Chapter 12

1 0 0
                                    

Andito ako sa loob ng kwarto ko, iniwan ko muna sa baba sina ken at cheska dahil nakikipag chikahan pa sila kay lola. Kanina ko pa hawak ang phone ko dahil kanina pa ko natawag kay mike sa messenger pero di ata talaga sya online kaya tinawagan ko na lang ang telephone number nila buti na lang at binigay nya ito sakin. Naexcite ako ng marinig ko na nag riring ito, para kong timang na naka ngiti at di mapakali.




"Sagutin mo mike please..." napatayo ako ng tuwid ng bigla may umimik.






"Ba-"


Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang isang boses.





"Hello."




Natigilan ako at hindi naka imik agad.







"Hello?"







"Hey love who's that?"




Bigla ko nabitawan ang telepono sa narinig ko na boses, nakatulala akong napatingin sa telepono na nasa sahig na.






"Love ka dyan hahaha may nanliligaw ba na may call sign agad hahaha."


Narinig ko na sabi nung babae, nagtawanan sila bago naputol na yung tawag. Napaupo ako sa may sahig at napasabunot sa buhok ko, naramdaman ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Pucha hindi ko alam ang iisipin ko gulong gulo nako. Tangina alam ko na si mindy yung babaeng yon, alam na alam ko ang boses nya.






Anong ibig sabihin non? Niloloko ba ko ni mike pero kahapon lang magkausap kami. Agad ko ikinalma ang sarili ko at pumasok sa cr, mahirap na baka biglang pumasok sina cheska, ayoko muna sabihin sakanila yung narinig ko dahil di pa naman ako nakakasigurado.





"Gaga! Ang linaw linaw ng narinig mo kanina." Sabi ko habang nakatingin sa salamin, may mga natulo parin na luha sa mata ko at hindi na maayos ang buhok ko. Agad ako nag hilamos ng marinig ko na may pumasok sa kwarto.






"Jackie? Andyan ka ba sa cr?"





Narinig ko ang boses ni cheska sa labas.




"Oo wait nag hihilamos lang ako." Tumingin muna ako sa salamin ulit kung halata ba yung pag iyak ko, hindi na halata dahil basang basa na buong mukha ko. Agad ako lumabas ng cr at tumambad sakin si cheska na nakahiga sa kama.







"Tulog muna ako ahh gisingin mo na lang ako pag pupunta na tayo sa peryahan." Sabi nito.






"Asan si ken?" Tanong ko sakanya, umupo ako sa may harapan ng salamin ko at sinuklay ang buhok ko.






"Nasa kwarto tutulog din muna daw sya." Sabi ni cheska, hindi nako umimik dahil kita ko na nakapikit na sya. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa may salamin habang nag susuklay, napansin ko na unti unti na naman may namumuong luha sa mga mata ko kaya agad ko ito pinunasan ng tissue. Nagulat ako ng narinig ko ang phone ko na tumutunog, agad ko kinuha ito at nakita ko ang pangalan ni mike. Huminga ako ng malalim at tiningnan si cheska na tulog na tulog, agad ako lumabas ng kwarto at dumeretso sa kwarto ni mama. Umupo ako sa kama bago sinagot ang tawag.






"Hello babe!!!" Narinig ko ang boses ni mike.






"Huy babe? Andyan ka ba?"



Ibinaba ko ang phone ko at huminga ng malalim.





"Hey." Sabi ko.








Broken Without YouWhere stories live. Discover now