Chapter 11: Spending the Night With Him

23 0 0
                                    

Randel’s POV

10pm na at andito kami ngayon ni Stiff sa kwarto niya. Alam niyo kung bakit? Kasi nasa kwarto niya ang desktop na gagamitin namin para sa  pag- encode ng report. Buti na nga lang may wifi siya kaya libre ang surf sa net. Di kami mahihirapan mag search ng mga images na gagamitin. Nung una, ayaw niyang doon kami gumawa dahil daw baka manyakin ko siya. Oh well, sabihin na nating oo, nakakatempt siya dahil maganda siya, pero may respeto ako sakanya. Saka amasona to, konting hawak lang saknya, para nang tigreng lumalapa.

Napatingin ako sa gawi niya habang busyng busy siya sa pagtatype sa keyboard. Mas mabilis kasi siya magtype kaya ako ang ginawa niyang taga dictate. Minsan minamali ko yung dinidictate ko saknya pero alam niya agad pag ginagawa ko yun. Hahaha

Taena! Gusto kong papuntahin lahat ng groupmates namin dito para hindi lang kami ang napupuyat kaso alam ko namang mantitrip lang sila kaya wag na lang. at saka lowbat pala ang cellphone ko. Tsk!

 Alam ko namang walang gagawa nitong report na to kundi kami eh ..hahaha oo na!hindi naman talaga yun ang rason . gusto ko lang siyang makasama kaya kahit anong tulak niya sakin, hindi ako umaalis.

Kaso, Ang awkward kasi ng report na ginagawa namin. Female at male reproductive System! Tapos babae at lalaki pa kami na nasa iisang kwarto! Tapos gabi pa at malamig dahil sa aircon! The weather is inviting! Erase..erase! Wag ngayon! Makisama kang utak ka. Tukso lumayo ka!

Hindi dapat ganyan ang iniisip mo Kim Randel Uy! Kastigo ko sa sarili ko. Out of nowhere, naisip ko bigla kung bakit sa maghapong pag stay ko dito eh, wala man lang akong ibang taong nakita?

Stiff, wala kaba talagang kasama dito? As in mag-isa mo lang?” Pansin ko kasing simula kaninang umaga, wala siyang kasama. Wala ba siyang kapatid man lang? papanindigan ba talaga niya ang pagiging  loner?. Pati sa bahay nila mag-isa niya. Pwede naman silang mag hire ng katulong, afford naman nila ah. Saka ang laki-laki ng bahay na to, tapos mag-isa niya lang nakatira dito?

Wala siyang imik. Buti na lang mana ako kay mama, madaldal (kay stiff lang ako nagiging madaldal. Hellow! Turn off kaya yun sa mga girls.) . dito naman kasi kay Stiff, pag di ka mag eeffort kausapin, wala kang makukuhang kahit K man lang na sagot. Mapapanis ang laway niyo pareho. Tsk!

wala ka bang kapatid? Masaya kayang may mga kapatid. Ako I have 5 sisters, dami naming noh? Hehe..only boy ako sa aming magkakapatid. Pangalawa ako sa bunso. 3 years old lang yung bunso naming  si Irah

Tinatanong ko ba?” ay tengene! Ang ganda ng sagot niya.

Akala ko kasi gusto mong malaman, para atleast pag pinakilala na kita sakanila, may ide-------”

Aray! Ko naman Stiff”! Napahimas ako sa ulo ko. Tama ba namang ipukpok niya sakin yung librong hawak ko. Hindi pa nga ako masyadong nakarecover sa flying pasong tumama sakin, may natikman na naman akong pambabatok..

Pwede bang itikom mo yang bibig mu! Ang daldal mo masyado eh. !”

Taming  Stiffany CoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon