𝐋𝐎𝐕𝐄𝐋𝐎𝐑𝐍

6 0 0
                                    


Nasa mall ako ng magtagpo ang landas namin ni Harris, ang ex ko. He's with his girlfriend.

Napahinto naman ako sa paglalakad at ganun din sila. We looked at each other for a couple of seconds saka nila naisipan na lumapit sa akin. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay and it caused me pain. Ako dapat yan e, kamay ko dapat yang hawak hawak niya ngayon e. It's been 3 years but I still haven't moved on. I still love him, I still love my ex.

Namimiss ko na ang yakap niya, ang halik niya, ang pagngiti at tawa niya na ako pa ang dahilan. Namimiss ko na ang lahat ng memories naming dalawa, but its all gone. Wala na. Wala ng pag-asa na maibabalik pa namin ang dati, dahil ngayon ay nakatali na siya sa iba.

I still remember what he said from 3 years ago vividly. "I am so sorry. I love you pero pagod na ako. If we really meant for each other, tadhana na ang gagawa ng paraan para bumalik ako sayo, magkabalikan tayo." That's the exact words he said to me after he gave me his last hug that night.

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang nasa harapan ko.
"Hi Bri," he smiled and greeted me. "Hello, Brianna!" She cheerfully greeted me, too. She knew me dahil nagkausap na kami noon. Pinakilala raw ako ni Harris as his ex para aware siya, ang girlfriend niya.

"Uh, Hi." Awkward kong bati sa kanila kasabay ng pekeng ngiti. You can't blame me knowing the fact that I am still into him.

"It's been 3 years, I guess." He said and I just gave him a fake smile again. Hindi ko na kasi kaya, dahil anytime tutulo na ang mga hangal kong luha. "How are you?" He added.

Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng pesteng luha ko. How dare him to ask me that question? I'm still haunted by our memories! Fuckshits! Tiningnan ko siya ng diretso. "Ito hehe nangangapa pa rin. Naghahanap ng kasagutan kahit alam kong malabo ng masagot." Sagot ko, napansin ko namang nag-iba agad ang ekspresyon ng mukha niya. "Sige ha, mauna na ako." Pagpapaalam ko sa kanila saka mabilis na naglakad palayo. Lakad takbo na ang ginawa ko sa loob ng mall, at kaagad na ring tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Hindi ko pa rin pala talaga kaya. Kasi hanggang ngayon sobrang nasasaktan pa rin ako.

Alas diyes na ng gabi nang umuwi ako sa bahay at sobrang sakit parin sa akin. Agad akong pumasok ng kwarto ko. Inilapag ko ang aking pouch at kinuha ang cellphone saka binuksan ang messenger app. Gustong gusto ko na kasi siyang makausap. Wala na akong phone number niya dahil matagal niya na itong pinalitan. Hinanap ko ang pangalan niya sa active list ko and luckily active siya. I chatted him with this 'Miss na kita baby hindi ko na kaya, please mag-usap tayo. Gusto kong maliwanagan." Nakita kong naseen niya ito pero hindi nireplyan. Napaluha na naman ako dahil doon. Pero ganun pa man, naghintay pa rin ako, umaasang baka  magreply siya sa akin. Minutes have passed, biglang tumunog ang messenger ko at nakita ko ngang nagreply siya. 'Meet me at your favorite place' napangiti ako ng mabasa ang reply niya. So, naalala niya pa ang favorite place ko. Nireplyan ko lang siya ng 'okay' at agad nag-ayos ng sarili.

Nagmadali akong pumuntang park kung saan ang favorite place ko at nakita kong naroon na pala siya't naghihintay.

Maliwanag naman dahil bukod sa mga lamp post ay ang sinag ng buwan. Kinawayan niya ako at ngumiti kaya napangiti na lang din ako ng mapait dahil alam kong walang halong pagmamahal na ang mga ngiting ibinibigay niya sa akin ngayon.

Nang makalapit ako sa kanya ay bigla ko siyang niyakap. Humagulhol ako sa dibdib niya. Sa wakas nayakap ko na ulit siya. Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik kaya mas lalo pa akong napaiyak. "H-Harris, can we pretend that tonight was our night from three years ago? Please Harris, please." Desperada na kung desperada, gusto ko lang ulit siya mapasaakin. Hindi siya umimik. "Please pagbigyan mo na ako, Harris. Ngayong gabi lang naman." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Narinig ko naman itong bumuntong hininga kaya napangiti ako sa isip ko. "Sige, pero after this night dapat mo na akong kalimutan Bri. Mahal ko si Trisha." Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso. Tumango tango na ako habang nakayakap pa rin sa kanya. A moment later, humiwalay na siya sa yakap naming dalawa at hinawakan ako sa mukha.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon