Untitled (2)

0 0 0
                                    

Today is our first day of class. Pero tangina mukhang hindi first day e.  Our teacher told us to make an essay about ourselves that contains 250 words and that sucks. Kaya ayoko talaga sa English na subject, bukod sa bobo ako sa subject na yan, tamad din ako.

My classmates started to write their essays, while me nganga. Anong panulat ko? Eh wala akong ballpen tapos wala pa akong papel sa buhay ni crush. Este paper pala.

Lumingon lingon ako sa paligid hoping na may maglabas ng isang pad na papel. Paglingon ko nakita kong may iba na siya, boooom ang sakit. Halos mabali na ang leeg ko sa kakalingon, ang hirap talaga nitong hindi ka handa e. Yung tipong ayaw mo pa pumasok, napilitan ka lang dahil si mama mo maaga pa nagsisigaw na.

Tamang tama naman na paglingon ko one last time e naglabas si crush ng papel. Kaya walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kanya. Gosh! Feeling ko maaga akong magkakalovelife.

"Hi, pwede pahingi ng papel? Hehe" nahihiya kunwari kong tanong. Enebe se kres yen e.

Tiningnan niya naman ako tsaka binigyan ng isang sheet. Wala man lang reaksyon sa mukha amp.

Maligaya ko naman yun inabot at nanghingi ulit.

"Uhmm isa pa ulit hehe."

Tiningnan niya naman ako pero masama ang timpla ng mukha niya tsaka ako binigyan.

"Ano uhmm isa pa ulit hehe last na talaga." Panghihingi ko ulit. Tatlo hihingin ko para I love you. Yiiieee harot ko talaga.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya, at padabog na kumuha ng isang piraso ng papel at ibinigay sakin at nagsimula ng magsulat. Galet na galet? Usto manaket?

Napansin niyang hindi pa ako umaalis kaya masama niya akong tiningnan.

"Ano Kasi... Uhmm may extra ballpen ka ba? Pahiram sana ako, este pahingi na lang para di ko na kailangang isauli pa," Sabi ko ng diretso. Wala ng hiya hiya. Kinapalan ko na ang mukha ko.

"Ako nalang kaya ang hingin mo, para panghabang na sayo." Nagulat ako ng sabihin niya yun.

"H-Ha?" Ano raw? Siya na lang hihingin ko?

"Sayo na lang ako para di ka na hingi ng hingi ng papel sa buhay ko," nakangiti niyang turan.

Dahil sa sinabi niyang yun, nahimatay ako. Nagising nalang ako ng may flying chalk ang tumama sa mukha ko. Tupanginang ma'am. Papatalsik kita dito sa school ko e. Charr kakawattpad ko 'to e.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon