2

100 5 8
                                    

"Wala bang suspension ng klase?" Gusto ko talagang matulog maghapon. Feeling ko lalagnatin ako dahil nabasa kami ng ulan ni Cielo habang naglalakad kahapon.

"Hindi ko 'rin alam--- pero, baha na raw sa mga kalye. Sana marinig ni Yorme ang mga dasal natin. Hindi ko pa tapos basahin yung reading assignment natin!" Nitong mga nakaraang araw, masyado kaming maraming ginagawa dagdag pa iyong mga pinapagawa ng mga minor subjects. Hindi ko alam kung accounting pa ba ang major naming o social sciences na.

Ilang minuto ang lumipas, nag-announce na rin si Yorme ng class suspension samantalang mas sumama naman ang pakiramdam ko.

May quiz kami ngayon at niligtas kami ni Yorme. Iniisip ko palang ang gagawin ko, napapagod na ako.

Nagpahinga muna ako bago ako nag-aral ng mga lessons. Nang maglunch kami, nagpaalam si Cielo na bibili ng gamot ko dahil s'ya raw ang nahihirapan sa akin.

"Alam mo, kailangan mo nang magkajowa! My goodness! Para naman may nag-aalaga sa'yo kapag may sakit ka! Girl, two years na tayong magkasama ni kaibigang lalaki wala ka ata!" Kanina pa s'ya naglilitanya at paulit-ulit na sinasabing maghanap na raw ako ng manliligaw pero kahit ako alam ko sa sarili ko na wala akong time para doon.

"Wala akong time. Breakdowns ko nga nakaoras kasi limited lang time ko, magentertain pa kaya ng lalaki sa buhay?"

True enough, palaging nakaoras ang pag-iyak ko. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko sa walang kabuluhang bagay at kung magjojowa man ako, kailangan alam n'ya at naiintindihan n'ya ang priority ko.

Demanding sa oras ang course ko. Hindi rin stable ang emotions ko kaya usually umiiyak nalang ako sa frustration kasi nahihirapan talaga ako. Gusto ko na ngang magconsult sa Psychologist, kaya lang, natatakot ako.

Pagkatapos ng araw na iyon, nagresume na ang klase and mas madalas ko nang makita yung lalaki sa library. Palagi ko ring nakakalimutan itanong ang pangalan n'ya. Masyado kasing seryoso yung aura n'ya, parang matanda na s'yang kausap. Exactly my type pero, malabo. Nakita ko yung post ng org namin, nanalo pala s'ya sa midyear convention! Tax Cup at Audit Cup! Asa naman ako, hindi ba! Aside from that, I've learned na isa s'ya sa mga CPALE bet ng school namin!

"Sino ang tinitignan mo?" Lumapit si Cielo sa akin at inayos na ang gamit n'ya. Hindi ko pa rin pala nakukwento sa kanya ang tungkol 'dun kay kuya quizzer!

"Wala. Tara sa NBS may bibilhin ako." She immediately fixed her things and nauna pang lumabas sa akin!

"Daan din tayo sa Jabee ha? Gusto ko ng chicken joy 'coz I'm sad!" Dagdag n'ya at excited naman s'yang naglakad papunta sa lobby ng school. Mahilig talaga itong gumala, magliwaliw, at maglaro ng games sa phone pero matalino naman s'ya at mataas pa ang grades n'ya!

"D'yan ka muna. Punta lang akong Watson" Kulang na siguro ang pang-skin care ng babaeng ito kaya dumalaw na naman sa Watson para magwaldas. Pagkapasok ko, inisip ko muna kung anong bibilhin ko kasi wala naman talaga akong bibilhin. But then again, naalala ko na kailangan kong bumili ng libro. I was busy looking for book to buy when someone handed me a book.

"Rich Dad, Poor Dad by Robert Kiyosaki, you must try this." It was him again! Dito ko lang pala s'ya makikita!

"You think so?" I asked kasi ngayon ko lang naman narinig yung book title although familiar na sa akin ang author.

"Of course. I've learned a lot in this book! Dumating nga sa point na ayaw ko nang mag-aral at magbusiness nalang e." He added while showing off his awkward smile. Gosh, crush ko na ba ito? Bakit parang attached na ako masyado! I don't even know his name!

"Okay then. I will read this since malapit na rin ang sembreak!" I responded and pumunta na sa counter at bumili na rin ng mechanical pencil para hindi obvious na I was just trying my luck to see him!

ACCOUNTANCY SERIES #1 - CHASE YOU NEVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon