"Anong nangyari sayo? Captain?"
"ang mga sugat na ito ay may kwento na tungkol sa nakaraan ko at mumulat sayo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang mga sugat na ito ay kahit kalian ay hindi na magagamot na pangkaraniwang kapangyarihan o healing magic. Hindi nadin ito kayang gamutin ng isang Replica ng temple of Epione. At lalong hinding hindi na ito magagamot ng aking kapangyarihan."
"Teka lang. Naguguluhan ako. Anong sinasabi mo na hindi na ito magagamot? Hindi ba sa lugar na ito lahat ng sugat o karamdaman ay nagagamit? Paano mo nasabi na yang mga sugat na yan ay hindi abot ng kapangyarihan mo para lunasan? Paano mo ba nakuha ang mga suigat na yan?"
"Ang mga taong gumawa sakin neto..."
[11 years ago. City of Thebes]
*15 years old Yusawa*
Sa isang maliit na city na tinatawag na Thebes sa labas ng sec 13 nakatira si Yusawa. Ilang taon palang ang makalipas ng tawagin ang bayang ito na Medical Institute dahil nadin sa mga matatagpuang kakaiba at natatanginkg mga herbal dito. Ang mga gamut mula dito ay inaangkat papunta sa Sec. 13.
15 years old pa lamang si Yusawa ay nakitaan na siya ng potential ng mga mamamayan doon para maging isang vessel balang araw. Ang mga magulang niya ay sinikap na makapagsanay ang batang si Yusawa. Bawat araw na lumilipas ay panibagong pagsubok para kay Yusawa. Sinanay siya maging mage at sinamay din siya sa paggamit ng kanyang espada.
Ang batang si Yusawa ay halos araw araw nagsasanay sa mga mahihirap na paraan. Araw araw siyang nakikipag sanay sa mga makalidad na swordsman sa kanilang bayan. Ang pangalan ni Yusawa ay nagging kilala sa buong bayan pati nadin sa labas nito at umabot na din sa centro, ang Sec. 13 sa kadahilanan na siya ay babae at bata pa lamang ay natatalo na niya ang mga mas nakakatanda at beteranong swordsman sa kanila.
*Kei . 17 Years Old*
BINABASA MO ANG
Bloodline Contract
AventuraIsang libong taon na ang nakalipas ng dumating ang Hari ng mga demonyo na si Gyao Mao para gawing alipin ang sangkatauhan at pagharian ang planeta. Upang iligtas ang mga tao sa kasakiman ng Demon King isang prinsipe ang na nagngangalang "Deus" ay gu...