Chapter 5

4 0 0
                                    




Graduation na namin today at andito ako sa kwarto ko kasama si mama at yung make up artist.





"Ang ganda ganda mo sis." Tuwang tuwa na sabi nung bakla na nag make up sakin, nakatingin ako sa reflection ko sa salamin at masasabi ko na maganda nga ang pagkakaayos sakin, bigla akong hinawakan ni mama sa balikat ko, napatingin ako sakanya at ngumiti sya sakin.




"I'm so proud of you jackie."




Kita ko sa mga mata ni mama ang nag babadyang pag iyak kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya. Nag ready na kami para maka punta sa school, nakasakay ako ngayon sa kotse habang si mama ay tahimik lang na nag dradrive, wala si papa ngayon hindi ko nga alam kung alam ba nya na ngayon ang graduation ko. Mabilis kami naka rating sa school at sobrang dami na nag kalat na mga students kasama mga parents nila.




"Anak smile ka na, it's your graduation today, cheer up." Naka ngiti na sabi sakin ni mama, hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko kaya agad ako niyakap ni mama.



"Shhh don't cry jackie, sayang make up mo ang ganda ganda mo pa naman today."




Ngumiti nako kay mama at pinunasan ang pisngi ko na nabasa ng konti, naglakad na kami papunta sa pwesto namin at nakita ko naman si ken at cheska kaya nag picture kaming tatlo, medyo gumaan na ang nararamdaman ko dahil ang kulit namin tatlo nina ken.




Nag simula na ang graduation at nakaupo na kami lahat, nag sasalita na ang dean sa stage at tahimik lang kami nakikinig. Nag tatawag na isa isa ng mga pangalan ng estudyante ang nasa stage.





"Jackielyn M. Faustino from ABM strand."



Tinawag na ang pangalan ko kaya nag lakad nako sa stage natanaw ko naman sina ken na pumapalakpak pati si mama nakita ko din na pinipicturan ako.




Natapos na ang graduation at mag kakasama kami nina ken at cheska.


"Picture guysssss!!!" Sabi ni cheska kaya nag tabi tabi kami at masayang nag picture habang hawak ang aming diploma.



"Saan kayo ngayon tara mag celebrate." Yaya ko sakanila, well kasama namin mag cecelebrate ang family ni ken kaya baka kakain kami sa labas.




"Nako beh may plano na kasi sina mommy at daddy, next time na lang tayong tatlo." Sabi ni cheska, bigla naman dumating si mike at lucas.


Inabutan ako ni mike ng bulaklak.



"Congrats babe." Niyakap ako ni mike kaya ngumiti ako sakanya.




"Congrats satin babe." Sabi ko kay mike at hinalikan ko sya sa pisngi, bigla naman nag salita si ken.




"Titaaaaaa si jackie po may boyfriend na!!!!!" Sigaw ni ken, agad nanlaki ang mata ko at napatingin kay ken na tawa ng tawa pati din sina cheska ay natawa na, hahampasin ko sana si ken ng biglang lumapit si mama kaya napatingin kami sakanya, seryoso lang ang mukha nya at napatingin sya sa bulaklak na hawak ko sunod ay sa magka hawak kamay namin ni mike.




"Ahhh ma" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na bumitaw si mike at lumapit sya kay mama.



"Hi po tita, ako nga po pala si mike boyfriend po ako ni jackie." Pakilala nito at nag bow pa sa harap ni mama, narinig ko naman si ken na natatawa kaya sinamaan ko sya ng tingin. Lumapit ako kay mike at mama.





"Ah eh ma si mike nga pala hehe." Kinakabahan na sabi ko kay mama.




"Alam ko jackie kakasabi nya lang." Sabi ni mama kaya mas lalo ako kinabahan. Hinawakan ni mike ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya nginitian nya naman ako kaya napangiti din ako.




Broken Without YouWhere stories live. Discover now