"Love" tawag ko sa atensyon ng boyfriend ko. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng malaking puno dito sa kagubatan habang yakap niya ako mula sa likod at ang sinag ng buwan lang ang tanging nagbibigay liwanag sa aming paligid. Napakaromantic ng lugar, samahan pa ng itinayo naming tent na wari ba'y bago kaming kasal dahil sa pagkakayos nito. "Hmmm?" Sagot niya. "What if--" hindi ko na natapos pa ang dapat kong itanong ng bigla niya itong putulin. "Ayan ka na naman sa kakawhat if mo" "Sornaman love oh, hindi ko lang kasi mapigilan na hindi maisip ang mga bagay na 'yon" bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at iniharap ako sa kanya. " Hindi ka ba nagsasawa love? Paulit ulit lang naman ang mga what ifs mo at paulit ulit din naman ang sagot ko. Mahal kita, okay? Tandaan mo 'yan." He cupped my chin at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. "Gusto ko lang kasi marinig ang sagot mo love, tingnan ko lang kung hindi ba 'yon magbabago, kung ganon pa rin ba ang sagot mo sa'kin mula noon hanggang ngayon at hanggang sa future" I pouted. "Of course love! Ganun pa rin yun, hinding hindi magbabago. Promise!" Then he pinched my cheeks at hinalikan ako sa labi. "Wag ka ngang ngumuso, you're teasing me, love" he added. "Okay, I'll hold on to that promise. I love you, love" I said. "I love you too, love. Gusto mo bang marinig ulit yung sagot ko, love?" " Sigee! I loved to hear it again!" I happily exclaimed. Napatawa naman ito sa'kin sabay pisil sa ilong ko. "Shhh love. Wag kang maingay, nasa gubat tayo." "Oo na, sige na. Iparinig mo na ulit sa'kin ang sagot mo." Excited kong bulong. "Okay heto na. What if, babalik si Mika and will ask me for a comeback? What if may iba pa lang dahilan si Mika kaya niya ako iniwan? What if Mika still loves me and will do her best just to make me fell inlove again with her? What if siya pala talaga ang nakatadhana sa'kin? And what if babalik ang pagmamahal ko for Mika? So, your what ifs are all about my ex huh, love?" He laughed. Napanguso na lang ako ulit. "Dali na, sagutin mo na" "Unang una, Mika, my ex was all in the past. I already moved on from her. It's been 4 years kaya limot ko na siya. Second, if ever na makipagbalikan siya sa'kin saying that she still loves me and that may malalim siyang reason para iwan ako, I will never accept her again. Although, napatawad ko na siya hindi pa rin nun mababago ang katotohanang ikaw na ang mahal ko at mamahalin pa hanggang sa pagtanda." Abot langit ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon. "Lastly, tayo ang gumagawa ng tadhana para sa ating sarili. Mahal kita at mahal mo'ko, yan ang panghahawakan nating dalawa. Tadhana? Gabay lang yan sa pagmamahalan nating dalawa. Wala ng makakapigil pa sa'tin. Ikaw lang ang mahal ko at hindi na iyon mababago pa, magunaw man ang mundo" Labis ang tuwa ko sa narinig kaya't napayakap tuloy ako sa kanya. "Love naman, pinapakilig mo naman ako e, enebe hihi" Pabebe kong saad at kumalas na sa pagkakayakap. "You asked me that" he chuckled and I giggled. He look straightly into my eyes and moved closer and kissed me passionately so I kissed him back.
------
Napangiti ako ng mapakla ng maalala ang pangyayaring iyon na ngayon ay hanggang ala-ala na lang. "You may now kiss the bride." Pagkarinig ko sa sinabi ng pari ay mas lalong sumikip ang aking dibdib. His kiss. I missed his kisses, I miss how he kiss me, I miss how he touched me, I miss how he look at me and I miss his love for me.
Kasabay ng paghalik ng mahal ko sa babaeng kasama niya sa altar ang siyang pagtulo ng luha ko na kanina pang namumuo sa mga mata ko at ang pagtakbo ko palabas ng simbahan. Wala na akong pake sa mga tao na maaring makakita sa akin. Ang sakit lang kasi. Sobrang sakit at hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak.His promises were all lies. Akala ko totoo na pagbumalik ang ex niya ay hindi na sila magkakabalikan pa. But look, they are happily married now. And here I am stuck and can't get over from the past. I'm still holding his promise back then.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomThe following one shot stories you'll be reading was reposted from my Facebook account, Zyxey PENNE.