CHAPTER 2

5 0 0
                                    

Naghahanda ako ngayun para sa gaganaping party mamaya. Nalaman ko ring ang Student Council ang nag sagawa ng party dahil malapit lapit na daw ang midterm kaya magiging busy na kaming mga students. Kumbaga parang ito na ang last day namin para mag party.

Gaganapin ang party sa loob ng gym. Dapat nga daw sa theater room gaganapin kaso mas maliit daw ang theater room kesa sa gymnasium. Totoo naman eh mas malawak ang gym.

Ni lock ko na ang kwarto ko at nag lakad patungo sa gym. Marami akong nakakasabay na students ang iba ay nakasuot ng dress at ang iba naman simpleng skirt lang at tshirt. Ako? Simpleng high-waist pants at sando crop top di naman masyadong kita tiyan ko. Nag dala din ako ng makapal na cardigan na kulay maroon terno ng crop top ko. At simpleng sandals lang na may 2 inch na takong.

Sa pag mamadali at sa katangahan nakalimutan ko pala yung sling bag ko. Kung kelan malapit na ko sa gym, nandun din kasi ang ticket ko para makapasok. Wala kong choice kaya bumalik nalang ulit ako sa dorm. Habang paakyat ako sa second floor kung saan ang kwarto ko. May narinig akong parang lalaki at babae na nag uusap. Di ko na sana papakinggan dahil baka mapahamak nanaman ako,pero narinig ko ang pangalan ni king dahilan para may mag udyok sakin na makinig sa usapan.

"Anong gagawin mo kay king sweetie?" landi naman ni ate girl pabebeng pabebe. Kaumay ka sis.

"Pinag usapan na namin ni cleo sweetie. Lalagyan niya ng gamot pampatulog ang wine na ibibigay sakanya mamaya at dadalin namin siya sa punishment building para bigyan ng leksyon" teka kilala ko yung boses nayun ah? Iyun yung kent na gumawa ng scene sa cafeteria kanina. Talagang basag ulo siya. Kailangan ko silang pigilan. Pero teka ayokong makialam baka ako naman isunod nila. Pero kawawa naman si king konsensiya ko papatay sakin kapag di ko siya tinulungan. Anong gagawin ko?

"Yiee talagang napakatapang ng sweetie ko." narinig kong parang kiniss ni ateng pabebe girl si kent. " Syempre naman pag babayaran niya ang pag sira niya samin ni theada." hala? Hindi si theada girl ang kasama niya ngayun? Kabet ba niya?

"Tsk. Si theada nanaman nasa isip mo eh tayo mag kasama ngayun." hindi ko man nakikita pero alam kong naka busangot ang mukha ni ateng pabebe girl ngayun.

"Esha,alam mo naman kung sino talaga mahal ko diba?" playboy pala tong kent na to eh. May esha na may theada pa. Kakarmahin kadin.

"Kahit na. Ako kasama mo ngayun dapat ako lang iniisip mo." maharot kang pabebe ka. Aware ka na nga na may mahal ng iba pinatulan mo pa. Napaka tanga mo naman sis.

"Tsk. Tara na, baka malapit ng mag start yung party,baka di ko pa magawa plano ko." sabi ni kent. Hinubad ko muna yung sandalas ko saka maingat na naglakad ng mabilis sa likod ng hagdan at nag tago.

Nang mapansin kong wala na sila agad akong napahawak sa dibdib ko." Gosh! Anong gagawin ko!? Arghh!!" sabi ko na napasabunot pa sa ulo ko. Di ko alam gagawin ko sis.

Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko at kinuha ang sling bag ko.

Pagdating ko sa gym agad kong hinanap ang jehovah twin para pag sabihan sila kung anong narinig ko kanina. Pero dahil sa dami ng tao hindi ko sila makita. Nag tanong tanong ako kaso hindi nila ko maintindihan dahil sa lakas ng music na tumutugtog ngayun.

Girl anong gagawin ko? Di ko sila makita!!
Mababaliw ako nito eh. Bakit ba ganto agad na encounter ko sa school nato!? Hays.

Uupo na sana ko sa isang upuan sa tabi ng table para sumuko, nang makita ko si zhey sa di kalayuan na nakikipag usap sa isang babaeng medyo may katangkaran sakanya.

Agad akong lumapit kay zy. "Zhey!!" sigaw ko ng medyo malapit nako. "Zhey!! May kailangan kang malaman!" nilakasan ko boses ko dahil ang lakas parin ng tugtog sa stage. Tiningnan lang niya ko na parang nag tatanong na anong kailangan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Past To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon