Chapter 56

1K 32 0
                                    

Parang naging date nina Agassi at Andrea 'yung lakad namin at ako 'yung third wheel. Literal 'yung closeness nila kaya pinagtitinginan kami ng mga tao sa City Hall. But on the brighter side, masaya ako para sa kanilang dalawa. They found happiness with each other, and that's what matters to me.

Nakapila kami ngayon sa cashier at matiyagang naghihintay. May mangilan-ngilang lumapit sa akin upang iparating ang hinihinging tulong kay Daddy.

"Pakisabi naman na baka pwede akong humingi ng pambili ng pang-maintenance na gamot. Ilang araw na po akong hindi nakaka-inom..." anang matandang babae.

Mangiyak-ngiyak ito at hindi ko iyon kayang tiisin. Palagi ko kasing naiisip si Lola Esmeralda. Paano kung siya 'yung nakakaranas ng gano'n? Nasasaktan ako. Mabilis talagang lumambot ang puso ko pagdating sa mga matanda.

"Pumunta ako dito dahil nagbabakasakaling makausap si Mayor, pero nasa meeting daw..." the old woman added.

Pa-simple ko siyang inabutan ng pera sa kadahilanang siya lang ang kaya kong tulungan ngayon.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Hails," nangingiting sinabi ni Aga pag-alis ng matanda.

"My parents taught me to give back," sagot ko at pina-usad sila nang gumalaw 'yung pila.

Hindi sa pagpapakitang-tao o ano, pero iyon ang nakalakihan ko. Ngayon ay mas marami na kaming matutulungan dahil madali nang makakarating kay Daddy 'yung mga hinaing ng taumbayan.

"Sa'n tayo pupunta, girl? Do'n nag-park si Aga," turo ni Andeng sa kabilang direksyon.

I nodded my head. "I know. May sisilipin lang tayo..."

Nagtago kami sa likod ng main gate ng City Hall. Sa kabilang kalsada, makikita 'yung street food stand na pinipilahan ng mga tao. Nang mapatingin sa gawi namin 'yung may-ari no'n ay 'agad akong nagtago at nag-pasyang umalis na roon.

"Girl, 'kala ko ba nagugutom ka? Ba't tayo umalis?" si Andeng na halatang natatakam sa street foods.

Huminto ako at pumihit pabalik. "Tara bili tayo!"

"Ay, 'di bale na nga! Mas masarap naman 'yung kakainin ko mamaya. Rawr!" may kasama pa talagang action.

I barked a laughter. "Ang kalat, Andeng!"

"O, bakit? Sinabi naman ni Aga na kakain tayo pagkatapos magbayad, eh," pa-inosente niyang sinabi.

Hinatak ko 'yung dulo ng buhok niya kaya bumigay din ang gaga. "Naku, Andeng! Alam na alam ko na 'yung mga galawan mo!"

"Kasi gawain mo rin?" tumango ako kaya napahalakhak siya.

Ang babaeng 'to talaga! Naaalala ko tuloy si Dhebie sa kanya. Halos magka-parehas lang kasi sila ng ugali no'n, eh. Both are naughty and bitchy with a heart.

"Sa'n ka uuwi, Hails? Real o Canlubang?" tanong ni Agassi pagkatapos namin mag-order ng pagkain.

"Sa Canlubang, syempre. Bukas na ako pupunta sa amin kasi may lakad kami ni Ate Elise," tugon ko.

Uminom ako ng tubig at inabala muna ang sarili sa pakikipag-text kay Menandro. Lunch break niya at sabay kaming kakain.

"Excuse me," I said after I burped. Sumandal ako sa upuan at hinimas ang tiyan.

The waitress approached us when we asked for the bill. May dala-dala siyang mga papel at mga ballpen.

"Paki-sagutan naman po 'yung survey. May libre po kayong dessert," she said.

We just had one, but fine. Hindi namin tatanggihan ang grasya.

"Ay! Para sa inyo talagang dalawa 'yan!" sabi ko nang i-serve 'yung heart-shaped red velvet cake.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon