Gray Tyson Villarza

437 12 0
                                    

Pag ibig? Pakikipag relasyon?

Mukhang wala iyon sa pag iisip at sistema ni Gray. Ang korni naman nun, pwede namang huwag nalang umibig hindi ba? Pwede naming wag na mag asawa, pwede namang 'wag na mag pamilya. Kung lahat nang 'yon lilipas rin o kaya mawawala. Simula noong pag kabata ni Gray lahat nang kaganapan sa magulang niya nasaksihan niya. Mula sa masaya at bagong pamilya hanggang sa puro away at nauwi na sa lahat ng pangyayaring matatawag na.. wasak na pamilya, halos.

"Aling Celia pautang naman.." Nasa labas siya, kasalukuyang kausap ang tindera. Hindi na ata mawawala sa isipan niya pag katapos ng klase deretso sa labas upang mag meryenda syempre ang paborito niya ito, ang fishball.

"Nako Gray lagi nalang!" Inis na sabi nito. Umaangal ang matanda at sinaman siya ng tingin. Mapag larong ngumiti at natawa nalang din si Gray at muling tumusok at sumubo ulit, inulit ulit niya ito at hindi nalang pinakinggan ang matandang bungangaan siya.

Hinayaan nalang siya ng matanda dahil sanay naman na ito sa kaniya. Tsaka, aampong piso lang naman ang kaniyang utang dito. Ngunit habang tumatagal ang pag kain napaparami na ata siya at hindi na ata sampong piso ito. Who cares, hindi naman nakatingin at abalang abala sa pag chichikahan. Napailing naman siya at nag patuloy na kumain nalang.

"Hoy!" Gray looked somewhere, frowning as he followed that voice.

"Hoy gago." he said to mateo, his best friend and classmate. Binaling niya muli ang pagkain at pag tutusok ng fishball. Iniisip palang ni Gray na bwi-bwisit na siya sa kaibigan

"Libre moko," Request pa nito. Pumunta sa gilid niya upang silipin ang fish ball na meron siya. Ngunit makulit ito kaya hinuhuli at hinaharang pa ang mukha nito sa paningin niya.

Gray frowned. "Utang ko lang 'to, tanga."

"Hindi kaya malugi si aling celia at utang ka nang utang!" Pag paparinig ni mateo. Halos gusto niya itong sapakin dahil nakuha nito ang atensyon ni aling Celia.

"Hoy hoy! Aba, naka mag kano kana?" Tanong nito, na alarma naman si Gray at sinamaan ng tingin si Mateo. Nag pipigil ito ng tawa sa kaniya. Kahit kailan may pangyayaring laglagan ng kaibigan. Napaka gago nito sa totoo lang.

"Fifteen pesos lang naman aling Celia.." aniya na nag papaawa, dahil may itsura siya, tila nakuha niya ang kiliti ng matanda.

"Oh siya siya.. baka madaan ako sa bahay ninyo dahil nadadaan ako sa kalye niyo. Papatawag nalang kita sa mga batang nag lalaro ha?" Ani nito, tumango siya ng sunod sunod ng may ngiti sa mga labi.

"Sige ho," aniya at tinapon na ang stick sa basurahan. "Salamat po." dagdag niya, tumango naman ang matanda at binaling ang tingin sa mga kausap.

Humarap siya sa kaniyang kaibigan na nakangisi ngayon, tinapik niya ang tyan nito kaya natawa itong muli.

"Gago ka talaga no?" Singhal ni Gray at hinigpitan ang hawak sa bag.

"Matagal na," Sagot ni Mateo. Napailing nalang siya sa sinabi ni Mateo at nag simimula na silang muling mag lakad.

Makauwi siya sa bahay napabuntong hininga si Gray ng makitang walang ilaw ang labas. Mukhang nag away na naman ang kaniyang magulang at hindi gusto ng kaniyang ina na umuwi ang tatay nila.

Pag kuwan ag pumasok siya sa gate na halos masisira na. Isa sa mga pangarap ni Gray ang mag karoon ng magandang buhay maging ang bahay, pangarap niya rin ang pag aayos ng kaniyang magulang dahil sa madalas nitong pag aaway. He's taking engineering course that's why he was studying really hard. Matalino naman siya at masasabing may kasipagan kaya pinag pupursigi ang pag aaral.

Sumalubong sa kaniya ang sofa nila at nakitang nanunuod ang kaniyang babaeng kapatid na mas bata sa kaniya.

Napatingin naman ito sa kaniya habang may ngiti sa labi "Kuya nandyan ka na pala." sabi nito. Gray sigh and forced himself to smile. Ang pag uwi sa bahay ang isa sa pinaka mahirap para sa kaniya dahil sa dami nang problema.

Alluring Cloud Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon