Kabanata 11

28 9 0
                                    

[Gaomon. Present]

"Hindi padin ako makapaniwala sa mga kinukwento mo sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi padin ako makapaniwala sa mga kinukwento mo sakin."

"Alam ko na mahirap paniwalaan. Pero ganun tumatakbo ang mundo natin ngayon Kenzou. Hindi lang mga demonyo ang kalaban natin kundi pati na ang kapwa naktin na mga tinuturing na tagapagtanggol ng mga mamamayan."

"Pero bakit ka bumalik? Bakiit ka nandito muli sa Sec. 13?"

"Mahabang kwento kung bakit ako bumalik dito. Bukod syempre sa paghihiganti ay may mga tungkulin padin ako kailangan gampanan. Sabihin na natin na may mga bagay tayong hindi natin maiiwasan kasi nakasulat na ito sa ating mga kapalaran." Tumayo si Yusawa at umahon sa spring. Naglagay siya ng tapis sa kanyang katawan, kitang kita padin ang hubog ng kanyang katawan sa manipis na telang panapis niya.

Kitang kita ko padin yung katawan mo baliw kahit magtapis ka pa diyan. "Ehem.!! Hindi ko padin maintindihan kung bakit yun nagawa ni Head Gov. Uno sa inyo at lalo na sa bayan niyo. Ano ba ang pinaplano nila?"

"Hindi ko masasabi kung ano mga plano nila sa mga oras na ito. Ang tanging paraan nalang para maging handa ay ang magsanay at magaral ng mga makabagong pamamaraan ng pakikipag laban."

"Kaya mo ba ako dinala dito sa Gaomon?"

"Sabihin na natin na isa yun sa mga dahilan kung bakit kita dinala dito. Pero isa sa mga priority ko ay mapagaralan ang demonification."

"Ano bang posibleng mangyari sa akin pag di ko nacontrol ang demonification?"

"Sa ngayon ay hindi pa naming masabi kung ano ang mga posibleng mangyari sayo. Hanggang ngayon ay wala pa kaming lead kung ano at paano ang sinasabi nilang demon contract. May naikwento lang sakin yung kumupkop sakin tungkol dito na meron din silang pinagaaralan na demonification noon. Pero ang pagaaral na iyon ay hindi nagresulta sa maganda at nauwi sa pagpapatapon sa kanila sa labas ng Sec. 13. Yun lang ang tanging nalalaman ko sa kwento niya."

"Yung tumulong sa iyo? Anong pangalan niya? Sino siya?"

Bago pa matapos ang pagkwekwento ni Yusawa ay bigla namanog dumating si Yusuke. Halata sa mukha niya ang pagmamadali.

"Captain!!! Yusawa!!" Hingal na sabi ni Yusuke "Ang mga kawal ng World Government ay nandito!"

[Senkaimon]

[Senkaimon]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bloodline ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon