"Klasmeeeeyt! Quiet! Andyan na si Sir crush! Tangina! Ang gwapo na naman!" Tili ni Andrei ang bakla naming kaklase na taga abang sa labas ng room pag time na ni Sir Glenn Roble.
Agad naman kaming napaayos ng sarili, at umupo ng tuwid. May iba ding tiningnan pa sandali ang hitsura sa salamin.
Hindi ko alam, pero every time na pumasok si Sir Crush, my love of my life sa room namin ay para bang huminto ang oras at siya lang ang nakikita ko at tanging paghinga at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Nagniningning siya sa aking paningin, na wari ba'y isang dyamante.
Natigil ako sa pagpapantasya ng bigla akong sampalin ng katabi ko. "Hoy! Tayo na dyan!"
Nagulat naman ako at tumingin sa paligid, lahat pala sila ay sa akin na nakatingin.
"Good afternoon Miss Mendoza" seryosong bati sa akin ni Sir.
"Good afternoon din love of my li--- I mean sir crus--- este sir Roble. Hihi" Taena! Papahiyain ata ako ng dila ko. Masyadong nagpapahalata.
Tiningnan niya lang ako at tsaka sinenyasan kaming maupo.
He's our math teacher at hindi sa pagmamayabang pero pagdating sa subject niya dito sa klase namin ako lang ang nag-eexcel.
Kinuha niya ang dala dala niyang cartolina which is visual aid yata at dinikit sa chalkboard.
Nagtaka naman ako sa nakitang nakalagay dun.
"Hindi pa naman kami natatapos sa isang topic ah. Ano na naman kaya yan?" Bulong ko sa sarili ko.
19, 12, 23, 18, 20 -- 04, 21, 15, 08, 25 -- 18, 06, 16, 20, 01 -- 15, 18, 05, 05, 19 -- 23, 05, 05, 08
Yan, yan ang nakasulat sa Cartolina.
Nagkaroon na ako ng clue about sa ipapagawa ni Sir. Pero di ko maisip na related yan sa topic namin.
"Class" panimula niya tsaka inilibot ang paningin sa aming lahat at huminto ito sa akin. Wait, what? Sa akin siya nakatingin ngayon? Nag-init naman agad ang pisngi ko, Lalo na nung ngumiti siya sa akin.
Shet naman sir, yung puso ko, matutunaw.
Iniwas rin niya agad ang paningin sa akin.
"As you can see, these are numbers." Turo niya sa mga numero. "But, these are not just a numbers. In order for you to understand what message behind these numbers, you need to--" "Decode it" pagtatapos ko sa sinasabi ni sir. Syempre, plus ganda points din yun noh. Para naman mas lalong maimpress 'tong love ko.
"Miss Mendoza is right" at ngumiti siya sa'kin. Kita mo na. Sabi ko sa'yo e.
Clueless naman ang ilan sa mga kaklase ko.
"The first one na makakadecode nito ay ibibigay ko ang ka-isa isa niyang hiling." Sabi ni sir.
Naging interesado naman ang lahat, especially me.
Patay ka ngayon sa'kin sir, wala ka ng kawala.
"I'll give you 5 minutes" tiningnan niya ang wrist watch niya. "And your time starts now"
Agad ko naman kinuha ang notebook ko at ballpen tsaka nagsimulang idecode.
Madali lang nung una, kasi Latin code lang ang gagamitin.
19, 12, 23, 18, 20 -- 04, 21, 15, 08, 25 -- 18, 06, 16, 20, 01 -- 15, 18, 05, 05, 19 -- 23, 05, 05, 08
So, I came up with
SLWRT--DUOHY--RFPTA--OREES--WEEH
Naguluhan naman ako, seryoso? Ano yan?
'Teka!' Napaisip naman ako bigla. 'merong tinatawag na layered code, which is maraming gagamitin na code para ma decode ang isang text.'
Naalala ko naman ang Isa sa pinakamadali na pwede kong gamitin, which is Caesar's box.
SLWRT--DUOHY--RFPTA--OREES--WEEH
I arrange it like a stack.
Stack form
S L W R T
D U O H Y
R F P T A
O R E E S
W E E HThen I read it from top to bottom.
So, I got this
SDROWLUFREWOPEERHTEHTYAS
Nagtaka naman ako ng di ko mabasa. Wala na akong ibang maisip na code para gamitin diyan.
Tiningnan ko ito ng maigi.
Napangiti ako ng mabasa kung ano yun.
Simple lang pala. Reverse code pala ang gagamitin.
So nireverse ko at nakuha ito
SAY THE THREE POWERFUL WORDS
I was about to raise my hand at sasabihin kay sir ang sagot ng mapagtanto ko na hindi yun ang isasagot. Which is may hidden message pa.
I read it again.
SAY THE THREE POWERFUL WORDS
Ano nga ba yung 3 powerful words daw?
Hmmm. Isip isip.
Wait, what?
I LOVE YOU ba ang sagot?
Namula naman ako sa naiisip.
I raised my right hand. "Sir!"
Ngumiti siya sa'kin kaya mas Lalo akong namula.
"As expected" he said. Wait, ineexpect niya ng ako ang makakuha ng sagot? "Say your answer loud, miss Mendoza"
"I LOVE YOU" I answered.
I heard my classmates gasped.
"I love you too." He seriously said while looking straightly to my eyes.
"P-Po?" Sheyyt! Hanu daw?
"You heard me"
" Oh pakening shit! Mahal din Kita ng sobra sobra sir crush!" I exclaimed. Yung puso ko! Hindi ako makapaniwalang nag I love you si sir sa'kin.
Umingay ang buong klase. Pero agad naman itong pinatahimik ni sir.
"Miss Mendoza, huwag ka munang maghallucinate dyan" Aray! Puta ka sir. I pouted.
"Since you decoded it in less than 3 minutes. What is your wish?" He asked.
"Ang mapasakin ka sir." Agad kong sagot. "Be mine."
Katahimikan ang namayani sa buong klase ng mga sandaling iyon, pero bigla naman itong umigay ng magsitilian and mga kaklase ko.
Lumapit si sir sa'kin. And he held my hands.
Abot langit naman ang ngiti ko. Gosh!
He looked at me as if I'm the most beautiful woman living in the universe.
Pinatahimik niya muna ang mga kaklase ko tsaka nagsalita. " Okay, honey. Ibibigay ko ang kahilingan mo pagmatapos na ako sa pagiging student teacher mo. I love you Kyra Mendoza." With that bumalik ang ingay sa loob ng klase.
"I love you too sir Glenn, my sir crush, my love of my life" then he kissed me on my forehead.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomThe following one shot stories you'll be reading was reposted from my Facebook account, Zyxey PENNE.