Chapter 9

6 0 0
                                    

Nakadating kami ni mama sa laguna ng mga hapon na, agad kami sinalubong nina lola.





"Lola mano po." Sabi ko kay lola.





"Ang laki laki mo na jackie, aba ay kagandang bata pa." Natawa ako sa sinabi ni lola.





"Hay nako mama wag nyo kabolahin yan hahahaha" sabi naman ni mama.






"Asan si tatay?"





"Nako eh nakatulog at kagagaling lang sa niyugan, hali kayo pasok, ituturo ko kwarto mo iha." Sabi ni lola. Hinila ko yung maleta ko at sumunod sakanya papasok. Bet ko yung bahay nina lola dito kasi nakaka relax kasi maka luma yung style nya, feeling ko tuloy mamayang gabi bibisitahin ako ni juanito alfonso hahahahaha char.







"Isko kunin mo yung bag ni jackie." Narinig ko na sabi ni lola at bigla naman may sumulpot na isang lalaki na mas bata sakin. Lumapit ito sakin at basta na lang kinuha yung maleta ko, aba attitude ka sis ah. Nag tama ang mata namin nung lalaki at tinaasan nya lang ako ng kilay kaya napakunot noo ko. Problema nitong bata nato.







"Halika jackie papakita ko sayo yung kwarto mo nung bata ka." Sabi ni lola, agad ako tumingin sakanya at ngumiti, sabay kami umakyat sa may hagdan.





"Ang ganda talaga ng bahay nyo lola, lakas maka sinaunang panahon hahaha."






"Totoo naman iha na sinauna pa ito hindi ko naman kasi pinapagiba ito, yung iba lang ay napaltan na at sira na pero halos lahat ay ito parin ang orihinal na kagamitan."




Pinag masdan ko ang mga gamit na nadadaanan namin at puro mga luma na talaga ito pero magaganda parin lahat at wala kang makikita na alikabok.






"Ito ang kwarto mo jackie." Biglang sabi ni lola, binuksan nya ito at tumambad sakin ang sinaunang kama, alam nyo yun yung pang sinauna na kama yung may mga kurtina na naka taklob ganon. Pumasok ako at pinag masdan ang buong kwarto, katabi ng kama ay isang lumang lamp shade na nakapatong sa lamesa na maliit, nilapitan ko yun at kinuha yung isang picture frame, ako ito nung bata pa at bungi pako dito, dali dali ko binaba yung picture at hinarap si lola nasa likudan nya naman yung attitude na bata.







"Ang ganda lola!" Sabi ko sakanya.






"Pinaayos ko talaga ito iha para sayo" nilapitan ko si lola at niyakap.







"Thank you lola, super comfy and relaxing po dito kahit medyo diko na tanda yung itsura pero okay lang lola hahaha maganda naman po."





"Oh sya ayusin mo na mga gamit mo mamaya tatawagin kita kapag hapunan na." Sabi ni lola sakin agad ako ngumiti at tumango sakanya. Inilapit ni isko yung maleta ko at umalis na kasama ni lola, pag ka labas nila ay sinaraduhan ko na yung pinto at pinagmasdan ulit yung buong kwarto ko.





"Grabe ang ganda talaga." Nilapitan ko yung study table na kahoy tapos may salamin sya sa harapan yung malaki.





"Ang antique na ng mga gamit kahit itong salamin, magkano kaya kapag binenta ko to." Tanong ko sa sarili ko hahahaha baliw na ata ako. Nakita ko yung isang bintana na naka sara, pinuntahan ko ito at binuksan kaya pumasok ang liwanag pero hindi naman mainit at hapon na nga, tumambad sakin ang puro puno pero tanaw ko yung simbahan dun ata iyon sa may plaza. Iniwan ko nakabukas ang bintana at kinuha na ang maleta para maayos ko na.







Nagising ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko, bumangon ako at pagtingin ko sa labas ng bintana ay madilim na.




"Nakatulog pala ako pag aayos." Umalis ako sa may kama at itinabi yung maleta ko na naka kalat parin, kasi naman pag upo ko sa kama ang lambot pala ayan inaantok tuloy ako. Narinig ko ulit yung katok kaya binuksan ko ito at nakita ko si mama.






Broken Without YouWhere stories live. Discover now