Nakita ko yung babaeng dahilan ng paghihiwalay namin ng ex boyfriend ko, ang babaeng inahas ako, ang babaeng nagnakaw ng mahal ko, na muntik ng tuklawin ng ahas mula sa kanyang likuran.
Agad ko siyang tinulak palayo at binato ng maliliit na bato ang ahas para lumayo.
Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal ng malakas. "Putangina mo Sarah! Tumitira ka pala patalikod hayop ka!" Sigaw niya sa mismong mukha ko at sinampal pa ulit ako ng malakas.
Sinapo ko ang mukha kong nasampal at tiningnan siya ng nakangiti. "Ang hilig mong mangbintang, kung sa ating dalawa ay ikaw naman itong patalikod kung tumira."
*hisssh hissssh*
Hinila ko siya papunta sa likod ko ng makita kong nasa likuran na naman niya ang ahas kanina.
Inayos ko ang kamay ko at hinanda ang sarili para dakpin ang ahas mula sa ulo nito na nagawa ko naman ng walang kahirap hirap. Maliit lang ang ahas pero nakakamatay ito pag nagawa niyang tuklawin ang isang tao.
Maingat kong hinawakan ang ahas at iniharap sa babaeng maihahalintulad ko rin sa ahas. Natakot naman siya sa ginawa ko.
"I-Ilayo mo yan sa akin!" Sigaw niya habang umaatras.
Paabante naman akong lumapit sa kanya. "Nakikita mo ba itong hawak ko? Maihahalintulad kita sa ahas na 'to, Macy. Gusto ko sanang matuklaw ka rin ng kauri mo, pero ayaw ko rin namang mangyari yun. Kung ikaw at ang ahas na ito ay nanunuklaw, ako naman tumutulong at nagpaparaya. Tinulungan kita ng muntik kang matuklaw kanina, pero sinampal mo pa ako, tinulungan ulit kita kahit nararapat naman sa'yo ang matuklaw ng ahas na ito kasi I don't want to change my nature just because you did some terrible things to me earlier and in the past. You're lucky enough, Macy. You are venomous, but this snake is more venomous so be careful." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na akong umalis. I'll let this snake live just like what I did to Macy.
*
Even though they harmed you, you don't need to harm them too. Do not lose your good heart, but learn to take precautions.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomThe following one shot stories you'll be reading was reposted from my Facebook account, Zyxey PENNE.