Randel’s POV
Ang boring!! Hay!
Bakit kaya hindi pumasok si Stiff sa first period namin? Nasa klase kasi kami ngayon at ang magaling na babae, hindi pumasok. Matapos akong iwang gutom kahapon sa garden, hindi na ako kinausap pa. kahit sa 5pm class namin hindi ko na siya nakausap kasi lagi naman siyang umiiwas. Last ko siyang nakita kahapon sa library, humihiram ng libro.
Bored na bored na ako sa dinidisscuss ng teacher sa harapan. Wala kasi ang atensyon ko sa lesson..tsk!
“Goodbye class” yan ay parang musika sa pandinig ko sa mga pagkakataong ganito. Inayos ko na agad ang gamit ko at saka nagmadaling lumabas.. Hahanapin ko kasi si stiffany tutal vacant naman. Syempre, gusto ko na siyang makita noh. Baka late lang yun.
Nagpunta akong canteen pero wala siya dun..hinanap ko siya sa likod ng puno sa may garden, baka tumatambay na naman dun pero wala naman siya. Wala din siya sa library, wala din sa admin building. Pati sa registrar napuntahan ko na pero wala pa ding pagmumukha ni Stiffany..pati guidance office sinilip ko kahit alam kong wala siya dun ..
pagod na ako kakalakad…baka umabsent siya..
Pupuntahan ko na sana si marcus ng mapadaan ako sa isang pamilyar na pinto. Pinto ng school publication kung saan ako sumubsob kahapon. Posibleng nasa loob si Stiff kasi tumatambay na rin yun dyan eh. Kaso nag-aalinlangan naman akong kumatok kasi baka wala siya dyan at mapahiya pa ako. Di pa naman kami close nun..o kaya baka anndyan yung boypren niyang panget.. ay bahala na. sasabihin ko nalang na hinahanap siya..
Tok! Tok! Tok!
Agad agad namang may nagbukas ng pinto. Pareho kaming nagulat ng makilala namin ang isat-isat. Isasara na sana niya ang pinto pero hinarang ko ang kamay ko at saka ako mabilis na pumasok sa loob. Umiling-iling lang siya sa akin pero hindi siya umiimik. Mag-isa lang niya sa loob salamat naman. Umupo si Stiff sa isang monoblock chair at saka nagsalita..
“anong ginagawa mo rito??, dika ba talaga marunong magbasa? Ang sabi sa pinto, For Authori---
“stiff, ok ka lang ba??” hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Stiff nang mapansin kong namumutla siya. Her hands is shaking and her body begin to tremble..Pinagpapawisan siya pero tumatayo ang mga balahibo niya sa kamay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Stiff?? Stiff?? Whats wrong? Why are you trembling?? Stiff?? Hawak-hawak ko ang kamay niya at ang lamig-lamig na! naninigas na ang mga daliri niya pero nanginginig pa rin..
“Please call kuya Dymitri for me!! Sagot niya pero nangingilid na ang luha niya sa mata at nanginginig na ang buo nyang katawan kaya binuhat ko na siya palabas ng pinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang buhat-buhat ko siya papuntang clinic! Hindi ko alam ang nangyayari at taena wala akong ideya! Buti na lang pala hinanap ko siya kundi baka napano na siya sa loob. We reached the clinic after a couple of minutes and thank God! Andun ang nurse.
Kabadong kabado ako habang hinihintay ko ang sasabihin ng nurse ..pinalabas kasi ako sa clinic pagkalapag ko sakanya sa isang bed. Maghintay nalang daw ako sa labas..hindi ako mapakali at hindi ako mapirmi sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi alam ang nangyayari. Baka mamaya may sakit pala ito o kaya may mangyaring masama sakanya. Tapos, tapos baka ako pa ang mapagbintangan.
Napatayo ako bigla ng tawagin ako ng nurse sa loob. Pumasok naman ako agad at nakita ko si Stiff na nakahiga doon sa isang bed. Hindi siya tumitingin sakin . Kalmado na siya at hindi na nanginginig pero pinagpapawisan pa rin. May nakapatong na parang rubber bag sa tyan niya habang mayat maya niyang nililipat lipat .
BINABASA MO ANG
Taming Stiffany Co
HumorPeople come, people go! That’s how they exist, and I am sick used of it! No fibre in my body bothers to care, you know why? Because I was once, No! Scratch that! I am (not I was) a multiple victim of FAMILY, FRIENDSHIP, LOVE and TRUST! I have met a...