[Obekayashi]
Pumasok na sa loob ng kwarto sina Hinata at Kenzou, kasunod din ang dalawang Vessel na si Yusawa at Oden. Pagpasok nila sa loob ay isang malaking lugar na katulad ng underground basement ni Yusawa sa may Gaomon.
Ang buong paligid ay puno ng mga ibat-ibang klase ng mga espada at ma mga malalaking bato din.
"Hindi ako makapaniwala na may tinatago ka din pala dito sa lugar na ito Hinata." Sabi ni Yusawa ng makita niya ang silid. "Hindi na din ako nagtataka dahil isang katulad mo naman ang pinaguusapan natin."
"Well tatanggapin ko yan bilang papuri. Pero hindi ito katulad ng mumunti mong underground sa iyong palasyo Vessel Yusawa." Sarcastic na pagkakasabi ni Hinata habang pinapaliwanag niya ang tungkol sa lugar na kinatatayuan nila. "Ang lugar na ito ay kakonekta mismo ng lugar na ito, ang kinaibahan niya sa iyong lugar ay ang ORAS."
"Oras?" sabi ni Yusawa
"Ang ilang araw dito ay parang segundo lang sa labas ng kwarto na ito kaya naman ay masisigurado natin na hindi masasanay ang paghahanda mo dito."
"Wow!" manghang mangha na sabi ni Kenzou habang ang mga mata niya ay nililibot niya sa paligid ng silid. "Kung ganun kaganda ang lugar na ito bakit hindi natin to ipakita sa Sec 13 at ipag-training dito ang iba pang mga kawal?"
"Hindi lang mga demonyo ang kalaban natin! Pati na din ang ibang mga tao!" galit na sabi ni Hinata. Sa mga oras na iyon ay naalala ni Kenzou ang kwento sa kanya ni Yusawa tungkol sa nangyari sa kanya noong bata palang siya.
"Simulan na natin ang training?" sabi ni Hinata habang nakatingin ng seryoso kay Kenzou..
"Sige handa na ako kung ano man yang training na yan."
"Gumawa na ako ng training regiment mo kung ano ano ang gagawin mo. First papalakasin muna natin ang katawan mo. 1,000 push ups, 1000 sit-ups, running and planking!"
"Ehhhh? S-seryoso ka ba?"
"Magtiwala ka sa akin. Ayaw ko ng puro reklamo alam mob a kung di lang dahil sa dalawa na ito ay hndi ko gagawin ang bagay na ito blahh blah blahh blaah blaah blaahh...."
Hays hindi nanaman mapigilan ang bibig nito. Sabi ni Kenzou sa kanyang sarili. "Okay Okay!!! Gagawin ko na!"
"Pero bago yan..." napapikit bigla si Kenzou at pagmulat nya ay laking gulat niya na wala na sa gilid niya ang kanyang Isolence.
"Oi! Bakit mo kinuha ang Isolence ko? Ibalik mo sakin yan!"
"Ang Isolence ay parte ng ating katawan. Tanging malalakas lang ang pinaparangalan at may karapatan na humawak sa isang Isolence. Bago ko ibalik sa iyo ang iyong Isolence kailangan matapos mo muna ang lahat ng pinapagawa ko sa iyo. Kung hindi malakas ang katawan mo hindi mo magagamit ng tama ang iyong Isolence" Sabi ni Hinata. "Kung hindi mo man matapos ang pinapagawa ko yun ay ibig-sabihin hindi ka karapat dapat na humawak ng Isolence."
BINABASA MO ANG
Bloodline Contract
AdventureIsang libong taon na ang nakalipas ng dumating ang Hari ng mga demonyo na si Gyao Mao para gawing alipin ang sangkatauhan at pagharian ang planeta. Upang iligtas ang mga tao sa kasakiman ng Demon King isang prinsipe ang na nagngangalang "Deus" ay gu...