10

46 1 0
                                    


"Cleir, pa-vouch naman ito." Pinatong ng senior auditor ko ang mga source documents at ledgers sa harap ko. Hindi pa ako tapos sa tine-trace ko ay may bago na namang iva-vouch! Nakakailang linggo palang ako dito sa audit firm pero pakiramdam ko tumanda na ako ng sampung taon.

Ibang-iba ang mga nangyayari sa real life kaysa sa mga nababasa ko sa libro! Masyado pala talagang idealistic ang mga audit books! Akala mo naman talaga nasusunod ang mga audit procedures sa totoong buhay. Duh, noong minsan nga nauna pa ang audit planning kaysa saacceptance of engagement e.

Mabuti nalang mabait ang senior auditor namin na si Miss Lei. Napaka patient n'yang magturo sa mga katulad kong newly hired sa kumpanya. Hindi pa naman n'ya ako pinagalitan ng malala.

Nagagalit na rin ang lola sa akin dahil palagi nalang daw akong nag-oovertime to the point na halos sa office na ako tumira at kung maaga mang uuwi, nagtatrabaho pa rin ako sa bahay.

Wala naman akong ibang magagawa kasi gusto ko talagang maging efficient na accountant.

"Cleir, alis tayo bukas, punta tayong Tagaytay, fieldwork." Tumango nalang ako at tinapos na ang mga ginagawa ko dahil sigurado ako bukas, madadagdagan na naman ito.

____

"Bakit nandito ka?" Gulat kong tanong nang Makita ko si Art habang naglalakad papasok sa loob ng building na io-audit namin. Akala ko kasi nasa Davao s'ya hanggang ngayon!

"Malamang, dito ako nagtatrabaho." Hawak-hawak n'ya ang kanyang safety hat at may ilang nakablueprint ding hawak. Nakasuot s'ya ng navy blue na polo folded hanggang siko n'ya. He'also wearing his safety shoes. Galing ata sa site para mag-inspection.

"Akala ko nasa Davao ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Kinukulit ko parin s'ya dahil ayaw n'yang sabihin bakit maaga s'yang umuwi.

"May susunduin kasi ako mam+aya sa Airport. Gusto mong sumama?"

Of course, pumayag ako. Ang tagal ko na 'rin kasing hindi nakakapagsaya. It's been ages since I went out for a drink or even had a good time.

Two years ago was too much for me to handle.

I lost my mom.

Two days after learning the news about her accident, her body gave up.

She's also pregnant that time.

My dad got was found guilty on his criminal charges and is now behind bars with my stepmom.

Up to now, I haven't spoken to them.

Sobrang nadisappoint lang ako sa kanila kasi all my life, sila iyong iniidolo ko tapos bigla, manloloko lang pala ng mga taong nagtatrabaho ng mabuti at gagawa pa ng illegal.

Also, I learned that my stepmom is the commissioner's ex wife. Kaya pala galit nag alit sa akin ang tatay ni Austin without me doing anything.

Austin married Cielo whom I thought his cousin and my bestfriend.

I graduate later than planned because I really lost track.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nahospital dahil sa depression. Kinailangan ko pang magconsult sa Psychologist at umattend ng sessions for me to cope up with my anxiety.

Hindi ko alam noon kung paano ako magsisimula ulit kasi pakiramdam ko, lump-sum na binigay ang pain sa akin, hindi man lang ginawang installment.

Lola was the only one who kept me going.

Also, si Art din, hindi ako iniwan at ang kapatid ko.

So, I fought hard. Then, I graduated and passed the CPALE.

I was the happiest that time.

Delayed gratification talaga kapag may pangarap ka. The longer you wait, the more it becomes precious kapag napasayo na..

Lahat naman nagwork.

"Clark!" I mmediately run towards my brother na tumatakbo papalapit sa akin.

"Surprise, ate!" Masayang sabi n'ya at nakuha pang makipag-apir kay Arc na inaayos ngayon ang mga bagahe n'ya.

"Bakit mag-isa ka pala? Buti pinayagan ka ni Tito Sam?" My goodness! He's only 13! Bakit naman nila hinayaan ang kapatid kong magbyahe mag-isa?

"Hmmm, chill ka lang, ate. I can manage since we used to travel a lot when mom was still alive. Dad is out somewhere. He is still healing his heart since we lost mom. And by the way, I found this on mom's things, this is yours I guess." I looked at him and kinuha ko ang envelope na binigay n'ya.

"Saan mo gustong kumain, Clark?" Inakbayan naman s'ya ni Arc at hinila palabas ng airport.

----

"Kuya, why don't you court my ate? She's pretty naman and also single. She's just a bit grumpy sometimes but I think you can handle her naman." Tinitignan lang ako ni Clark habang ine-enjoy ang chicken joy n'ya. I thought gusto n'ya ng mga Italian food since galling din s'ya sa Italy but to my surprise, gusto raw n'ya ng yum burger at chicken joy.

"Drop it, Clark. You're only 13." Sinubukan ko s'ya patahimikin pero ayaw n'ya talaga. Number one fan ata ito ni Arc. Hindi ko rin alam na uuwi s'ya ngayon kasi sobrang busy ko this past few days.

"Kuya Arc, you're an Engineer right? Why don't you design ways to make ate fall in love with you?" Gusto ko nang i-stapler ang bibig ng kapatid ko. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig n'ya --- hindi na ako natutuwa, lintik.

"I can't love someone who's not yet finished loving someone else." He looked at me. His stares are piercing through my soul.

"Excuse me lang ha? Tapos na kaya ako doon." I rolled my eyes. I confidently ate my food kahit na inaasar pa rin ako ng kapatid ko.

"If so, will you give me a chance?"

ACCOUNTANCY SERIES #1 - CHASE YOU NEVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon