"Kuyaaaa!" Sigaw ko kay kuya mula sa hagdan pababa. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
"Ano?" Baling niya sa akin.
Agad akong lumapit sa kanya at tumabi. "Kasi kuyaaaa, si ano, si Carloooo! Kayaaaaa! Umamin siyang gusto niya daw ako at matagal naaa!" Patili kong sabi Kay kuya. Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Pero napalitan naman agad ito ng simpleng ngiti. "That's great, gusto ka rin ng crush mo," sabi niya. "Tapos kuya he asked me kung pwede niya ba raw akong ligawan, then I said yes, aarte pa ba ako, eh pareho din naman kaming gusto ang isa't isa." Masayang kwento ko pa rito. He's my only brother. Kaya sa kanya ko lahat sinasabi ang mga gusto kong i-share, wala rin kasi akong kaibigan e.
I saw he clenched his fist. "Bakit ka pumayag na magpaligaw agad? Dapat nagpaalam ka muna sa akin." sabi nito habang tinitingnan ako ng diretso.
"Gusto ko rin kasi siya kuyaaa" Sabi ko na nakanguso pa.
"Kahit na! Hindi siya makakabuti sayo, wag mo sagutin yan. Dump him." he said at agad na tumayo. "P-Pero ku--" di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil agad na siyang umalis.
Eh? What's with him? Bahala nga siya dyan, kung hindi ko lang siya kapatid iisipin ko na may gusto siya sa akin.
Kasalukuyan akong nakikipag-usap kay Carlo dito sa sala namin, aamin na kasi akong gusto ko rin siya at matagal na. Balak ko na nga rin na sagutin ko siya e. Katulad ng sinabi ko noon Kay kuya, papatagalin ko pa ba, eh pareho naman namin gusto ang isa't isa.
"Carlo" panimula ko.
"Yes baby?" sagot niya at hinawakan ang magkabila kong kamay. Simula nung niligawan niya ako ay tinatawag niya na ako ng 'Baby'.
"Ano... uhmm sinasag---" naputol ang dapat kong sabihin ng biglang may humila sa akin at dinala ako papuntang kwarto ko. He locked the door at agad akong tinulak sa kama ko.Gulat na gulat ako ng biglang lumapit si kuya sa akin sa kama. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at tumitig sa mga labi ko.
"K-Kuya, w-what are you doing?" I asked him nervously.
Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. And now isang inch na lang ang layo namin sa isa't isa.
Kinakabahan ako sa maaring gawin ni kuya. Will he kiss me? I gulped for the thought that he will kiss me. 'No! He can't do that! He's my brother!' sigaw ko sa isip ko.
"Diba sabi ko sayo, wag mo siyang sasagutin? Pero sasagutin mo na pala siya kanina." Sabi nito na seryosong nakatingin sa mga mata ko. Nakakatakot si kuya. Pero hindi nakatakas sa akin ang mabangong hininga niya.
"Pe-Pero kuya, I like him too. Anong mali sa pagsagot ko sa kanya?" I asked. Nag-iba na naman ang aura niya at mas tumalim ang tingin nito sa akin.
He touched my hair at sinapo sapo ito. "Anong mali don?" Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. "It's because I like him too." he said and left me dumbfounded.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomThe following one shot stories you'll be reading was reposted from my Facebook account, Zyxey PENNE.