Chapter 10

3 0 0
                                    


Hindi ako nakatulog sa nakita ko magdamag lang ako naka tingin sa kisame namin, iniisip kung si mindy nga ba yung nakita ko.







"Jackie apo? Gising ka na ba?" Narinig ko ang boses ni lola sa labas, tumayo nako sa higaan ko at lumapit sa salamin. Potek may eye bags na naman ako, kinuha ko yung salamin ko at sinuot ito tapos binuksan ko na ang pinto at tumambad sakin ang nakangiting mukha ni lola.








"Magandang umaga apo, bumaba ka na pagka tapos mo dyan at ready na ang umagahan."








"Good morning din po lola, sige po sunod po ako." Pagkaalis ni lola, nag cr ako para ayusin ang sarili ko tapos nilagyan ko ng konting concealer ang ibaba ng mata ko dahil medyo nangitim ito tapos sinuot ko na ang salamin ko, bago ako lumabas sinilip ko muna ang phone ko kung may message si mike pero wala akong nakita dito. Huminga ako ng malalim tsaka binitawan na ang phone at lumabas na ng kwarto.



Naabutan ko sila mama na nakaupo na agad nila ako nakita, nag mano muna ako kay lolo at lola bago tahimik na kumain sa tabi ni mama.







"Ayos ka lang ba anak?" Tiningnan ko si mama at ngumiti lang.







"Okay lang po ako ma hahaha medyo inaantok lang." Sagot ko dito.








"Nga pala iha anong balak mo ngayon? Gusto mo ba sumama samin mamaya ng mama mo pupunta kami sa palengke para bumili ng mga gagamitin sa fiesta." Sabi ni lola.









"Sige po lola sasama na lang po ako sainyo."






Nauna ako matapos kumain sakanila at nag paalam ako na maliligo lang ako. Umakyat nako sa taas at pumunta sa kwarto ko nakita ko na natunog ang phone ko agad ko ito tiningnan sa pag aakala na si mike ito pero si ken pala ito.





"Hello"








"Ay ang taray ang cold ha" sabi ni ken, natawa naman ako dito.







"Ano na ineng, kailan mo balak tumawag samin ni cheska ha!"








"Hahaha sorry kenny medyo di kasi ako nakakapag phone eh."







"Hay nako so ano na balita sayo dyan?"




Agad ko naisip ulit yung kay mindy.






"Ahh kenny"








"Oh bakit?"









"Taga saan nga ulit si mindy?" Tanong ko dito.









"Hindi ka parin ba tapos kay mindy? Hahahaha nasa states na yung tao wag mo na pagselosan oh hahahaha" natatawa na sabi ni kenny, pero di ako nakitawa sakanya. States? Nasa states si mindy so posible na sya nga yung nakita ko kahapon kay mike.







"Ahhh kenny sige maliligo lang ako pupunta kasi kaming palengke sasamahan ko sina lola." Paalam ko kay kenny.







"Sige mamaya video call tayo nina cheska"


Nag paalam na ulit ako at pinatay na yung tawag. Natapos ako maligo at andito kami ngayon nakasakay sa trike, naka short lang ako at tshirt pati slippers dahil palengke lang naman pupuntahan.



Naka buntot lang ako kay lola at mama na abala sa pakikipag bolahan dun sa mga tindera hahaha tumatawad kasing mabuti si lola sa mga tindera, natatawa nga ako kasi ang baba tumawad ni lola at yung mukha nung tindera ay parang gusto na kami paalisin hahaha mukha naman nakaramdam si mama kaya hinila nya na si lola paalis. Patingin tingin lang ako sa paligid puro busy ang mga tao buti nga at di crowded.







Broken Without YouWhere stories live. Discover now