Isang napakagandang dilag ang nagmamadaling umuwi sa kanilang tahanan ng hapon na iyon sapagkat ayaw nitong maabutan ng gabi sa labas.
Galing pa itong bayan upang bilhin ang mga ipinapabili ng kanyang ina.
Sa pagmamadali ay hindi niya namalayang may makakabangga siyang isang matipunong binata. Nahulog ang ilan sa kanyang pinamili at agad naman siyang dinaluhan ng binata sa pagpupulot rito.
Tiningnan niya sandali ang binata at binigyan ito ng matipid na ngiti. "Paumanhin sa aking kapangahasan na mabangga kayo, ginoo." Usal niya rito.
"Ako ang dapat humingi ng paumanhin sa iyo, binibini. Sapagkat hindi ako nakatingin sa aking daraanan kung kaya't tayo'y nagkabangga." Sagot ng binata sa kanya.
Matapos pulutin ang mga pinamili ng dilag na nahulog ay tumayo na silang dalawa. "Maraming salamat, ginoo." Ngiting pagpapasalamat ng dalaga sa binata dahil sa kabaitan nito.
"Walang anuman, binibini."
"Kung gayon ay ako'y hahayo na't baka gabihin pa sa pag-uwi." Pagpapaalam ng dalaga.
"Ihahatid na kita sa inyong tahanan kung maari."
"Naku, huwag na't maabala pa kita."
"Wala naman akong ibang gagawin kung kaya't hindi ka makakaabala."
"Ayos lang ako. Salamat nalang. Paalam." Akmang aalis na ito ng pigilan siya ng binata.
"Sandali. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"Teresa, Teresa ang aking pangalan."
"Salamat. Ako si Kanor, binibining Teresa." Binigyan lang siya ng dalaga ng isang matipid na ngiti at ito'y umalis na.
Napangiti ang binata sa bagong nakilalang dalaga.
Isang linggo na ang nakalipas mula ng makilala ni Teresa si Kanor. At mula noon ay hindi na ito mawala wala pa sa kanyang isipan.
Alas diyes na ng Gabi ngunit hindi pa rin tapos si Teresa sa kanyang pagbuburda.
Inaantok na siya at binalak na tapusin ang ginagawa kinabukasan ng bigla niyang marinig ang pagtunog ng gitara.
"Mukhang may aakyat ng ligaw kay Maria." Sambit niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang anak ng kapitbahay nilang dalaga.
Itutuloy na sana niya ang pagtulog sa papag sa loob ng kanyang kuwarto ng magsimulang kumanta at marinig ang napakagandang boses ng lalaki. Napakapamilyar nito sa kanya.
Ngunit ang hindi niya inaasahan na imbes na sa kanilang kapitbahay ay sa mismong bahay nila ito nanghaharana.
"O, ilaw
Sa gabing tahimik
Wangis mo'y
Bituin sa langit"Hindi niya alam kung anong gagawin. Natatakot siya. Natatakot siya sapagkat baka magalit ang kaniyang ama't ina. Alam niyang siya itong hinaharanahan.
"O, tanglaw
Sa gabing tahimik
Larawan mo neneng
Nagbigay pasakit" pagpapatuloy na kanta ng kung sino mang nasa labas ng kanilang bahay.Nagdadalawang isip siya kung sisilipin niya ba ito o hindi.
"O, ilaw
Sa gabing tahimik
Wangis mo'y
Bituin sa langitO, tanglaw
Sa gabing tahimik
Larawan mo neneng
Nagbigay pasakit"Nanatiling nasa kwarto si Teresa. Sa ganda pa lang ng boses ay nahuhumaling na siya. Ano pa kaya kung makita nito ang kakisigan ng binata? Napailing iling siya sa kanyang kapusukan. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganoong bagay.
"Gising at magbangon
Sa pagkakagupiling
Sa pagkakatulog
Na lubhang mahimbing"Napangiti siya sa narinig na liriko ng kanta. "Hindi pa ho ako nakakatulog, aking sinta" sambit niya sa sarili niya.
"Buksan ang bintana
At ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo
Ang tunay kong pagdaing"Hindi na niya nakayanan. Agad nabihag ang kanyang puso sa ganda ng boses pa lang.
Tumayo siya't binuksan ang bintana. At labis ang kanyang pagkamangha sa nakita.
Ang binatang si Kanor na kanyang nakabangga ay siya ring binatang sa kanya'y nanghaharana.
Hindi namalaya ni Teresa ang sarili. Napakalapad na pala ng kanyang ngiti. Sinasalubong nito ang mga titig, ng binatang si Kanor na napakakisig."Gising at magbangon
Sa pagkakagupiling
Sa pagkakatulog
Na lubhang mahimbingBuksan ang bintana
At ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo
Ang tunay kong pagdaing"
Pag-uulit na kanta ng binata na ngayon sinabayan pa ng kanyang mga kasama.Nagulat siya ng tapikin ng kanyang ama ang kanyang balikat. "A-Ama" Nginitian siya nito at sinamahang dungawin ang nanghaharana sa labas kasama ang kanyang ina.
"Magandang Gabi po sa inyo Mang Karding at Aling Tisay lalong lalo na po sa inyong napakagandang anak na dilag na si binibining Teresa. Ako po si Kanor. Nais ko po sanang hingin ang inyong basbas sapagkat ako'y aakyat ng ligaw sa inyong nag-iisang anak." Nginitian ni Mang Karding ang binata at sinensyasan itong pumasok muna ng bahay at doon itutuloy ang pakikipag-usap.
Nakakatuwang isipin na ganito ang senaryong naranasan ng kababaihan noon.
Kumpara sa ngayon na napakadaling makuha ng karamihan sa mga kababaihan kahit walang basbas ng magulang.
Yung tipong isang "Miss pwedeng manligaw?" o di kaya'y "Hi miss, can I have your number?" At ang malala pa ay "Miss tayo na." Sa simpleng pag-aaya lang ng isang lalaki ay napapayag na agad ang isang babae.
Wala man lang decent courtship na nangyayari tulad noon. Pa-easy to get and mga babae na wari ba'y mauubusan na ng lalaki.
Ganoon din sa mga lalaki. Kung noon ay matapang silang hinaharap and mga magulang ng iniibig ngayon ay takot na. Kung noon ay seryoso sa panliligaw, ngayon pag-isang linggo na at hindi pa rin sinsagot nawawalan na agad ng gana. Kung noon seryosohan, ngayon karamihan ay hanggang laro lang.
Nakakalungkot isipin kung paano nabago ng panahon and pananaw natin.
Ang ilan sa ating kultura ay nakalimutan na. Ang pagpapahalaga sa kapwa ay nawala na.
Ang iniisip ng karamihan ay ang sarili na lamang nilang kapakanan. Nagiging makasarili and mga tao sa mundo.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomThe following one shot stories you'll be reading was reposted from my Facebook account, Zyxey PENNE.