Chapter 8: The Official Suitor daw??

19 0 0
                                    

A/N

Thank you again for reading this story. I hope you're having fun guys. So here's the update na :)

Chapter 8: The Official Suitor daw??

Randel’s POV

“Anong sabi mo Stiff, nililigawan ka neto”?? tinuro niya ako pero nakatingin siya kay Stiffany. Bigla akong kinabahan ng makilala ko kung sino siya..siya yung sumundo kay stiff sa gate at siya rin yung umakbay sakanya kahapon! Siya yung boyfriend niya!

Oy hindi ah! Hindi ko manliligaw yan noh! You got it all wrong kuya” pasigaw na sagot ni stiff sa lalaking kausap niya..napakunot ako ng noo ng marinig ko ang tawag niya sa lalaki..

Kuya?? That means…

“Weh? Nagdedeny kapa dyan hahaha..susumbong kita kay Mommy. Ang magaling niyang pamangkin, naglalandi na” hahaha

Umasim ang mukha ni Stiffany habang nakatingin sa tumatawa niyang ..pinsan?? Pero ako, napangiti ako sa nalaman ko..wala naman pala siyang boyfriend.  Binabawi ko na yung sinabi ko dati. Wala naman akong sinabing may kamukha siya sa movie diba?? Ang gwapo niya kaya..hehe

Gusot gusot ang mukha ni Stiff habang pailing-iling itong nakatingin sa naka-laughtrip niyang pinsan. Maasar nga ng makaganti naman ako sa babaeng to!

Hinawakan ko ang kamay niya at para siyang galit na leon na tumingin sakin. Pinipilit niyang bawiin yung kamay niya pero hinigpitan ko pa lalo. Ngumiti ako sa pinsan niya at saka nagsalita. Napatigil siya sa pagtawa at seryoso siyang tumiingin sakin at sa kamay namin ni Stiff na magkahawak..

Im Kim Randel Uy” inilahad  ko ang isa ko pang kamay .

ayaw kong bitawan ang kamay ni stiff, mahirap na baka makawala na naman..

hindi naman ako pinahiya ng pinsan niya at inabot ang kamay ko at saka kami nag shakehands..

Dymitri Co Contrejas pare, pinsan ko ang nililigawan mo” nakangiti niyang sambit sa akin. Mukhang ok naman ang isang to kaya lubus-lubusin ko na ang pang-aasar sa babaeng kanina pa galit na galit na nakatingin sakin..hahaha

Hindi ko pa siya pwedeng ligawan eh, ang sabi kasi niya, kelangan ko daw munang ipaalam sayo, pag pumayag ka, pumapayag na rin daw siya ” gusto kong matawa sa reaksyon ni Stiffany.. pulang pula na naman ang mukha niya sa galit at nanlilisik na ang mga matang nilingon ako.. nagbabanta ang mga mata niya..

what are you saying?? Pakyu!! ” pinakyuhan niya ako..gamit ang right hand niya. Hindi niya kasi matanggal yung left hand niya sa pagkakahawak ko. Hahaha nakakatawa talagang magalit to! Nung una, natatakot ako pag nagagalit siya pero ngayon, natatawa na lang ako.

Nakitawa naman sakin yung pinsan niya kaya napatingin ako sakanya.Somehow, naging komportable ako bigla. Para akong nakahanap ng kakampi at ng koneksyon para mapalapit pa lalo sa babaeng to.

if that so, im giving you my blessing. Goodluck! Sana lang dika bastedin nitong pinsan ko” ngumisi pa siya sakin na parang winawarningan akong mahirap pasagutin yan.

Hindi na maipinta ang mukha ni Stiff ng mga sandaling yon. Ang sarap niyang asarin! Haha

paano ba yan stiff, pumayag na ang kuya Dymitri mo, that means im your official suitor starting today ”banas na banas siyang tumingin sakin at saka ako sinapak sa mukha!amasona ang babaeng to! Ang sakit niya manapak! =_=

 Napatawa nalang kami pareho nung pinsan niya dahil sa ginawa niya. Ginulo ng pinsan niya yung buhok niya at saka umupo sa harap ng isang desktop. Mukhang may gagawin siya.

Wala ba kayong  klase”?? Tanong samin ng nakatalikod na si kuya Dymitri.

ahmm, hindi po muna siguro kami papasok kuya kasi masama ang pakiramdam ni Stiff eh. Sasamahan ko nalang muna siya. Galing kasi siyang clinic kanina eh” ako na ang sumagot kasi galit pa rin si Stiff ..

Napatakbo bigla si kuya Dymitri ng marinig ang sinabi ko at punumpuno ng pag-aalala ang mga mata niya .ikulong niya ang mukha ni Stiff sa mga palad niya.

are you alright?? What happened? Bakit di mo agad sinabi kay Kuya?? Do you want to rest? I will bring you home. Have you eaten already? Ill get you something to eat.. Are you ok huh??” sunod-sunod na tanong ni Kuya dymitri sakanya. Ang kaninang galit na mukha ni Stiff ay biglang nagbago at napalitan iyon ng matamlay na ngiti.

Inalis nito ang kamay niya sa mukha niya at tumingin ng diretso kay kuya Dymitri.

Im ok now kuya, thanks to this jerk, he brought me to the clinic. Its just a dysmenorrhea. A monthly pain a girl should endure ” ngumiti siya at saka hinawakan ang tyan niya.

ok, are you sure your fine now?? Ill just get my things and ill bring you home.” Tumalikod siya at kinukuha na ulit ang mga gamit niya ng may mag ring….

Kinapa ko ang cellphone ko pero hindi pala akin yung call. Nakita ko namang may kausap na si Kuya Dymitri sa phone at maya maya pay binaba na rin ang tawag.

Im sorry Stiff, kuya cant bring you home. The dean wants to talk to me and he refuse to postpone it..”halatang nadisappoint din si kuya Dym dahil sa tawag.

Tumamlay lalo ang mukha ni stiff ng marinig yun sa pinsan niya kaya sumabat na ako..

ako na lang po maghatid sakanya, hindi na lang din ako papasok kuya. Ituro na lang po niya ang daan. Ako na pong bahala. Ill take good care of her, I promise so don’t worry now.

Nagulat si stiff sa pagboboluntaryo ko at napailing. Nakita ko namang lumapad ang ngiti ni kuya dymitri.

thank you so much for taking care of my cousin. She badly needs someone to love her more than we do. I know she suffers more than she can handle and maybe its time for her to find someone she can cry on.” Napakaseryoso ng mata ni kuya dymitri habang sinasabi sakin ang mga yon. Halo-halo ang naramdaman ko, curiosity, doubt, confusion, responsibility, joy pero nangingibabaw ang pakiramdam kong kailangan kong alagaan ang babaeng to..

No matter what it takes, I have to know her. I have to help her.

I have to, not because I need to but because I WANT TO.

Taming  Stiffany CoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon