Isang libong taon na ang nakalipas ng dumating ang Hari ng mga Demonyo na si Gyao Mao para gawing alipin ang mga tao at pagharian ang buong planeta. Upang iligtas ang mga tao sa kasakiman ng Demon King isang prinsipe ang na nagngangalang "Deus" ay gumamit ng pinagbabawal na itim na mahika ang lumikha sa isang sandatang may kapangyarihan puksain ang Demon King at tinatawag nila itong Isolence.
Nagawang iseal ng prinsipe ang kapangyarihan ng higanteng demonyo subalit patuloy padin ang pananakop ng mga kampon neto. Habang payapang namumuhay sa planeta ang iba, may mga tao naman na niniwalang hindi pa tapos ang digmaan. Ang mga tao na ito ay ang bumuo ng isang samahan na tinatawag nilang Sector 13 na binubuo ng 5 Division. Senkaimon, Gaomon, Tsukimon, Juumon, at Hyourumon.
Kahit na nawala na ang Hari ng mga Demonyo patuloy padin ang mga dilubyo na dinudulot ng mga kampon nito sa mga ibat ibang lugar. Pagpatay, pagaalipin, pangunguha ng kaluluwa. Kahit mga batang walang kamuwang muwang ay hindi ligtas sa kadilimang dulot ng mga demonyo.
"Goodmorning Kenzou! Ang aga mo ah!"
"Opo tatang! Inassign na po ako sa division!"
"Ahh ganon ba iho? Galingan mo sa unang araw mo ha!"
"Opo tatang!! maraming salamat po!"
Ako si Kenzou at 18 na ako. Kakagraduate ko lang sa School of Magic at sa wakas matapos ang maraming beses ay nakapasa ako. Sa bawat yapak ng aking mga itim na sandalyas at sa maputik na daan sa wakas malapit na ako sa pupuntahan ko. Papunta na ako sa naatas saking division para maging parte na din ng alliance at mapakita ko na ang galing at natutunan ko.
Habang naglalakad sa isang matarik na bundok natanaw ko ang isang napakataas na palasyo. Pero yun ang buong akala ko. Imbis na palasyo ay mukha itong haunted house. Lahat ng tanim sa paligid ay tila nalalanta na. Namumuo na ang mga amag sa dingding tila ba hindi nagawang linisin ng ilang taon.
"Tama ba ako ng pinuntahan?"
"Hoy bata!"
"Kya!!!" napatili na parang babae si Kenzou at nagliparan ang mga uwak na nasa kagubatan.
BINABASA MO ANG
Bloodline Contract
MaceraIsang libong taon na ang nakalipas ng dumating ang Hari ng mga demonyo na si Gyao Mao para gawing alipin ang sangkatauhan at pagharian ang planeta. Upang iligtas ang mga tao sa kasakiman ng Demon King isang prinsipe ang na nagngangalang "Deus" ay gu...