Chapter 1

9 0 0
                                    

"Uy beh yung crush mo oh." Kinikilig na sabi sakin ni cheska. Andito kami sa may soccer field nakaupo habang nanonood ng mga volley ball players na nag tratraining dahil kasali yung isa pa naming kaibigan don hahaha moral support lang ang peg namin ni cheska dito.

"Sinong crush? Hahaha." Natatawa kong sabi sakanya agad naman ako nitong binatukan kaya mas natawa ako.

"Gaga ka talaga. Ang dami mo kasing crush eh hahahaha."

"Eh sino ba kasing crush yang sinasabi mo?." Nag palingon lingon pako para mahanap kung sinong crush ko ba ang nakita nitong si cheska. Agad ko naman natanaw yung magkakabarkada na lalaki na papunta sa canteen, tanaw na tanaw ko yung isang lalaki na natawa habang nakikipag asaran sa mga kaibigan nya.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at nag lagay ng liptint at pulbo tawang tawa naman si cheska sakin

"Beh ang effort ah ayos na ayos talaga hahahaha."

"Tara na cheska. Ano ka ba punta na tayong canteen, andon si Mike oh." Nag mamadali ko syang hinila na pababa sa bleachers.

"Hoy teka teka jackie! Akala ko ba papanoodin natin si Ken." Tarantang sabi ni cheska sakin, dahil ang bilis ng pagkaka hila ko sakanya, kaya agad ako tumigil at humarap sakanya.

"Cheska hayaan mo na muna si ken, babalikan na lang natin mamaya, pati andon si mike oh chance ko na to hahahaha." Umirap na lang sakin si cheska at wala ng nagawa, natawa naman ako sakanya at hinawakan ko na ulit sya at naglakad kami papunta sa canteen. Nang maka pasok kami agad kong hinila si cheska papunta sa kabilang table nina Mike. Ngiting ngiti akong umupo dahil malapit na malapit ako kay Mike.

"Hoy beh anong iyo? Bibili na lang din ako nagutom ako bigla." Sabi ni cheska sakin kaya napatingin ako sakanya. Agad ko kinuha wallet ko sa bulsa ng palda ko.

"Oh ibili mo na lang ako ng shake tapos bili ka na din ng tubig para kay Ken." sabi ko sakanya at inabutan sya ng 50 pesos, pagka bigay ko kay cheska tumayo na agad ito at pumunta sa may counter kaso pag tingin ko sa pwesto ni mike wala na sya don at andun din sa may counter nanlaki ang mata ko at tinawag si cheska.

"CHESKA!!!" Malakas na tawag ko sakanya kaya napatingin sakin yung ibang estudyante at kita ko na nakatingin din si Mike agad nanlaki ang mata ko at naupo sabay taklob ng bag ko. Naramdaman ko na may umupo sa tapat ko kaya sinilip ko kung sino.

"Gaga ka bakit mo isinigaw pangalan ko." Tawang tawa na sabi ni cheska sakin. Agad ko naman inayos yung upo ko at itinabi na yung bag ko.

"Ako na lang bibili hehe." Agad ako inirapan ni cheska pero ibinigay nya naman sakin yung pera.

"Hay nako beh adik na adik ka talaga dyan sa crush mo." Tinawanan ko lang sya at tumayo nako.

"Ano ba sayo?." Tanong ko sakanya.

"Carbonara lang at shake. Bilisan mo at nadami na nakapila don." Agad nako lumapit sa may counter kinakabahan ako habang naglalakad.

Shit self umayos ka wag kang kabahan self kaya mo to! Mabilis ako naglakad palapit dahil si Mike ang nakapila,  so bali nasa likod nya ko. Agad ko naamoy ang pabango nya. Pakshet ang bango ni Crush hahaha lalo akong dumikit sa likod ni Mike mahihiya na ata dumaan ang kung sino man sa gitna namin dahil sa sobrang dikit ko. Nagulat ako ng bigla akong nauntog sa likod nya at talagang napaka lakas non kaya napahawak ako sa noo ko.

"Aray!" Sabi ko habang nakahawak sa noo ko dahil talagang ang lakas ng impact ng pagkaka tama ko, napatingin ako sa medyas ko dahil ang dumi din nito naapakan pa ata.

"Hala shit! Sorry miss di ko sinasadya!" Sabi nung nasa unahan ko agad akong nag angat ng tingin at ready nang awayin yung bumunggo sakin pero agad ko nakita si Mike na nag aalalang naka tingin sakin. Agad lumaki mata ko at yumuko ulit habang hawak ko pa ang noo ko. Narinig ko na nag tatawanan yung mga kaibigan ni mike na nasa unahan nya.

Broken Without YouWhere stories live. Discover now