Untitled (5)

0 0 0
                                    

Vacant time namin ngayon kaya malaya akong nakapagcharge ng phone ko sa classroom namin habang nakikipagchat sa boyfriend ko sa RPW. Heto na naman kasi siya't bumabanat ng mga nakakakilig at lalong nakakapagpahulog sa akin ng husto. Nangingiti naman ako at parang baliw dito sa kinauupuan ko dahilan para sipain ako ng kaibigan ko na nasa harap ko lang na busy din sa kaka-cellphone.

"Huy bessy! Para ka nang tanga dyan, sino ba kausap mo ha?" Tiningnan ko lang siya tsaka umiling. "Wala," sagot ko dito.

"Wala raw, pero halos mapunit na ang kanyang labi sa kakangiti. Tss!" Sabi pa nito na ang pinariringgan ay ako at saka bumalik sa cellphone niya at halatang nagtitipa ng mensahe.

Binalik ko na rin ang tingin ko sa cellphone ko at may message na pala ang boyfriend ko. Binuksan ko ito at binasa.

"Baby... Let's meet up. Sa UZ main campus ka nag-aaral diba?" Nagulat naman ako. Haluh! Meet up daw? Nagvibrate naman ang phone ko ulit at nakitang may sumunod siyang message. "Gusto ko ng magpakilala sa'yo baby. Please, pumayag ka na." Basa ko sa mensahe niya.

8 months na kami nitong boyfriend ko pero never ko pang nakita ang op niya. Kasi, ni isa sa amin ay never nanghingi ng picture ng isa't isa, maliban sa kung saan kami nag-aaral, ilang taon na ba at anong baitang na. Kuntento na kasi kami sa relasyon naming dalawa.

Hindi ko alam ang irereply ko. Kung makikipagkita ba ako or hindi. Dahil sa totoo lang hindi pa ako ready.

Kaya I decided to ask him nalang kung saan kami magkikita. Bawal din kasing lumabas ng school pag oras pa ng klase. "Baby, San tayo magkikita?"  Chat ko sa kanya. Mabilis naman itong nagreply. "Sa canteen niyo," nagtaka naman ako at mabilis siyang nireplyan. "Bawal outsider dito baby." Reply ko sa kanya.

"Nakapasok na nga ako baby. Hahahaha" reply niya. Tangina?
"Seryoso ka?"
"Oo, kaya please baby. Di ko na kaya. Magpapakilala na ako sayo. Baka gusto mong puntahan pa kita sa building mo?"
"Noooo! Oo na! Oo na! Makipagkita na ako sayo" huling reply ko dito at dali daling kinuha ang charger sa plug.

"Bessy!! Punta tayong canteen!" Sabi ko kay Bessy.

"Huh? Bakit?" Siya na nagcecellphone pa rin.

"Basta!! Sa daan ko na sasabihin!" Sagot ko habang naghahanap ng liptint. Punyemas! Bat kasi biglaan? "Anong hinahanap mo?" Tanong sakin ni bessy na nakatayo na  ngayon. "Liptint! Pahiram na nga lang ng sayo!" "Nakalimutan mo na ba? Kailan pa ako nagliptint? Ha?" Siya na nakapamaywang pa. "Tomboy ka nga pala" napatampal na lang ako sa noo ko. "Tss. Wag ka na lang magliptint. Maganda ka naman na." Sabi niya sakin at napaiwas pa ng tingin. Eh? Ngayon niya lang ako pinuri, nyare sa kanya? I erased my thoughts, naiinip lang siguro siya. "Magpopulbo na lang ako." Sabi ko rito. "Wag na, halika na lang. Pumunta na tayo sa pupuntahan mo." Sabi niya sakin sabay hila sa kamay ko.

So, yun nga nagpahila na lang ako kay bessy. Putek! Kinakabahan ako mga bes! Matangkad kaya siya? Gwapo? Gossh! Naeexcite ako na kinakabahan.

Habang hila hila pa rin ako ni bessy papuntang canteen ay may bigla akong naalala. "Teka bessy! Paano mo nalaman na sa canteen ang punta natin?" Tanong ko rito, na nakapagpahinto sa kanya, ganun rin ako. Wala kasi akong maalala na may sinabi ako sa kanya tungkol sa pupuntahan namin.

"H-Ha? Ah ano, diba sabi mo kanina sa canteen tayo pupunta?" Ha? May sinabi ba akong ganon? "Nabanggit ko ba?" "Oo, kaya tara na!" Agad niya naman akong hinila ulit kaya nagpatianod na lang ako.

Pagkapasok namin sa canteen ay maraming mga estudyante ang nasa loob. Nilibot ko ng paningin ko ang buong canteen pero ni-isa ay wala akong nakitang lalaki o babae na naiiba. I mean, naka-ibang uniporme o nakacivilian. Kaya bumitaw muna ako sa pagkakahawak ni bessy at kinuha ang cellphone ko.

"Bessy, pagmay makita kang hindi pamilyar na lalaki dito, sabihin mo sakin ah. Siya yung imemeet natin, he's my boyfriend from RPW." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya, agad kong inopen ang messenger ko at nagtype ng message.

"Baby nandito na ako sa canteen, San ka na?" Chat ko rito. Pero, inactive na pala.

Pakshet! Baka niloloko lang ako nun? Sige siya, ibebreak ko talaga yun.

Nagtype ako ng message ulit, "Baby, tangina naman oh, mag-online kaaa! Pag ako pinagloloko mo rito, bibigwasan kitang hinayupak ka! Grrrrr!!"

"Hoy!"
"Abaugh! Ayaw mo mag-online?"
"Nandito ka o wala? Anong kulay ng damit moooo?" Nilibot ko pa ulit ang tingin ko sa canteen per wala talaga.

"Tangina!!! Niloloko mo lang ako na nandito ka ano?"
"Hayop!"
"Tanginaaa! Kalbuhin na talaga kita"
"Di na Kita Mahal!"
Sunod sunod na ang message ko pero ni isa walang reply. Ginagago ata ako ng walang hiyang yun!

"Break na tayo!!!" Huling reply ko at nanggagalaiti ng hindi pa rin naggigreen ang online presence niya.

"Balik na tayo," baling ko kay bessy. Pero ang gaga, pigil na pigil ang tawa.

"Anong nakakatawa? Ha?" Tanong ko rito at sinamaan siya ng tingin.

Sumeryoso naman ang mukha nito at sumagot ng "wala".

"Kalma ka lang muna baby." Sabi niya at nagulat naman ako dahil tinawag niya akong baby. Endearment namin yun ni baby Tres ah. Yung boyfriend kong hinayupak hindi nagpakita. Grrr! Hindi ko na lang siya pinansin at inirapan na lang.

Napansin ko naman na may kinuha siya sa bag niya. Wait? Nagdala ba Ng bag tong babaeng to? Di ko napansin kanina ah. Tumalikod siya sa akin at parang may kinuha sa bag. Pagharap niya ay agad niyang iniharap ang tatlong rosas na kulay puti. Nagtataka naman akong tiningnan siya. "For you, baby" what the? At may ibinigay pa siyang box. "Buksan mo" utos niya. Naguguluhan man ay binuksan ko ito. Nagulat ako ng Isa pala itong explosion box. At mas lalo akong nagulat ng makita ko ang mga picture ng port ko at port ni Tres. May mga Ullzang couple din na inedit namin ni Tres ang nandito. Fvck? Ano to? Nakita ko rin ang picture namin ng Bessy at nung i-flip ko ang sa gitnang part ay agad lumitaw ang "HAPPY 8TH MONTHSARY BABY". Tiningnan ko si bessy ng nagtataka. At nakangiti lang itong nakatingin sakin. "What's this?" Instead na sagutin ay hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa bandang dibdib niya.

"Nararamdaman mo ba ang lakas ng tibok ng puso ko Bessy? I'm sorry kasi all this time tinago ko ang nararamdaman ko para sayo. Takot kasi akong mareject. Di ko alam kung kailan ako nagsimulang makagusto sayo at mahalin ka hindi bilang kaibigan. Ang alam ko lang 3 taon ko ng inililihim itong aking nararamdaman. Gustong gusto kitang maging akin, kaya gumawa ako ng CRPA para maligawan ka, buti nalang at sinagot mo ako agad. Laking tuwa ko nun. Naalala ko pa nga na sinapok mo'ko nun eh kasi pareho pala tayong kinikilig. Niyakap kita diba? Hahaha may malisya na sa'kin ang pangyayakap ko sayo, masaya ako tuwing magkatabi tayo lalo na sa pagtulog. Ang sarap mong kayakap. Mahal Kita Bessy, Mahal na mahal kita baby. Please patawarin mo ako. Gusto kong mapasakin ka for real, kahit na pareho tayong babae. Will you accept me?" Natameme ako, hindi ko alam ang isasagot ko.

She cupped my face at nakita kong tumulo ang luha niya. "Baby, Bessy, I love you, I really do. Pwede bang ipagpatuloy natin ang RPW Relationship natin sa RW, ha? Pwede ba? Tanggap mo ba?" Walang lumabas na salita mula sa akin. Tanging tango lamang ang naisagot ko.

Nagliwanag naman ang mukha niya at agad akong niyakap. "Yes!! Akin na ang baby Koo! Akin na ang Bessy ko!"  Sigaw nito. Agad na nagsipalakpakan at nagtilian ang mga estudyante na kanina pa pala nanonood sa aming eksena.

Bumitaw siya sa yakap and she kiss my forehead. "You're now officially mine, mine ALONE" pota? Possessive and kingina.

So yeah, my bessy, my baby.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon