Randel’s POV
Mga 30mins din siguro ang naging biyahe namin ni Stiff.
Nasa pinkadulong part ng subdivision ang kinatitirikan ng bahay nila at medyo malayo sa kabahayan..Ang weird!
Nakarating na kami dito sa bahay nila at hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ako sa laki ng bahay nila. Sumalubong samin ang malaki at mataas na gate, sa loob non ay nakatayo ang isang 2 storey na bahay. Parang American style ang bahay nila. May maluwag silang garden na may fountain pa sa gitna. Manghang mangha talaga ako sa bahay nila. Grabe! Ang yaman nila.Sa bandang right malapit sa garden ay may malaking pool, sa di kalayuan ay may mas maliit na pool. Parang sa resort lang, may kids pool at may adult pool..dikotalagamaiwasangmapa WOW dahilsanakikitako. Hindi ako OA noh..totoo lahat ng diniscribe ko. Try niyo kaya dito sa pwesto kopara alam niyo feeling ng malula..
Kasalukuyang binubuksan ni Stiff yung main door ng bahay nila ng may mapansin ako..kaya diko maiwasang hindi magtanong.
“Bakit nakalock ang bahay niyo??Asan ang Mommy at daddy mo?” parang wala siyang narinig at nagtuloy-tuloy lang siya sa loob at saka naupo sa sofa.
Sumunod naman ako agad at mas lalo pa akong nalula ng makita ang loob ng bahay. Ang luwag ng salas at pwede ng maglaro ng patintero sa sobrang spacious. Halatang mamahalin ang mga furnitures at pati decorations.Mukhang karamihan sa kagamitan ay mga antique pa ata. Wala gaanong gamit na babasagin tulad ng vase. Ultimo tv ay naka-attached sa wall. Sa harap nito ay isang narra table na napapalibutan ng isang mahabang sofa at dalawang mini sofa.
“You can leave now. I can handle myself” walang gana nitong sabi sa akin. Grabe! Matapos ko siyang ihatid, papalayasin niya ako??
Umupo ako sa tabi niya at saka kumuha ng isang unan at niyakap ito. Pinikit ko ang matako at isasandal ko sana ang ulo ko sa balikat niya ng pingutin niya ang tengako…
Asdfghjkl---- pakinshet! Angsakiiittt!!! Napatalon pa ako dahil sa sakit. Gigil na gigil siyang namingot sakin grabe. Nagcross arms lang siya habang tinitignan niya akong nakahawak sa tenga ko..
Di naman niya hilig manaki tnoh? Tsk!
“What??” matalim ang tingin niyang tumingin sakin habang nakataas pa ang kilay niya.
“anong what what ka diyan, ganyan ba ang dapat na treatment mo sa taong nagmamalasakit sayo??”panunumbat ko sakanya..i saw her rolled her eyes at me at saka ako inismiran..
Tumayo siya at saka ibinato sakin yung unan na malapitsakanya. Nagtungo siyang kusina.Pagbalik niya, may dala na siyang isang baso ng juice..orange juice to be exact.
“oh bakit isa lang tinimpla mong juice” tanong ko sakanya. Dipa nya nailalapag sa mesa, kinuha ko na ito at saka ininom ng isang lagukan..bottoms up lahat! Whooh! Sarap!
“Why would I poison myself”?Parang bored na bored niyang sagot sakin.
Poison? Don’t tell me, nilagyan niya ng lason ang juice na tinimpla niya para sakin??
Napahawak akosalalamunan ko at tumirik anga king mata. Napahiga akos a lap ni Stiffany habang hawak-hawak ko pa rin ang leeg ko..walang reaksyon ang mukha niya. Pokerface nanaman siya. Mamamatay na ako pero wala pa rin siyang kibo!
Hindi effective!! Arrgghh!! Umayos ako ng upo at saka nag-pout.Grabe! Kahit pala Makita niya akong nasa dying state na eh wala pa din siyang gagawin. Syempre acting lang yung kanina, tinetest ko lang kung ano gagawin niya. Wala siyang ginawa! =_=
“tanga ako nagtimpla non! Malamang alam ko kung may lason yun. Bobo!” tsk
Tinanga na nga ako, binobo pa, grabe! Double murder ang ginagawa niyang panlalait sakin.
Inilibot ko muli ang paningin ko sa loob ng bahay at namangha nanaman ako ulit dahil sa mga nakikita ko “stiff, asan ang parents mo? Bakit ang yaman niyo?Anong work nila? Siguro, business tycoon ang papa mo anoh?Tapos ganun din yung mama mo. Grabe! Ang swerte mo naman. Lahat ng gusto mo, nakukuha mo.. “alammo, hindi lahat ng tao, biniyayaan ng swerte gaya mo. Isipin mo na lang yung mga batang kalye na walang matirhan at walang makain tapos ikaw, parang prinsesa sa sobrang yaman!”blah blah blah….
5mins..
10mins..
30mins..
Seriously?? May plano ba siyang magsalita??
Ang dami ko nang sinabi..salita ako ng salita pero ni isang sagot wala akong narinig sakanya. Naka poker face lang siya doon habang nakaiwas ang tingin. Lumapit akosakanya at hinawakan ko ang baba niya at saka iniharap sa akin. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa ginawa ko..
“Bad breath kaba?? May sira ka bang ngipin? May speech defect kaba? O sadyang panis lang laway mo kaya ayaw mong magsalita”? Sobrang lapit ng mukha namin kaya kitang kita kong kumunot ang noo niyasa mga sinabi ko..umiwas siya ng tingin at saka tumungo bago nagsalita.
“I don’t know where my parents are and I don’t know what kind of people are they. Im an illegitimate child Randel and no one is lucky being an illegitimate. So don’t call me lucky because im the beggar here.” Nangingilid ang luha sa mga mata niya at bakas ang halo-halong emosyon sa mata niya.
May kung anong kumurot sa puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. Nasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, malamang, sobrang sakit din nun parasa akin.
Mas lalong lumalim ang kagustuhan kong mapalapits aknya dahil sa mga nalalaman ko. Naaawa ako sakanya at habang tumatagal, lalo akong nagiging interesadong pasukin ang buhay niya.
BINABASA MO ANG
Taming Stiffany Co
HumorPeople come, people go! That’s how they exist, and I am sick used of it! No fibre in my body bothers to care, you know why? Because I was once, No! Scratch that! I am (not I was) a multiple victim of FAMILY, FRIENDSHIP, LOVE and TRUST! I have met a...