8

41 0 2
                                    


"Hindi ka pa ba tapos dyan, Cleir? Marami ka pang ii-stapler dito" Pinatong naman ng senior employee ang isang kahon ng papel. Puro papeles. Wala ata akong ibang ginawa sa internship ko kundi ang bumili ng kape, magstapler, mag-ayos ng mga nakakalat na papel, at paghiwa-hiwalayin ang mga dokumento ng mga kliyente.

Pero minulat naman ako nito sa mga katotohanang hindi maitatanggi. Nakita ko kung paano magabot ng lagay iyong negosyanteng naka sports car sa guard para mapabilis ang proseso ng kanyang papeles. Nakita ko rin kung paano itrato ng mga empleyado 'yung mga may kaya, yung mga desenteng tignan, na mas pipiliin nilang unahin ang mga iyon kaysa sa matandang kanina pa naghihintay para mapagsilbihan.

Napaisip ako, bakit mas pinipili nalang nilang magbulag-bulagan?

Money is the standard of living-- and having none tantamounts to being paralyzed.

Ganoon naman ang tao, hindi ba?

Itatrato ka nila depende sa pakinabang mo.

I felt bad para sa mga underprivileged.

Hindi nila deserve itrato na para bang mga pulubing nanlilimos ng pang-unawa .

"Ineng, saan banda pwedeng ipasa ang mga papeles na ito? Ang sabi sa akin doon sa munisipyo, pumunta raw ako dito. Kamamatay lang kasi ng asawa ko, hindi nama sinabi sa akin para sa saan itong mga ito." Ngumiti ng bahagya ang matanda at iniabot n'ya sa akin ang folder na may lamang dokumento. Mga benebisyo para sa namayapa n'yang asawa.

"Naku, Lola, para po ito sa mga benepisyon tatanggapin n'yo ng mga naulila ng asawa n'yo." Dinala ko naman s'ya doon sa counter. Kanina pa pala s'ya nandito at hindi man lang pinansin ng mga pinagtatanongan n'ya. Napakamakasarili. I explained to her everything she has to know about death benefits.

Sinamahan ko s'yang asikasuhin ang mga papeles n'ya. Hindi ko s'ya iniwan hanggat hindi ko nasisiguradong okay na ang lahat. Ang sarap palang tumulong.

"Siguro sa Government Sector mo gusting magtrabaho pag CPA kana" Lumingon ako kay Lia na kumakain ng burger.

"Hindi rin. Gusto ko talaga sa BIG 4 Firms." Nagkibit balikat naman s'ya habang kumain ulit.

"Hindi ba pasado na yung jowa mo sa CPALE? Topnotcher pa nga e" Napangiti ako. Last month, lumabas na yung result at nalaman namin na Top 2 s'ya. Given naman na iyon dahil matalino talaga s'ya at masipag mag-aral. Sobrang saya ko para sa kanya noon kaya lang, naging busy na rin s'ya sa trabaho n'ya.

"Oo, kaya nga nakakapressure mag-aral e. Yung boyfriend ko Topnotcher, samantalang ako, saktong naaabot lang ang maintaining grade namin" Ilang beses na akong muntik magretake ng subjects dahil bumabagsak ako madalas sa mga quizzes pero buti nalang nandyan s'ya para tulungan ako. Pinapadali n'ya yung mga mahihirap na topic, lalo na ang AFAR na kinamumuhian ko. Sobrang pinadali n'ya.

"Balita ko ang bongga ng party n'ya sa BGC ah? Star-studded at puro highprofile ang mga bisita" Hindi ako kumibo. Ang alam ko lang kasi simpleng salo-salo lang sa bahay nila,

"Ha?"

"Sis, Hindi ka nanunuod ng balita? Nandun ang pangalan n'ya! Nandun lahat ng detalye! In fact, nandun din yung tatay n'ya."

"Ha?"

"Sis, girlfriend ka ba talaga?" Nagdoubt na rin ako sa sarili ko. Jowa ba talaga ako?

Sa sobrang linient ko bas a kanya ay nate-take for granted nalang ako? Ugh, Cleir, wag mag-isip ng ganyan. Iba siya. Iba si Austin. Exemption ako sa buhay n'ya. Siya naman ang general rule ko. Hindi ko alam bakit hindi s'ya nagsasabi sa akin pero may tiwala ako sa kanya.

ACCOUNTANCY SERIES #1 - CHASE YOU NEVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon