Wala naman po akong sinabi na sasama ako," itinaas ko 'yung papel para makita niya ng maayos. Ako na ang nag-adjust dahil malabo na ang mga mata niya.

Nginisian niya ako. "Magbihis kana, apo. Nakakahiya kay Gonzalo!"

Gonzalo De los Rios... the newly elected governor of Laguna. 

"Bakit nakakahiya, 'Lo?" Nilingon ko siya. "Ikaw lang naman po 'yung imbitado. At saka wala naman akong interes sa gan'yan."

He glanced at me with a devilish grin plastered on his face. "Gano'n ba? Sayang naman! Ikaw sana ang pagko-compute-in ko ng sales ngayong buwan, eh. 'Di bale—"

"What did you just say?" now I'm interested.

Umiling-iling siya at may kasama pang pagwasiwas ng mga kamay. "'Wag na! Si Mario na lang ang bahala do'n. Bobo pa naman 'yon sa Math."

I stood up and quickly headed to the closet. Namili ako ng susuotin ko. After party naman na ng inauguration ni Gov ang pupuntahan namin, pero pormal pa rin ang dress code roon.

Tumawa si Lolo. "Take your time! I'll see you downstairs!" aniya bago lumabas sa kwarto.

Damn it. He used the magic word on me, so I've got no choice but to be a loyal dog and follow his commands.

Mula sa San Pedro ay bumiyahe kami pa-Calamba. Siniko ako ni Kuya Mario kaya kinailangan kong alisin 'yung earphones sa mga tainga ko at lingunin siya.

"Ba't ka sumama?" mahina niyang tanong.

"Kasi pwede akong sumama," barubal kong sagot at ibinaling na ang tingin sa bintana.

"Gago..." he murmured and acted like a good kid when our grandfather glanced at us.

Sinamaan ko siya ng tingin kasi napaka-plastik niya. Isang taon lang ang tanda niya sa 'kin, ngunit kung umasta ay parang siya pa ang nakababata sa aming dalawa.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon