Chapter 3

1 0 0
                                    


Kami na ni Mike. Oo alam ko masyadong mabilis talaga pero gusto na naman namin ang isa't-isa, actually mahal ko naman talaga sya dati pa at syempre masaya ako dahil napansin nya ako at nagka gusto din sya sakin.


1 week na ang nakalipas simula nung naging kami ni mike, araw araw kami magkasama at napapadalas ang pag labas namin dalwa, unti unti namin nakikilala ang isa't-isa at sabi nya sakin na kahit kami na eh liligawan nya parin ako, syempre kilig na naman ako don hahahaha. Sabado ngayon at magkikita kita kami ng iba kong classmates para sa pag gagawa ng thesis namin.

Lumabas ako ng kwarto ko at pag baba ko ay nadatnan ko si manang na nag wawalis.


"Sina Mama?." Tanong ko kay manang dahil madalas ko na sila na hindi naabutan dito sa bahay.


"Ay iha maaga umalis ang Mama mo si Papa mo naman ay hindi pa ata nauwi, hindi ko kasi nakikita kahapon pa." Sabi ni manang sakin, tumango na lang ako sakanya at nag paalam na. Lumabas nako sa bahay namin at nag simula na maglakad palabas. Agad tumunog phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.



Hey babe, wanna hang out later?



Napangiti naman ako sa text ni mike. Sumakay ako agad sa naka tigil na tricycle at sinabi ang coffee shop kung san kami mag kikitaan ng mga kagrupo ko.



Pag natapos kami ng maaga babe gagawa pa kasi kami ng thesis eh 😊




Oh okay. Pick you up later! Kain tayo sa labas 😘



Hindi nako nag reply sa message nya dahil naka dating ako agad sa coffee shop agad ko natanaw ang mga kagrupo ko na naka upo na sa may loob, may dalang laptop yung dalwa kong kaklase at habang ang iba naman ay may hawak na mga papel, agad ako pumasok at binati sila.



"Late na ba ko? Hahahaha." Natatawa na sabi ko sakanila . Tumingin sakin si mia na medyo pinaka kaclose ko sa kanilang lahat.



"Dito ka jackie." Tinanggal nya ang bag nya sa isang upuan at pinaupo ako don.



"Natapos mo na ba yung Introduction? Itatype na namin." Tanong sakin ni Nica sya yung leader namin. Kinuha ko yung papel sa bag ko at agad inabot sakanya.



"Ito na Nica ayan yung pina check ko sayo kagabi at na ayos ko naman yung mga pinabago mo." Kinuha nya ito ay tinanguan lang ako at nag simula na naman ito mag type.





"Tara umorder jackie, hindi talaga ako bumili dahil inaantay kita." Nakangiti na sabi sakin ni Mia, pumayag naman ako at kinuha ang wallet ko tumayo na kaming dalwa at pumunta sa counter.




"Ikaw lang pala napahiwalay kay ken at cheska no hahahaha" sabi nito sakin.




"Kaya nga eh hahaha andon sila ata ngayon sa bahay nung leader nila nag gagawa."



"Teka diba ang leader nila ay si franco? Hahahaha wala naman naiaambag yun eh." Natatawa na sabi ni mia agad ako natawa din.



"Kaya nga sa bahay nila ginawa hahahaha ayun na ata ang ambag pati pagkain." Sabi ko pa dito kaya tumawa kaming dalwa. Napaka basher namin ni mia hahaha kaya nagkakasundo kami nito eh madami din kasi itong chika lagi.



"Nga pala going strong kayo ni papa mike ah hahaha."



"Hahahaha hindi ko na papakawalan yon." Sabi ko dito. Narinig ko naman sya na tumawa sa tabi ko kaya tiningnan ko sya.




Broken Without YouWhere stories live. Discover now