Prologue

22 0 0
                                    





Umiiyak ako habang hinahabol ang taong mahal ko, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang ulan na pumapatak samin ngayon. Andito kami sa parking lot ng resto at may ibang tao na napapatingin saming dalwa.

"Hintayin mo naman ako oh. HOY!"


Malakas na tawag ko sakanya agad naman sya tumigil sa paglalakad at kitang kita ko sa mga mata nya ang galit. Agad ko syang hinawakan sa mga kamay nya pero agad nya itong tinabig kaya lalo akong naiyak.


"Hindi mo pa ba ko titigilan ha!" Gigil na sabi sakin nito. Agad akong humawak sa kamay nya.



"Mahal kita. Mahal na Mahal kita."



Umiiyak ko na sabi sakanya, nakayuko lang ako habang pinipigilang tumulo ang mga luha ko ramdam ko na nag sisimula ng mabasa ang mga damit ko dahil nalakas na ang ulan. Agad akong tumingala at tiningnan sya sa mata kitang kita ko sa mata nya ang awa at galit.




"Sabihin mo nga sakin mukha na ba kong tanga?" Tanong ko sakanya habang naiyak. Agad naman nya ko tinalikudan at naglakad ulit pero hinala ko pa sya paharap sakin.



"SAGUTIN MO KO MIKE! MUKHA NA BA KONG TANGA HA!"

Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko habang deretso lang nakatingin sakanya.




"OO JACKIE! MUKHA KA NG TANGA SA GINAGAWA MO. HINDI MO BA NAKIKITA YANG SARILI MO HA! PARA KANG TANGA NA HABOL NG HABOL SAKIN!" Sagot nya sakin. Hindi ko nakayanan at nasampal ko sya nagulat ako sa ginawa ko at napayuko.




"Sorry." Umiiyak na sabi ko.



"Hindi ko na alam ang gagawin ko Mike. Ang hirap kasi eh alam mo yon, ayos naman tayo ahh. Bakit parang pag gising ko nag bago na ang lahat nalaman ko na lang na iiwanan mo ko para lang sa babaeng yon." Umiiyak na sabi ko sakanya.




"Bakit jackie. Sino ba nag sabi sayo na antayin mo ko ha! Sino ba nag sabi sayo na mahalin mo ko ha!. Ang hirap kasi sayo Jackie sobra sobra kang mag mahal!!!." Galit na galit na sinabi sakin ni mike.


"Pls lang jackie, pakawalan mo nako. Pagod na pagod nako sayo. Sakal na sakal nako sa set up nating ito. Maawa ka naman sa sarili mo!."


Pagka sabi ni mike non agad syang tumalikod at iniwan ako. Kusang tumulo ang mga luha ko na parang hindi nauubos, dahil kanina pako umiiyak. Napaupo ako sa gitna ng parking lot, basang basa nako ng ulan pero wala nakong nararamdaman pa bukod sa sakit na nararamdaman ng puso ko galing sa mga sinabi ni mike.









Broken Without YouWhere stories live. Discover now