Kring... Kkringg... Kkkring... "Ummmpp" ... sabay sampal sa antipatikang alarm clock ... "anaantok pa ang tao kung makatili tong alarm clock na to"... "Haahhh inat.. hikab.. antok pa talaga ako"...
Papasok na sana ako sa banyo... nang mapansin ko si yaya Nora... busy na naman sa kusina... "aga mo yaya" bati ko... "lagi na naman eh wala namang bago"... nakangiting sagot nito.. "Ay Oo nga yaya six years na pinagpapalit palit ko lang no?.… dyan ka na pala Yaya.. Ang aga mo yaya"... "Sige palitan natin... ang ganda mo ngayon yaya"... " O ayan bago yan ha!
Masayang kasama si yaya kahit hirap yan sa dami ng gawain dito sa bahay hindi ko man lang nakita na nagdabog yan o naging mainit ang ulo. Sa kabila ng mga alam kong problema nya sa pamilya dahil madalas kapos sila sa Pera.
"Teka balik tayo sa original na kwento... bago pa maging kwento ito tungkol kay yaya".
Nakita ko ang luma kong lunch box... nakaporma na si yaya... maglalagay na ng kanin sa lunch box... nang "Yaya STOP"!!!... "Ay Buto na umistap Ay"!!!... ganyan magulat si yaya.
"ahahaha"... "Yaya luma na yan"...
"Uh!... hindi naman bumili si manang ng bago... Paliwanag ni yaya.
"Yaya... high school na ako hindi na ako magbabaon"... paliwanag ko.
"May allowance na daw ako sabi ni lola"... Iniligpit na lang ni yaya ang lunch box.
"Si Norman nga pala hindi ko napansin kahapon... first year din ang bunso mo yaya di ba"?
Napahikbi si yaya... bakas ang lungkot sa mukha... "Hindi pa makapasok si Norman... bawal sa school ang naka-senilas... "OMG"!... mahina lang po yun OMG ko ayaw ko ma-stress pa lalo si yaya.
"Ah yaya madali lang remedyo dyan marami akong sapatos, pumili ka dun kahit anim pa kailangan mo... kunin mo para araw-araw iba iba ang sapatos ni Norman"... taray ng solusyon ko sa problema ni yaya... yan tayo eh mabilis magisip.
Pero Teka lang... Nakahikbi pa rin si yaya... "O yaya may problema pa rin?...
"Maliliit kasi yun mga sapatos mo... walang kasya kay Norman".
"Eh Yaya may bago akong sapatos di ko gusto ang kulay, baka bagay kay Norman". Mabilis kong sagot, gusto kong mapasaya si yaya.
"Malaking bulas kasi Norman at lalong lumaki nung matuli, hindi talaga kasya ang alin man sa mga sapatos mo". paliwanag ni yaya.
Higante ba si Norman?... ang hirap naman maging nanay"... sa isip ko lang.
"Babale nga ako kay manang ng 1k para pandagdag para pambili ng sapatos ni Norman."
"Yaya 1k anong klaseng sapatos yun... baka hindi abutin ng 3 days kay Norman yun at masira agad... lalo at sabi mo malaking bulas si Norman".
"Halika kay lola...si lola lang ang solution sa problema mo" ...
"Nahihiya ako kay manang"...
"Akong bahala... halika na bilisan mo maliligo pa ako".
"Lola.. lolllaa"... malambing kong tawag kay lola na may marahang katok sa pinto. Sana hindi pa gising lolo.
"shusst Japeth wag ka nga maingay at tulog pa ang lolo mo"... "O ayan yaya tulog pa si Lolo tamang tama"...
Inakay ko si Lola palayo sa kwarto nila ni Lolo.. at... "Lola si Yaya may blah... blah blah blah... si Norman blah blah blah blah... Babale si Yaya blah blah... Lola please blah blah blah. maliligo pa ako...blah. blah. Please lola."...
"Ok ba iyun Nora ha?... aayusin ni Norman ang garden?... bibigyan kita ng 3k hindi bale iyun basta maiayos ng anak mo ang garden"... "at umuwi ka muna pagkatapos mo ihanda ang almusal samahan mo ang anak mo bumili ng sapatos at sana ay matibay ang mabili nyo".,. dugtong pang salita ni lola.
YOU ARE READING
Trapped in Love with DAD
RomanceAlamin kung papaanong na-trapped si Japeth sa pagmamahalang anak sa ama gayong hindi naman niya nakilala o nakita man lang ang kanyang ama simula't bata.