Kabanata 5

83 28 33
                                    

Wala pang isang buong araw ay gumaling na ang mga sugat ni Kenzou na tila ba ay walang nangyari sa katawan niya.

"Kenzou sigurado ka bang ayos lang ang pakiramdam mo?"

Agad agad tumayo ito sa kinahihigaan niya at tinanggal magisa ang mga aparato na nakakabit sa kanya. Nagulat si Momoi dahil kakaiba ang paggaling ni Kenzou.

"Kenzou anong ginagawa mo? Hindi ka pa pwede bumangon! Ayon sa mga doctor na tumingin sayo ay napakalaki ng pinsala na natamo ng katawan mo mula nung nakipaglaban ka. Kailangang magpahinga ka muna" habang tumakbo ito sa umuupong si Kenzou.

Kahit ang umupong si Kenzou ay hindi makapaniwala sa kalagayan ng kanyang katawan na tila ba ay walang nagbago at may lakas padin ito.

"Asan si senpai Ichiro?" tanong niya kay Momoi habang nakatingin siya sa mga kamay niya. "Nasan si Ichiro!!! Dalhin mo ko ngayon kung asan si Senpai Ichiro!" tumaas ang boses niya na tila nag-aalala sa kasamahan niyang nakatamo din ng mga sugat. "Kamusta ang kalagayan niya?"

Tumayo siya at nag astang tatakbo ng pigilan siya ng taong nasa pintuan.

"Hindi mo na kailangan pang mag abala bata!"

Isang napakagandang babae na may kulay pulang mga buhok ang lumitaw sa kanyang harapan. Tiningnan niya ng masama si Kenzou at dahil sa lakas ng Spiritual power nito ay napaupo sa sahig ang kakagaling lang na si Kenzou pati na rin ang nasa likuran niyang si Momoi ay napaupo na din.

"Sino ka?" tanong ni Kenzou na pinagpawisan sa nangyari.

"Ako si Yusawa! Ang World Vessel ng Gaomon. Kinakagalak kong makilala ka!" Inabot niya ang mapuputi niyang kamay sa natumbang si Kenzou para itayo ito.

Ang expression sa mukha ng bata ay hindi maipaliwanag. Halong kaba, kagalakan, at pagtataka ang isipan ngayon ni Kenzou. Pero wala sa kanya ang pagpapakilala ng isang Vessel. Ang mahalaga sa kanya ay mapuntahan ang kanyang kasamahan na si Ichiro.

Patakbo na ulit sana si Kenzou ng harangin ulit siya ni Yusawa sa pamamagitan ng manipis na espada neto. Mabilis ang pangyayari at kung medo naging mabilis pa ng kaunti ang pagtakbo ni Kenzou ay tiyak ng mahihiwa ang kanyang katawan sa dalawa. Napansin ng dalawa na nagkaroon ng hati ang silid kung saan hinampas ni Yusawa ang kanyang espada.

"Hindi ba sinabi ko naman sayo bata, hindi mo na kailangan pang mag abala." tinitigan niya ulit ng masama si Kenzou at napaluhod nalang ulit eto sa sahig.

Sa mga oras na yun ay parang nag iilusyon si Kenzou na may nakikita siyang pulang dragon sa likuran ni Yusawa habang ito ay nakatitig sa kanya. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit sa kakulitan ng bata. Malakas na pwersa ng kapangyarihan ang nararamdaman niya mula kay Yusawa.

Inilabas ni Yusawa ang pipa mula sa kanyang manggas ng kanyang damit at sinindihan ito.

"A-ano po ba kailangan niyo? At bakit kayo nandito sa Senkaimon?"

Umupo si Yusawa sa harapan ni Kenzou at hinawakan ang mukha nito. Dahan dahan inilapit ng babae ang mukha neto kay Kenzou. Naramdaman ni Kenzou ang mainit na buga ng bibig ni Yusawa. Tila ba ang maladragon na aura kanina ni Yusawa ay napalitan ng mga bulaklak na imahe.

"Intererasado ako sayo." anya ng vessel na nasa harapan niya habang napatitig nalang si Kenzou sa magagandang labi ni Yusawa. Napatitig ang mga kumikinang na mata ni Kenzou sa maputi at makinis na balat ng babaeng nasa harapan niya. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng init at kaba sa harapan nito.

Bloodline ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon