Chapter 2

5 0 0
                                    

Uyy hi din 😊

Nakangiti kong isinend ang reply ko kay Mike agad naman itong na seen. Nag tagal ang pag chachat namin ni mike nung araw na yun, halos madaling araw na nung mapag pasyahan namin na matulog na dahil may pasok pa bukas. Natawa ako kasi ito ang unang beses na nag puyat ako kaka cellphone pero okay lang hahahaha di naman ako nabored kausap si Mike dahil lagi itong nag papatawa. Madami kami napag usapan about sa school at sa balak kunin na course, graduating kasi kami ngayon ng senior high school.

Halos dalwang oras lang naitulog ko at para akong bangag ngayon at pag tingin ko sa salamin ko ay may eye bags ako halata na kulang na kulang sa tulog kaya sinuot ko yung salamin ko para di masyado halata. Hindi ako sanay mag salamin dahil nag susuot lang naman ako nito pag nag babasa ako. Agad ako bumaba ng matapos ako mag ayos at maka ligo, naabutan ko si manang na nag reready ng pagkain habang si papa naman ay naka upo na at nag lalaptop. Agad ako lumapit sakanya at napansin nya naman ako agad.

"Oh jackie upo ka na." Sabi sakin ni papa, nag beso naman ako sakanya bago umupo sa upuan.

"Si mama po?" Narinig ko ang tunod ng heels ni mama kaya napatingin ako sakanya, agad nya ko bineso at umupo na sya sa tapat ko na upuan.

"Oh himala at naka salamin ka ngayon." Sabi ni mama

"Ahh hehe maiba lang Ma para cute ako pag pasok hahaha." Pag bibiro ko. Agad naman tumawa si mama at ngumiti lang si papa. Nag simula na kami kumain at ng matapos ako agad nako tumayo.

"Alis na po ako Ma at Pa." Tinanguan lang nila ako kaya nag deretso nako palabas ng binubuksan ko ang gate nakita ko na palabas na din si Ken.

Agad ako tumakbo palapit sakanya na naka ngiti. Na weweirduhan naman nya ko tiningnan.

"Bakit ka naka salamin?"

"Ang big deal ahh hahaha pati si mama tinanong ako nyan eh." Natatawa na sabi ko dito. Nag simula na kami mag lakad palabas ng subdivision. Nagulat ako ng tinanggal ni ken ang suot ko na salamin kaya pilit ko to kinuha sakanya.

"Ano ba ken akin na yan." Inaabot ko ang salamin ko na itinaas nya, agad nya naman itong inabot sakin kaya kinuha ko to at inirapan lang sya.

"Ang laki ng eye bags mo gagi ka." Natatawang sabi ni ken, inirapan ko lang sya at nag lakad na.

"Hindi ka ba natulog? Hahahahaha mukha kang panda." Pang aasar pa nito. Hahampasin ko na sana sya dahil tawang tawa ito sakin ng biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa palda ko. Nakita ko ang message ni Mike kaya napangiti ako bigla.

"Mike?" Sabi ni ken. Napatingin ako sakanya at nakita ko ang pag tataka sa mukha nya kaya nginitian ko sya sabay yapos sa braso nya at nag titili.

"Behhhhhhh chinat ako ni mike kagabi!!!!!" Kinikilig na sabi ko dito, tinulak ako ni ken ng mahina kaya napa bitaw ako sakanya agad ko naman sya sinamaan ng tingin.

"Mike as in yung crush mo na Mike?" Tanong nito sakin.

"Hahaha oo nagulat ako kasi inadd nya ko kahapon tapos ayun nag chat agad." Kwento ko sakanya. Naka abot na kami sa labas at sakto na may dumaan na jeep kaya sumakay kami agad.

"Pucha lakas ah hahahahaha swerte mo naman hahaha ginayuma mo ba yan?." Pang aasar sakin ni ken at tawang tawa naman ito kaya natawa din ako at pabiro ko syang hinampas. Hanggang sa makarating kami sa school ay inaasar ako ni ken na baka daw ginayuma ko si mike kaya biglang nag chat sakin. Pag dating naman sa class room andun na din si cheska at naka ngiti itong nag cecellphone kaya ginulat namin sya.


Broken Without YouWhere stories live. Discover now