05

74 2 0
                                    

Ang sungit!..

Tila natuod si Gray sa sandling 'yon. Nanlaki ang kaniyang mata ng bumalik na s'ya sa kaniyang huwisyo at agad na tumakbo upang abutan ang babaeng 'yon

Tangina ka Gray.. tinakot mo siya! Damn! Para akong stalker dahil sa ginagawa ko! I didn't even know why I've been doing this! 

Napatigil si Gray at tinignan nalang sa malayo ang patakbong likod n'to. Napahawak siya sa kaniyang baywang at nag taas baba ang kaniyang dibdib dahil sa paraan ng kaniyang pag hinga.

Mag so-sorry ako sa kaniya bukas na bukas din!

Napailing si Gray at napapikit ng mariin habang hinahabol parin ang kaniyang hininga. 

Napa tampal siya sa kaniyang noo ng makarating s'ya sa bahay nila. Napaangat ng tingin si gray ng marinig ang ingay mula sa loob ng bahay nila 

Si mama at si papa na naman..

Mahinang sambit niya sa kaniyang sarili at muling nag simulang mag lakad. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng marinig ang pag iyak ng kaniyang kapatid na babae kaya agad s'yang patakbong pumasok 

"Pa tama na'po! nasasaktan si mama!" Humahagulgol at sigaw ni kristine habang pilit na pinipigilan ang kaniya ama.

Agad na tumakbo si Gray at kinuha ang braso ng kaniyang ina kaya nahila narin ang kaniyang kapatid sa kaniyang likod. 

"Pa tama na." Gray gritted his teeth. May diin sa bawat boses nito. 

Ang kaniyang ama'y naman napangisi habang nakatingin kay gray. 

"Yabang nitong batang 'to ha may mapag mamalaki ka na ba, ha. Ha" lasing na boses nito at gamit ng mga daliri tinulak tulak ang dibdib ni Gray. 

Sumiklab ang galit sa puso ni Gray at napasinghap siya. Ramdam na ramdam niya ang tensyon na lumulukob sa buong sistema niya. 

Gray clenched his jaw while looking to his father, nanatiling nakatikom ang labi niya at sunod sunod ang pag tagis ng kaniyang panga. 

His father grin on him, "May mapag mamalaki kana ba?.. pabigat ka lang naman dito 'diba?" 

Muling nag tagis ng panga si Gray habang humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ng kaniyang ina habang nakikipag titigan sa kaniyang ama. 

Napatingin ang kaniyang ina maging si kristine. Ramdam na ramdam nila ang tensyon na mamagitan sa mag ama dahil sa paraang pag tititigan nito. Kahit pa ma'y luhaan ang dalawa pilit na hinihila nila si gray dahil ang pag tagis at paraang pag tikom ng kamao nito na handang sumuntok. 

Lihim na napabuntong hininga si Gray, at napapikit ng mariin.,"H'wag na 'wag mong sasaktan sina mama at kristine" dinilat niya ang kaniyang mata nakipagtitigan sa kaniyang ama. 

He clenched his jaw once again, "'Wag na wag mo silang sasaktan. Pag may narating na'ko papatunayan ko sa yo. Tandaan mo pa, hindi ako magiging katulad mo" napanganga ang kaniyang ama 

"Hindi ako magiging katulad mo tandaan mo yan." Muli niyang saad at agad na tumalikod habang hila hila ang kaniyang ina at kapatid. 

Nag aalalang tumingin ang kaniyang ina sa kaniya, "A-anak.. h'wag mo dapat sinasabi sa ama mo 'yon.. las-" 

Nag tagis ang panga ni Gray at humarap sa kaniyabg ina, "Ma. Kahit lasing man siya o hindi. Dapat hindi niya kayo sinasaktan lalo ka na ma.." nangilid at gumaralral ang boses ni Gray 

"Asawa ka niya ma. Hindi ko babawiin ang sinabi ko, hinding hindi ako magiging katulad niya" iniwas niya ang kaniyang tingin. Nahulog ang butil sa kaniyang mata

Alluring Cloud Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon