Stiffany’s POV
Napaka talaga ng lalakeng yun, sukat akalain mu ba namang napaka epal sa buhay ko. Imbis magpapalit lang dapat ako ng sapatos eh. Ang sakit na ng paa ko sa takong ko. kung pwede lang mag rubber shoes na lang eh!
Aish! Yung lalaking yun! Masyadong papansin. Sundan pa talaga ako hanggang dito. Badtrip! At isa pa tong pinsan kong bwisit!! =_=
Sabihan ba naman ang lalaking yun ng “I heard a lot about you from Stiff!” nyeta! Ano nalang iisipin nung tao? Baka isipin pa nun na type ko siya! ASA!
Pagkasara ko ng pinto, dumiretso agad ako sa kinaroroonan ni kuya Dym .Bumalik kasi sila kanina sa kanya-kanya nilang workstation habang kausap ko ang Randel na yun.That guy with so much hangin in his head! Napaka yabang! Grrrr!! Nakaka badvibes ang presensiya niya.
“Oh Stiff pwede nang pagsabitan ng kaldero yang nguso mo sa sobrang haba” Hahaha..ano bang pinuputok ng butchi mo dyan ha? Tatawa tawa niyang tanong sakin habang nagtatype sa laptop niya.
“ikaw!! Bakit mo sinabi yon ha! Nabatukan ko tuloy siya ng wala sa oras..buti nga.. hinimas niya lang yung ulo nyang binatukan ko habang tumatawa..
Pareho kayo! napakayabang! Kung umasta at magsalita, kala mo napaka gwapo, dinaig pa si Junpyo”!! di naman kagwapuhan. Mga feelingero!! Naka-pout na ako sa sobrang pagkabanas..pero siya tatawa-tawa lang.. ang hayup! Lage nalang siyang ganyan!
Haha “baka naman type mo kaya ka naiinis”??
“Hell no!kuya! Hindi ko siya type no! hindi siya ang tipo ng lalaking magugustuhan ko. Hinding hindi ko siya magugustuhan. Never”!.full of confidence kong sagot. Totoo naman eh,never ko siyang magugustuhan kasi mayabang siya at puro pagpapacute sa babae ang alam niyang gawin. Tsk! Ang type kong guy ay yung gentlemen, sweet, humble at hindi babaero. For sure, womanizer ang Kim Randel nay un noh.
Ok payn, may itsura si Randel, ok sige na. oo na aaminin ko na, gwapo siya pero mygad! Hindi kotype ang kahanginan niya. Nakakaimbyerna!
“Talaga? Mahirap magsalita ng patapos Insan ..Never say Never . Baka kainin mo ULIT yang sinabi mo” hahaha..
Over-emphasize sa word na Ulit!..tsk
Dahil sa sinabi niyang yun, bigla akong namula dahil may naalala ako at alam kong yun ang tinutukoy niya.
Flashback
Nasa bench ako malapit sa building namin ng lumapit sakin si kuya Dym. Bakit kaya ako nilapitan ng lalaking to? Lumalapit lang kasi sakin to pag umuutang eh. Tsk palibhasa gastador kasi, puro gimik ang alam gawin.
“Uutang kana naman ba??Wala akong pera”.bungad kong tanong sakanya..
Hahaha “ikaw talaga insan, napaka judgemental mo kahit kailan..Yayayain sana kasi kita”.sabay akbay niya sakin..
Ay oo nga pala pinsan ko si Kuya Dymitri, Dym for short. Ahead siya sakin ng dalawang taon. 1st year ako at siya naman ay 3rd year na. Magpinsan kami pero mas madalas kaming mapagkamalang magjowa. Eiwww!! Pakamatay nalang ako kesa maging jowa ang estapador na to.
“Stiff!! Join ka sa Pub!?” Nakahawak siya sa magkabila kong balikat habang ang luwag luwag ng ngiti niya. Hindi ko alam kung tanong ba yun o utos na hindi ko pwedeng hindi sundin.
BINABASA MO ANG
Taming Stiffany Co
HumorPeople come, people go! That’s how they exist, and I am sick used of it! No fibre in my body bothers to care, you know why? Because I was once, No! Scratch that! I am (not I was) a multiple victim of FAMILY, FRIENDSHIP, LOVE and TRUST! I have met a...