"Bud!" Tawag ko sa kaibigan kong si Danica."Hmm?"
"Kita mo yun?" Turo ko sa lalaking nakaupo sa kabila. 3 tables away from ours.
Tiningnan niya naman ito. "Hmm yeah. Why?"
"Ang gwapo niya, noh? Ang kyut niya sumubo ng hotdog." Usal ko habang nakatingin pa rin dun sa lalaki. I don't know him. Pero base sa badge na nasa unipormeng suot niya, STEM student siya, while kami ABM.
Danica looked at me with disgust.
"Eh? What's with that look?" I asked.
"Srsly Mira Cley? Ano nga ulit ang huli mong sinabi about that guy?" She asked still wearing that kind of look.
"Huh? You mean, that he's handsome?"
"After that one."
"Err. Yun bang, ang cute niyang sumubo ng hotdog?"
"Pfft" pagpipigil na tawa nito. "So slow! Uulitin mo nga ang sinabi mo at isipin mo ng mabuti kung bakit ako natatawa."
"Ang cute niyang sumubo ng hotdog" nag-isip naman ako. 'Sumubo ng hotdog'. 'Subo?' 'hotdog?' 'Sinubo ni crush ang hotdog?' 'yung hotdog is yung ano?' "NGINAUGH HAHAHAHAHAHAHA" Napatawa naman ako after kong marealize yun. Napatingin tuloy ang lahat ng nasa cafeteria sa'kin.
"Pfft. Mira. Nakakahiya ka, pinagtitinginan na tayo oh."
"Ikaw kasi eee" napayuko naman ako at tumahimik.
-----
Nag-iisa ako ngayon dito sa library, wala kasi si Dan.
Nagbabasa ako ng libro ng biglang may nagsalita sa harap ko.
"Hi, Mira Cley G. Laparan, right?" Napaangat naman ako ng tingin.
Nagulat ako ng makitang si crush ng STEM pala ang kumakausap sa'kin.
"Ah eh, oo. B-Bakit?" Sheyt Mira, umayos ka. Mapaghahalataan ka.
"Can I sit here? With you." Nahihiya niyang tanong habang kamot kamot ang batok, sabay turo sa harap kong upuan.
"O-oo naman." Ngiti ko ng malapad. Sheyyt! Ipinaglalapit na kami ng tadhana.
Naupo naman siya agad.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko, nahihiya kasi akong kausapin siya.
Few minutes passed, naiilang na ako. Feeling ko kasi nakatingin lang siya sa'kin the whole time. Kaya napagdesisyonan kong iangat ang paningin ko. And I was right. He was looking at me.
"B-Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Naconscious tuloy ako sa hitsura ko.
"Wala. Ano kasi, uhmm ang sarap mo pala titigan sa malapitan." Sabi niya sa'kin atsaka yumuko para takpan ang mukha.
Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niyang 'yon.
"Eeh?" Nasabi ko na lang. Nahihiya din kasi ako e. This is the first time na may nagsabi sa'kin ng ganyan.
Inangat niya naman uli ang tingin niya, saka ako tiningnan ng diretso sa mata. "Mira, alam kong masyado akong mabilis. Pero, ayokong sayangin ang oras, baka kasi maunahan ako ng iba. So, I want you to know na, nung una pa lang kitang nakita, nabihag mo na agad ang puso ko. Nung nasa cafeteria tayo last time, alam kong nakatingin ka sa'kin nun at mas lalo kitang nagustuhan ng marinig ko ang tawa mo. Napakaganda nito sa pandinig ko na wari ba'y isang musika. So Mira, can I court you? Ah no, I'm going to court you wether you like it or not." Mahabang litanya niya. Napatawa naman ako dahil doon.
"What's funny?" He asked.
"I--I just find you cute." Pag-amin ko.
"So you also have a crush on me, huh?" He teased me.
"Nah uh!" Binaling ko ang paningin ko.
Hinawakan niya naman ang mukha ko at iniharap sa kanya. Kaya pinikit ko ang mata ko.
"Look at me" he commanded.
"Ayaw"
"You open your eyes or I'm going to kiss you?"
Agad ko namang binuksan ang mga mata ko. No way! Kahit crush ko pa siya ayoko ko pang halikan niya ako noh! Gusto ko pag-kami na tsaka ko ibibigay ang unang halik ko sa kanya.
"Pfft. I love you." He said, Kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso kong kanina pa nagwawala.
"I can wait." Sabi niya pa.
---
Simula nun, lagi na kaming magkasamang tatlo nina Danica. Naging close na rin sila ng kaibigan ko, kaya minsan nagseselos ako pero hindi ko naman pinapahalata yun.
He showed his love for me naman e. And he care for me a lot.
It's been a month na rin simula ng nanligaw siya sa'kin. Kaya napag-isipan kong sagutin na rin siya. Afterall, minahal ko na siya sa loob lang ng isang buwan na 'yun.
Today is the day. I texted him na magkita kami sa rooftop ng building ng SHS. But, I didn't received any text messages from him.
Kahit ganun, nagpunta na lang akong rooftop.
Pagkarating ko ng rooftop, hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Danica, my friend is with Kleo, ang crush ko na manliligaw ko rin at the same time minamahal ko.
"Danica? Kleo?" Pag-eentra ko sa masayang moment nilang dalawa.
May lunch date pala sila dito? Hindi ako na-inform ah.
Binasa ko naman ang mga nakasulat sa balloons.
'Danica, my life. Can I court you?'
'you are my everything'
'I really love you, Danica'
Mukhang pinaghandaan talaga e noh. May lunch table din silang dalawa na puno ng pagkain. Napakaganda ng set-up. Pinaganda talaga ang lugar.
Binalik ko ang tingin sa kanilang dalawa na halatang gulat na gulat.
"Oh hi" bati ko. "Di niyo man lang ako ininvite ah.
"M-Mira, I--I can explain" Danica said.
"No, my life. Ako ang mag-eexplain." Lumapit si Kleo sa'kin.
"Mira, they were all lies. I lied to you from the very beginning." Panimula niya.
Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Is he kidding me? Gusto kong magwala pero I composed myself not to. Tiningnan ko siya sa mga mata niya hoping na babawiin niya ang sinabi niya.
"I'm sorry, hindi talaga ikaw ang gusto ko. Yung sinabi ko sa'yo sa library? Para kay Danica lahat ng 'yon. I just used you para mapalapit sa kanya and nagawa ko naman ng walang kahirap hirap." Pagpapatuloy niya.
I left out of words. Ang sakit pala. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko, pero kingina lang tumulo pa rin ito.
"K-Kaya pala, kaya pala nung mapalapit kayo sa isa't isa nawala na ang sweetness mo sa'kin. B-Bakit? Bakit kailangan mo pa akong gamitin? Bakit kailangan mo pa akong saktan? Bakit hindi mo nalang sinabi nung una palang?" Wala na. Umiyak na ako sa harap niya. "Sana naman ininform niyo ako noh? Para naman mapaghandaan ko ang araw na'to. Ang sakit kasi e. You both betrayed me. I love you, at mahal ko rin ang kaibigan ko pero ginago niyo ako."
"I'm so sorry Mira" ang kapal ng mukhang humingi ng tawad ah.
"No. You don't feel sorry at all." Napailing iling ako. Tama naman ako e. "Plinano mo kasi lahat umpisa pa lang." Umatras ako ng ilang hakbang. "Sana naman huwag mong saktan ang kaibigan ko noh, masakit kasi eh. Masakit umasang totoo yang mga sinasabi mo pero kasinungalingan lang pala. Ingatan mo sana yang kaibigan ko. She's so precious to me kahit na niloko niyo ko pareho." With that, tuluyan ko na silang tinalikuran.
Walang pakundangan sa pagtulo ng mga luha ko. Napaupo tuloy ako sa hagdan dahil sa sakit na nadarama ko dahil sa panggagamit bg Kleo na yun para mapalapit sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomThe following one shot stories you'll be reading was reposted from my Facebook account, Zyxey PENNE.