MY TWIN HIDES ALL THE PAIN

1 0 0
                                    


       Ang akala ng lahat, malakas siya at ako ang mahina. Pero kabaligtaran pala lahat ng iyon.

4 years old palang kami ng madiagnose na meron akong brain tumor. Hindi naman siya ganun kalala kaya hindi na ako pina-undergo ng operation ng mga magulang ko. Hintayin na lang raw nila na lumaki ako dahil hindi nila kayang makita na inooperahan ako sa murang edad.

Simula noon lagi na nila akong binebaby. Bago pumasok sa school, inaayos ang uniporme ko, sinusuklay ang buhok, pinaghahanda ng baon at laging pinaaalalahanan. Samantalang ang kambal kong si Allyson, si Yaya ang nag-aayos at nag-aalaga sa kanya.
Minsa nahuli ko siyang nakatingin sa'kin habang sinusuklay ni mommy ang buhok ko at may luhang tumulo sa mga mata niya. Pero agad din naman siyang nag-iwas ng tingin at pinahid ang luha sa pisngi niya.

"Zyzy baby, kumain ka ng marami, ah? Magpalakas ka, huwag mo rin pababayaan ang sarili mo sa school. Mag-ingat ka lagi at huwag ng makipaglaro, ah?" Paalala ni mommy sa'kin. Nahuli ko naman si Allyson na nakatingin sa'kin, pero nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya ay mabilis siyang nag-iwas at agad humakbang palabas.
"Allyson!" Tawag ni mom at agad namang lumingon si kambal. "Huwag mong pababayaan ang kapatid mo sa school, lagot ka na naman sa'kin pagnatamaan na naman siya ng bola." "Yes ma" napapayukong saad ni kambal. Nung grade 5 Kasi kami, gustong gusto kong panuorin si kambal maglaro ng sofball sa field. Ayaw sana niya akong pasamahin pero pinilit ko siya, kaya aksidente akong natamaan ng bola sa ulo. Nadala ako noon sa hospital kaya galit na galit si Daddy't mommy kay kambal. Naaalala ko pa ang sinabi nila mom noon. "Hindi ba't sinabi ko sayo na alagaan at bantayan mo ang kapatid mo?! Pero anong nangyari? Tinamaan parin siya ng bolang nilalaro mo! Quit that game! Hindi mo nababantayan ng maayos ang kapatid mo!" Pasigaw na sinabi ni daddy. "Langya kang Bata ka! Ilang beses ba naming ulitin na huwag kang aalis sa tabi ng kapatid mo?! Hindi ba't sinabi  ko na sa'yo na maaga kayong magsiuwi at huwag ng maglaro ng softball na yan! Bakit napakatigas ng ulo mo?!" Pasigaw din na sabi ni mommy. Marami pang sermon ang natanggap ni kambal at sa mga oras na yun, pinipigilan niya lang na tumulo ang luha niya. Kaya nung lumabas siya at hinabol ko, doon ko nakita kung gaano siya nasaktan.

"Kambal naman, sige na, payag kana. Promise 4:30pm lang tayo uuwi, please?" Ngayong grade 9 na kami, kinukumbinsi ko siyang huwag sabihin kina Mommy't Daddy ang tungkol sa pagsali ko sa Theater Club. Ayaw kasi nina Mom na  sumali ako sa mga clubs dahil ayaw nilang mapagod ako. Not just physically but also mentally.
Napabuntong hininga siya. "Okay, but be sure na hanggang 4:30pm lang talaga. Dahil pag malate tayo ng uwi siguradong magagalit na naman sina Mom." "Aye aye! Promise! I love you kambal ko!" Napayakap tuloy ako sa kanya.
--
"Ate Kyla, di ba talaga pwedeng hanggang 4:30pm lang?" Tanong ko kay ate Kayla ang nagsisilbing director ng club. "Hindi pwede Zyzy e. Sa Friday na ang play at konti nalang ang panahon natin para mamaster niyo ang play" "Pero---" "No buts" she cut me off. Naku, pa'no na'to? Lagot ako kay kambal. Yung promise ko mababali na naman. Hayys bahala na nga.

Matapos ang practice ng play ay agad akong lumabas ng Theater room at agad ko namang natanaw si Lyly ang aking kambal sa labas ng pintuan na para bang inip na inip na dahil panay ang tingin nito sa relo niya. "Kambal!" "Bakit ngayon ka lang?" "Sorry kambal, kailangan talaga e." "Ano na naman ang kasinungalingang irarason ko kina Mom?" "Eh, kambal wag mo naman akong isumbong oh. Alam mo namang gustong gusto ko ang pag-aact, diba? Please Lyly, please?" Tiningnan niya lang ako ng mataman at nauna ng maglakad. Ang bait talaga ni kambal. Ang swerte ko sa kanya. "Yiiee! Labyu kambal" tsak ko siya hinabol.
--
"At bakit ngayon lang kayo?" Bungad ni Mom na nasa gate habang nakapameywang. Mukhang hinihintay kami. "Sorry Mom." Sabi ni kambal, habang ako nagtago agad sa likod niya. "Saan mo na naman dinala si Zyxey, Allyson? Sabihin mo, bumalik ka ba sa paglalaro ng softball? Bakit napakatigas ng ulo mo? Hindi ba't sinabi na namin sa'yo na bantayan mo lang kapatid mo? Hinahayaan mo lang ba ang kapatid monsa school? Ano ba talagang gusto mong gawin ko sa'yo para magtanda ka? Akin na nga number ng coach niyo at sasabihin kong tanggalin ka niya!" Mahabang sermon ni Mom. "Mom! Hindi! Wala! Grade 5 pa ako ng umalis sa paglalaro ng softball Mom!" At narinig ko na ang mahinang paghikbi ni kambal. "K-Kaya, kaya lang po kami nalate ng uwi dahil nakalimutan ko pong ipasa ang project ko dahil naiwan ko dito sa bahay, kaya gumawa pa ako doon sa school dahil ngayong araw ang last submission."  Matapos bitawan ni kambal ang walang katotohanang rason na 'yon ay tumakbo siya paalis. Hindi siya pumasok sa bahay sa halip tinungo niya ang street ng subdivision namin. Sinundan ko naman agad siya at di pinansin ang pagtawag ni Mom sa'kin. Lakad takbo ang ginawa ni kambal habang nakahawak sa bandang dibdib niya. Marahil ay labis siyang nasasaktan sa sinabi Mom. Pumasok siya sa park na nandito lang sa loob ng subdivision namin at umupo sa isa sa mga bench kung saan malayo sa tao. Mga limang metro lang ang pagitan namin mula sa likod niya. Napansin kong nakahawak parin siya sa bandang dibdib niya at habol habol ang hininga. Lumapit ako ng konti at ngayon rinig na rinig ko na ang bawat hikbi niya habang pinagsusuntok ang sariling dibdib na para bang nahihirapan siyang huminga. Dahil di ko kinaya ang makita siya na nasasaktan dahil sa kasalanang ako naman ang dahilan, nilapitan ko siya't niyakap mula sa likod. Dahan dahan naman siyang tuhaman at pinahiran ang luha sa mukha bago ako binalingan ng tingin tsaka ngumiti. "Zyzy kambal, sakay tayong Ferris wheel?" Pag-aaya niya sa'kin. "Sigeee! Pero-- baka mapagalitan ka na naman nina Mom." "Hindi yan, ako bahala." Sige na nga! Let's gooo!"
Ang saya namin ni kambal. Minsan lang kasi kami nakakasakay eh. Lalo na ang gumala. Never.

Alas syete na ng gabi kami nakauwi at naabutan namin sina Mommy't Daddy sa living room. Agad na tumayo si Mom pagkakita sa'min at sinampal si Kambal. "Mom!" Sigaw kom "Allyson! Hinding hindi ka na nagtatanda ano! Gabing gabi na Allyson at alam mong makakasama sa kalusugan ng kambal mo ang paggala!" Pagalitan say sigaw ni Mom. Tiningnan ni kambal si Mom at mapait na ngumiti. "Makakasama kay Lyly ang paggala? Bakit mom? Sa puso ba ang sakit niya? Mom! Alam niyo namang minor lang ang sakit ni kambal  at hindi malala! Under observation din siya at may maintenance, pero pinagbabawala niyo? Binebaby niyo siya pero lahat ng gusto niya at binawal niyo! Tapos pati ang gusto ko ay inalis niyo sa'kin! Ang larong gustobg gusto ko pinaquit niyo para mabantayan si kambal! Mom! Ginawa ko naman kaht ng sinabi niyo ah, lahat ng inutos niyo pero lagi pa ring mali! Hindi pa rin ako nakakakilos na ayon sa gusto ko! Tama na sanang hindi pantay ang pag-aalaga at pagmamahal niyo sa'min pero sana naman naman bigyan niyo din ako ng time para sa sarili ko! Nakakapagod na kasi e! Nakakapagod ng ako lagi ang nasasampal at pinapagalitan niyo!" Sumbat ni kambal habang walang hinto sa pagluha. "Ngayon sumisigaw ka na? At pinagduduhan mo pa ang pagmamahal at pag-aalaga namin sa'yo? For God sake, Allyson! May sakit ang kambal mo!" Si mommy na nag-uusok na sa galit. "Alam ko! Alam ko ring na hindi ganun kalala para ako pa ang gawing bodyguard niya!" "Sumagot ka pa talaga ah!" At isang malutong na sampal na naman ang natanggap no kambal mula kay Daddy. Halos matabingi and mukha ni kambal dahil sa lakas. "See? You're not fair!" Sigaw ni kambal at akmang aalis na pero agad na hinablot ni Daddy ang kanang braso niya. "Where do you think you're going?" "Why do you care, dad?" "Aba't! Sinusubukan mo talaga ang pasensya k--" "No, I'm not!" Tsaka puwersahang inalis ni kambal ang kamay ni dad na nakahawak sa braso niya at umalis. Tinungo nito ang maindoor. "Allyson! Hindi pa ako tapos sa'yo! If you open that door, hinding hindi ka na makakatutuntong pa sa pamamahay na ito!" Lumingon naman si kambal kay Daddy at mapait ng ngumiti. "Sure!" At tuluyan na niyang binuksan ang pinto at lumabas. "Sorry Dad, mom, susundan ko lang si Kambal." Tsaka ako tumakbo at sumunod Kay kambal. Narinig ko pang tinawag ako nina mom per di ko na iyon pinansin pa.
Bahala na. Hinabol ko pa rin si kambal at nakita ko siyang lumabas ng subdivision. Tumatakbo siya sa gilid ng kalsada. Malayo ang pagitan namin dahil dahil napakabilis niyang tumakbo. Hinahabol ko pa rin siya kahit pagod na ako, pero ganun na lang ang pagkabahala ko ng bigla siyang huminto at humarap sa mga nagtatakbuhang sasakyan. No! Hindi maari! "Kambaaaaaal! Hindiiiii! Waaaaaaag!" Pagpipigil ko sa balak niyang gawin. Dahil sa layo ng pagitan namin hindi niya ako narinig. Mas binilisan ko pa ang takbo ko pero dahan dahan na rin niyang inihakbang ang mga. "Allysoooooooooooooon! Kambaaaaaal! Lylyyyyyyyyyyy! Huwaaaaaaag!"  Malakas kong sigaw ngunit tila ba wala siyang narinig at walang pakialam sa paligid. Huli na. Huli na ako. "Hindiiiiiiiii!" Kasabay nun ang tunog ng iba't ibang sasakyan. Mababangga si kambal. Napapikit ako ng marinig ang malakas na impact ng pagkabanggaan ng nga sasakyan. Hindi. Hindi maari. Okay lang naman si kambal ko diba? Diba?

Mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang ang sariling kong nasa harap ng operating room at taimtim na nagdadasal sa panginoon na sana'y iligtas si kambal. Habang hindi naman mapakali sina Mom at Dad sa kinatatayuan nila. Napalingon kami ng lumabas ang doctor na responsible sa operation ni kambal. "D-Doc. H-How's the operation?" Naluluhang tanong ni dad. Napayuko naman ang doctor  ang Doctor tsaka tiningnan si Dad. "I'm sorry. We did our best pero napakahina ng puso niya kung kaya't hindi niya nakayanan ang operation. Aside from the major head injury she got  from the accident ay may acid flux din ang anak mo. Matagal niya na pala itong dinaramdam at wala man lang siyang tinetake na gamot kung kaya't lumala ang sakit niya. Time of death 8:11PM. Condolence. I have to go" Pagkatapos marinig ang sinabi ng doctor ay naoahagulhol kami ng iyak.

Bakit? Bakit napakaaga mo kaming iwan kambal? Akala ko ba malakas ka? Akala ko ba ikaw ang walang dinaramdam na sakit? Pero hindi pala. Dahil all this time tinago mo samin ang totoong kalagayan mo.

Kambal, may twin, may Lily. I love you and I'm sorry.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon