"Ang lugar na ito ay isang pribadong lugar para lamang sa mga matataas na estado sa buong lugar. Dito nakatira lahat ng mga Maharlika at lalo na din ang mga pinakakamalakas na tao sa mundo. Isa ka sa napaka swerteng tao at nabigyan ka ng ganitong pagkakataon. Alam ko na may ilang taon pa bago ka maging qualified na vessel para sa Sec. 13. Pero kaya nandito upang magsanay at mas maging malakas pa. Tama naman ako diba?" sabi ni Uno habang hinahatid niya si Yusawa sa tutuluyan niya.
"Maraming salamat sa pagtitiwala sakin para maging isang vessel."
"Hindi madadaan sa basta bastang paraan ang pagtititwala. Kung nakita mong masaya ang mga taong sumalubong sa iyo kanina. Sa kabilang banda ng isip nila ay ang pangagamba sa pagkakaroon ng isang babaeng vessel. Isa pa sa dahilan ay ang pagiging bata mo pa. Kaya kailangan makuha mo ankg kanilang loob. Kailangan mo pang magsanay ng husto."
Nakarating na sila sa bahay na tutuluyan ni Yusawa. Isang napakalaking bahay ang binigay sa kanya para tuluyan niya. May sariling kwarto, sala, malaking banyo, at kumpleto na din ang mga kagamitan sa loob.
"Simula ngayon ay dito ka na titira. Kung may kailangan ka ibibigay kaagad ng mga katulong ang mga pangangailangan mo basta sabihin mo lang sa kanila. Bukas ng umaga ay susunduin ka naming para sa unang araw ng iyong pagsasanay. Mauuna na ako." Sabi ni Uno at agad na din itong umalis.
"Yusawa!"
"Ano yun Kei?"
"Nakalimutan ko kasi sabihin kanina. E ano kasi... Maraming salamat!"
"Para saan?"
"Dito sa kamay ko. Hinding hindi ko malilimutan ito. Tatanawin ko itong utang na loob!"
"Sinabi ko naman sayo diba? Gusto ko talaga makatulong." Sabi ni Yusawa habang ito ay nakangiti.
Napangiti na din si Kei sa mala anghel na mukha ng dalaga. "Salamat! Bukas nalang ulit?"
Tumango nalang ang dalaga at umalis na din si Kei habang kumakaway sa malayo.
👺👺👺👺👺👺👺👺👺👺👺👺👺
[HQ1 under Commander Uno]
Sa isang kwarto ay tahimik na mag isang naghahapunan si dating commander Uno ng biglang may kumatok sa kanyang pintuan.
"Istorbo! Sino nandyan?!"
"Ako ito commander." Sagot ng isang lalaki
"Pumasok ka na. Alam mo naman kung anong oras ng hapunan ko. At alam mo naman na ayaw ko na naiistorbo sa pagkain ko . Hindi ba? Kei!"
Binuksan ni Kei ang pintuan ng silid ni Uno at pumasok ito habang nakasuot ng damit na pang kawal.
"Ayaw mo ba na dumalaw ako sayo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Bloodline Contract
AbenteuerIsang libong taon na ang nakalipas ng dumating ang Hari ng mga demonyo na si Gyao Mao para gawing alipin ang sangkatauhan at pagharian ang planeta. Upang iligtas ang mga tao sa kasakiman ng Demon King isang prinsipe ang na nagngangalang "Deus" ay gu...