Chapter 11

2 0 0
                                    

Kakaalis lang ni clyden hinatid nya lang ako dito samin tapos umalis na agad well wala naman akong pakelam sakanya. Pagkapasok ko sa bahay abala sina mama sa may kusina.





"What's up oldies!" Bati ko sakanila, sabay na tumingin sakin si mama at lola, nakangiti lang si lola sakin pero si mama ay masama ang tingin, lumapit ako sakanila at naupo sa upuan.





"Naka balik ka na pala apo, kamusta naman lakad mo?"







"Ayos naman lola baka mga tomorrow ikabit yung wifi natin." Sabi ko kay lola. Busy silang dalwa sa pag babalot ng lumpiang shanghai kaya nag paalam na lang ako na sa kwarto muna ako. Pag pasok ko sa kwarto ko nag bihis muna ako tapos tumawag ako sa group chat namin ni ken at cheska.






"What's up party people!!" Bati ko sa kanilang dalwa.







"Buhay ka pa pala sis hahahaha tagal mo di tumawag ah" sabi ni cheska, natawa naman ako dito.







"Busy lang ako hahahaha nga pala sa isang araw na fiesta dito." Excited na sabi ko sakanilang dalwa.






"Yeah right, sige lang mang inggit ka pa." Sabi ni kenny.







"Why don't you two come here na lang!" Sabi ko sakanila.








"Negats ako dyan beh alam mo naman sina mommy." Sabi ni cheska








"Why? I can talk to tita if you want." Sabi ko dito.







"May laro ako ng basketball kasama sina franco." Sqbi naman ni kenny, sinamaan ko sya ng tingin.







"Mas pinipili mo yang franco na yan kaysa samin ha!" Sabi ko kay kenny, natawa naman silang dalwa ni cheska.








"Hay nako hayaan mo na yang si pareng ken at nag bibinata na hahahahahaha." Sabi ni cheska.









"So ano ba chika dyan beh hahahaha may gwapo ba dyan?" Biglang sabi ni cheska. Unang pumasok sa isip ko ay yung menopausal na clyden na yon.







"Wala beh! Wag ka na mag hanap pa sakin dahil walang gwapo dito! Ang papangit talaga pati puro matatanda na nandito no!" Sabi ko kay cheska.





Nag kwentuhan pa kaming tatlo at nag asaran, pinilit ko pa sila na pumunta na lang dito pero mga busy daw sila, hay nako gusto ko pa naman kasama ko silang dalwa para naman may kakilala ako at mas enjoy diba. Si mike naman hindi tumawag sakin ngayon pero kachat ko sya kanina nasa galaan daw sya kasama ang fam nya kaya di din nag tagal ang pag uusap namin. Nahiga na lang ako at di ko namalayan nakatulog na pala ako.









Bisperas ngayon ng fiesta pero eto at di na magkanda ugaga ang mga tao sa bahay sa pag lilinis at pag luluto, halos pati sa labas at sa mga kapit bahay ay mga busy na meron pang mga nag iingayan na videoke sa kapit bahay at eto ako tamang upo lang dito sa may salas at nag cecellphone lang, nag punta na dito yung mag kakabit ng wifi kaya may wifi na kami. Nag iiscroll ako sa facebook ng makita ko ang pictures na naka tag kay mike post nung mommy nya, inisa isa ko ang mga pictures at mukhang nag eenjoy naman si mike pero agad kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang isang pic, sila ni mindy candid ito at naka upo silang dalwa sa table at masayang nag uusap agad ko tiningnan pa ang ibang pictures pero puro may mga kasama na ito pero sila pa din ang magkatabi. What the hell! Anong ibig sabihin nito!! Tatawagan ko na sana si mike ng may tumawag sakin bigla.







Broken Without YouWhere stories live. Discover now