Randel’s POV
Kanina pa ako nakaupo dito at nag-aabang sa babaeng yun, gusto ko mag sorry ulit sakanya. Pero anak ng babaeng saksakan ng ganda! Wala pa siya..tumingin ako sa wristwatch kong g-shock at 3 mins nalang 10am na. Baka dumating na si Sir . Wag nyang sabihing hindi siya papasok?? Hindi naman siguro siya absinera, sadyang naligaw lang siya nung una.
Sumilay ang killer smile ko ng Makita ko siyang nag prompt sa may pinto, nagsmile ako sakanya pero ni isang sulyap, hindi niya ako tinapunan..napaurong tuloy ang ngiti ko. Snobbish talaga! Arrggg!!!
Lumingon ako sakanya sa likod at napansin kong tumataas baba ang balikat niya, parang naghahabol ng hininga. Hinihingal siya at halatang pagod na pagod siya. May sakit ba siya o something, napaisip tuloy ako bigla.
Nakita ko siyang napatingin sakin at sinamantala ko na ang chance na yun.
“you okay??” I mouthed at her .hindi siya umimik. Wala talaga siyang planong kausapin ako. Hay! Wala na akong magagawa pa kaya humarap nalang ako sa whiteboard sa harap ko.
Naiinis ako dahil hindi niya talaga ako pinapansin o iniimikan man lang kahit araw-araw ko pa siyang kinukulit pero at the same time, nacu-curious talaga ako kung bakit ganun na nalang siya makisama sa iba. Sigurado akong may mabigat siyang dahilan at gusto kong malaman kung bakit.
Pero paano?? Eh everytime na susubukan siyang lapitan ng kahit na sino eh tinutulak niya lang palayo?
Napalingon ako ulit sa gawi niya at nakita kong kausap niya si Maica, classmate din namin. Mukhang masaya naman siyang bumalik sa upuan niya, nakipag-usap pa siya sa katabi niyang si Ji-anne at pareho silang lumingon kay Stiff at saka ngumiti. Bahagyang ngumiti si Stiff pero hindi naman yun ngiti. Parang gumalaw lang yung sulok ng lips niya pero hindi naman naunat..
Grabe! Ang damot naman ng babeng to. Para smile lang di pa maibigay! Haist! Pero teka, bakit parang naka da moves na ata si maica sakanya?? Wait, bakit parang mas trip nya ang babae?? Di kaya, TOMBOY SIYA?? Bakit ngayon ko lang naisip, pwedeng tomboy siya kasi una, mahilig siya sa loose shirt, pants at rubber shoes. Pangalawa, palageng nakapusod ang buhok na akala mo maglalaba. Pangatlo, hindi umeepekto ang charm ko sakanya! Tsk. Hindi kaya tama ang hinala ko?? No No No! pero malaki ang chance eh, she hates me and I annoy her bigtime. Manhater nga ata eh? Pero diba may boypren siya?? Meaning hindi siya tibo, diba? Grrrr!!! Answer me, HINDI SIYA TIBO DIBA! HINDI!
“Para ka na namang sinaniban dyan! Sabihin mo lang kung kelangan ko ng tumawag ng albularyo”
“ArrAAAAyyyy!!” batukan ba naman ako.
“Taena mo Marcus Sevilla, wala ka ng ibang ginawa kundi bwisitin ako” nagsisigawan na talaga kami doon at wala akong pakialam.
Nakakabwisit talaga ang gagong yan eh, una, sinabihan niya akong weird, sunod tinawag niya akong bakla?? 3rd, dahil sakanya nahuli kami ni stiff sa office nila at hinding hindi ko makaklimutang pinagbintangan niya akong umutot ng ubod ng baho sa loob ng punyetang classroom 4 days ago!
BINABASA MO ANG
Taming Stiffany Co
HumorPeople come, people go! That’s how they exist, and I am sick used of it! No fibre in my body bothers to care, you know why? Because I was once, No! Scratch that! I am (not I was) a multiple victim of FAMILY, FRIENDSHIP, LOVE and TRUST! I have met a...